BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Thursday, November 18, 2010

32 Taong Paglalakbay sa Buhay...sa Inyong Lahat Salamat... Slideshow

32 Taong Paglalakbay sa Buhay...sa Inyong Lahat Salamat... Slideshow: "TripAdvisor™ TripWow ★ 32 Taong Paglalakbay sa Buhay...sa Inyong Lahat Salamat... Slideshow ★ to Philippines (near Calapan) by Nel Yambot V. Stunning free travel slideshows on TripAdvisor"

Hindi man naging kasing perpekto ang buhay tulad sa pangkarinawang naisin ng isang indibidwal, gayunpaman, malugod kong pinagpapasalamat sa loob ng 32 taong marami na kong natutunan sa buhay at di ko yun mararanasan kung hindi sa lahat ng mga taong nakasalamuha mo kaya sa kanilang lahat maraming, maraming salamat...Muli ako'y magpapatuloy at anupaman ang mangyari naniniwala akong marami pa kong mga panibagong susuungin sa buhay kasama ang mga ibang dati at bagong tao sa buhay ko..Maraming Slamat sa Diyos sa laht ng ito...

Thursday, October 14, 2010

Pano Kung?

Pano nga kaya kung?, kung hindi ko pinutol nuon ang ugnayan natin at pinagpatuloy ko pa. Kung sinabi ko agad nuon pa gusto ko lang muna ng space para sa sarli ko at babalikan din kita. Kaso naisip mali rin naman ata yun kasi hindi ka bagay na minahal ko at nagustuhan lang at pag pagod na ko eh, sasantabi muna at babalikan muli pag may free time na. ( di tama yun wag ganun), Pano kung nuon pa nung hinanap kita eh hindi ako tumigil nuong may nagsabi sa aking wala ka ron, o kung hindi kita nakitang may kasamang iba...Pano kung nuon pa tumigil na ko sa pagmamahal sa iyo sa kabila ng di naman ako sigurado kung ako may puwang nuon sa isip, o kahit sa alala mo...Pano kung nuon pa sinubukan ko ng mag move on ng balewala yung iningtan kong pagmamahal sa iyo sa loob ng mahabang panahon..Pano kung, nuon pa tinapos ko na sana at inalam ko na kung ano nga ba ang dahilan bakit at ano? Pano kung til now di ako tumigil ng pagmamahal sa iyo, would it be unfair to the person who love me now kahit alam naman nia kung sino at gano kalalim ang iningatan kong pagmamahal sa iyo...Yah, i must admit it isa ka sa mga what ifs? ng buhay ko...siguro nga nagkamali ako dahl ng lumingon ako nakita ko masaya ka na, nasanay ka na ng wala ako sa buhay mo..at pinag-aralan ko na rin maging masaya para sa iyo at para na rin sa sarili ko...May isang bahagi ng parte ng pagkatao ko ang kaylanman ay mananatiling lugar para sa iyo...at wag mo ng subukang itanong pa kung bakit dahil kahit ako di ko makita ang sagot kung bakit at ayaw niang maalis...Nabawasan, oo naman nuh, alangan..Pero andun na cia nakatatak na ganun ata yun kung panong sobrang sakit ng muli kitang matagpuan yun din siguro yung lalim ng pagaalaga ko sa yo...Pero okey lang at least wala akong pag sisisi maliban sa isang what if nuon pa di kita binitawan or what if nuon pa binitawan na kita....???? THat's life is, we better accept it or stay in the stage of denial, we better stayed there for what we feel for the rest of our lives even without asked something in return or move on & live them all behind...

Wednesday, August 18, 2010

ALINLANGAN

ayoko na muna.
di ko pa alam kung bakit?.
siguro dahil wala lang akong ganang magkwento
o maaring sadyang wala na talaga kong interes pa'
puede rin naman dahil inspirado pa kong gumawa ng ibang bagay.

