BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Friday, May 29, 2009

Bakit Kaya?

Sabi ko dati subukan ko lang, akalaing mawili ako, kahit wala pang nagbabasa eh ano lang? Trip ko, masama namang sila lang may karapatang magtrip? Ano ba pinagkaiba ng keyboard ko sa keyboard nila at ng mouse ko sa mouse nila, hehehe pero ciempre alam ko naman yun, na magkaiba ang specs ng cpu ko at ng kanila...

Pero matanong ko lang bakit kaya ang sarap ngang magsulat? Yun bang tipong mentras tumatagal at mentras lumalaon eh ba naman, nakakatipa ko ng ibat-ibang kwento kahit di naman nagiicip hehehe, wala ata akong icip, o sadyang wala lang talaga kong maicip, pano ba namn hanggang ngayon di ko malaman kung pano pinaglalagayan ng mga gadget achuachuachu 'tong lekat na blog na 'to....Weeeeh, pero cia!!! cgeh pa rin ang bruha kong mga daliri at may laman kong icipkuno, pero ciempre kung ano lang nasa puso ko yun ang sinusulat ayoko ngang magicip ng magicip ng mga kwentong may makwento lang..., kasi ba namn wala naman nagbabasa ng blog ko eh ako lang hehehe...minsan may naliligaw, buti na nga lang naligaw cila kundi baka nagiisa pa rin ako hanggang ngayon, huhuhuhu...

In fairness naman sa mga mahuhusay na manunulat ng blogger, abay akalain mo yun?!! Pambihira..eh kagagaling magsipag sulat, mga manlilikha bah!, naku special mention lang pohhh, lalo na si mike avenue trip kong basahin ang blog nia kakatuwa kasi may aral na, masaya pa, may sense pa kahit di nga me nagsusulat eh namamasyal na lang ako actually po kaya lang ako nagawi samundong ito dahil sa isang lumang kakilala ko na bahagi rin ng mga lumang kwento ng buhay ko hehehe!!!!...peace...... an_indecent_mind, kaya ayun sinubukan ko lang kasi ang dami kong nabasa pang iba tulad ni silip at ni manilenya, mga taong kahuhusay eh....

Bakit kaya noh? sarap lang magbasa pero di namn sa nakikigaya, (di daw kaya pala eto at nakisali na rin ako).
Kasi naalala ko lang since 1996 up o 2001 nakakailang notebook na kong de-spring na malapad para lang magsulat kagagahan ko at ka-eng-engan na nagcocomputer namn araw-araw aba'y may mundo pa lang ganito o cia., wala naman pong masama kung makibahagi at makisalamuha ako di ba?

Matsala na lng sa mga taong naliligaw sa mga tinipa kong salita at kwentong aking nagawa....at sa mga kwento niong nilikha na aking nabasa at nakakatuwa..maaaring ang isa sa mga yun ang naging dahilan kung bakit kaya ako'y nakilikha na rin sa mundo ng blagging na ito....

2 comments:

an_indecent_mind said...

galing ako dito... second time yata pero ngayon lang nagbasa..

at akalain mo yun??? special honorable mention pala ako dito??!! in tagalog, karangangalang di mabanggit-banggit!! wehehehe!!

salamat! salamat!

SEAQUEST said...

@ an_indecent_mind

bakit ayaw mo? tanggalin natin yun lang para kagaga na lang....wehehehe...
eto adik na din sa blog..saya pala dito di mo agad sinabi..sarap magtrip...nakakabangag magbasa...Salamat din...