Tatapusin ko na muna itong bago kong pinagkakaabalahan
kung hanggang kelan wala pa kog kasiguruhan.
ang alam ko lang excited na ko muling mag-aral
at matapos ng aking iba pang pinag-aalayan ng oras at panahon
lilipas din ito.

pinupuntahan pa kita paminsan-minsan
yun nga lang sencia minsan na lang
di na ko nagkokomentaryo dahil ayoko lang
o bka dahil alam ko namang alam mo na kung ano sasabihin ko.

ikaw ang unang nagpakilala sa akin ng mundong ito
at ikaw na rin ang di dahilan ng sakali mang ito'y aki ng tigilan.
oo na; hindi talaga ikaw.....feeling mo naman...
itutuloyko pa o hindi, mamahinga lang o tuluyan ng iwan
ewan nga ba ang sagot pero puede namang oo at hindi lang
pasasaan ba isang araw malalaman ko rin ang dahilan..

basta di ko kinalilimutan minsan naging inspirasyon kita
naging mahal kita at ang lahat ng yon kwento na lang ngayon
alaala na lang ng lumipas pero di ko gustong kalimutan yun
kung bakit? wag mo ng tanong may sarili kong dahilan
na kaylanaman ay di mo na dapat pang malaman.....

Monday, June 21, 2010

CHITSA

Ayoko sanang simulan sa salitang bakit, subali't talaga naman oo ako'y namamangha sa mga tao o ibang indibidwal na sadyang dakila, dakila nga ba o dakdakilya. Kahit san daw panig ng mundo marami nito walng pinipiling estado sa buhay, walng pinipiling lugar, walang pinipiling indibidwal. Maari siguro kahit ako minsan ganito pero aaminin ko ring masyado akong pribadong tao pagdating na sa personal na buhay, personal na takbo ng buhay ko..totoo, may mangilan-ngilang nakakaalam most of the stories regarding sa father ko. Pero kung sa akin na sa pag-ibig ko, sa kagagahan o kung anu pa man ang gusto nilang itawag dun iilan lang silang totoong may alam kung ano ba talaga..bakit at pano...Hindi dahil sa gusto kong may itago o puedeng part of it is that. Pero kasi ang katwiran ko bakit pa? bakit ba? kanya-kanya ng paniniwala ang bawat indibidwal kanya-kanya tayong krus na pasan, kanya-kanya tayo ng diskarte sa buhay para sa akin, as long as wala akong sinasaktan na tao or else kung meron man malamang marapat lang yun para sa kanya, masaya ako at kuntentong nabubuhay. Makwento ko lang po kasi nagulat lang ako matapos ang ilang mahabang taon ng buhay ko na ni minsan eh di ko siya naririnig man lang o nakakausap...although totoo po na may mga nakakarating sa akin about what happen to them na ganito na sila, na nandun na sila, na atsutsu blablaha na ekalbu ekalaba na mga life nila...,pero ako kasi yung tipo ng tao na nalaman ko na ay nalaman ko lang, kung di mo hinihingi ang opinyon ko sapat ng narinig ko, sapat ng nalaman ko, kung ang iba ang naghatid ng balita sa akin mas lalo ng walng kang maririnig na kahit ano pa man sa akin, kung yung mismong tao naman ang nagsabi sa akin, fine pakikinggan kita, tatahimik ako after ng kwento mo, if you asked for my what do you think?, ano opinyon ko o suhestiyon ko saka ko ibubuka ang bibig ko para magsabi sa iyo, kung anong tanong yun lang sagot ko lalo pa at kung yun eh tungkol sa personal na buhay.... isang araw bigla "buzz" kamuzta ka na, sagot ako okey lang...then san k now sagot ko naman dito lang nasa pinas nakikibaka sa buhay...muzta family mo? eto na po sa ikatlaong tanong kinutuban na ko alam ko na patutunguhan nito sa isip ko lang, pero ang sagot okey lang naman..hanggang sa napunta na nga sa hubby mo...hahahahaha, sabi ko na nga ba eh, dun yun magagawi kasi alam ko na nakarating na sa iyo ang tsika at di na ko magtataka dahil tulad ng nagiging tulay sa kwento ng buhay mo kung bakit nakakarating sa nananhimik kong buhay na halos di na nga ako lumabas ng bahay nung college ako eh akalain mong nakakarating pa rin sa aking pandinig. Ganun paman ipagpatawad pero minsan po kasi may pagka paraktikal lang ako eh, wala akong kiber kung asan lupalop na ng mundo yung tao na yun, kung gumanda na, kung sumikat na kung may asawa na, may pamilya or whatever pa!!! as long as they dont want me to be part of their life hindi ko pipilit ang pagiging magkakilala namin lalo kung di naman tayo best of "whatever" wehehehehe....Minsan lang naiisip ko sana ang bawat indibidwal matutong makiramdam yung bang tipong di mo na kailangan pang elaborate isa-isa kung pano at kung bakit? lalo pa at wala rin naman magagawa sa iyo matapos nilang malaman,. Sabi ko sa minsan sa isa taong nag share din at matapos magtanong sa akin eh ang sinagot ko; ikaw ba nagtatanong dahil concern ka sa kanya at gusto mo ciang tulungan o nagtatanong ka lang dahil nais mo lang malaman at matapos eh pag piyestahan nio ng iba nio pang tropa ang kanyang personal na buhay..para sa akin kesehodang tomboy, bakla, may asawang hiwalay, kabit, kumabit, kinabitan, sumabit, nakisabit, lalaking pumalya sa relasyon, babaeng pumalya sa una, may pangalawa, may una o ilan pa man, panggabi ang work, nasa sariling bayan, bansa o wala man...simple lang, para sa akin may kanya-kanya silang kwento, may kanya-kanya silang rason, may kanya-kanya silang kakuntentuhan at kaligayang nais sa buhay kung wala ka rin naman magagawa at itatalak mo lang sabi nga nila kung di rin lang mabuti ang ibubuka ng iyong bibig mabuti pang manahimik ka na lang...Lahat ng indibidwal sa mundong ito may kanya-kanyang kwento pasalamat ka kung isa ka sa binahaginan ng isang taong kakilala mo, ibig lang sabihin pinagkatiwal nia sa iyo ang mga bagay na meron cia sa kanyang mundo...wag sana natin silang husgahan dahil sa mga narinig o sinabi ng iba sa atin, wag sana natin silang husgahan sa paraan natin, minsan baka sa kakapuna natin sa kanila di mo napapansin ang sa sarili mo...Mahirap maging mpanghusga para sa iba, para sa akin hangga't marunogn silang magmahal, matutunan din nilang rumespeto ng iba. Walang magaan sa mundong ito lahat mabigat subalit depende sa pagdadala kaya para sa iba nagigig magaan ito...what important is, the solidarity of carrying that cross...pagtanggap, pagpapakumababa, at pagmamahal....Payong lang nilang magagaling wag masyadong tsikadora/doro kung may bakanteng oras gamitin sa mas kapaki-pakinabang kesa ang pag aksayahan ang bagay na di mo naman dapat pang pakiataban.

Monday, April 5, 2010

JELLY PIE





(???) Is this the reason why? May sasagutin sana ko kaso naisip ko sa bandang dulo ng nai- type ko na, what for? (Di ba?) OKie, fine...Honestly, di ko alam kung ano magiging reksyon ko eh, matatawa ba or magugulat or magatatanung? after search, search, search DAW!!! yun na.. at ginawa pa kong manghuhula ha, alam ko na raw kung baket, weeehhhh, chege na nge!! i just try to pretend that i know, so pano babuz na tong umaatikabo ha...hehehehe...anyways, nice to hear some things that happen to you for those span of years na nagkawalaan tayo..I still be your frend don't worry patay ka pag nakita kita i-beso-beso pa kita, nakupo!!! di kaya ako masabunutan hehehehe...Kidding aside, salamat na rin..bye... Hmmp, joke lang wag masyadong seryosohin baka atakihin..


Tuesday, February 23, 2010

SIRA-SIRA

Matatapos na ang Pebrero at dahil naghihingalo na itong aking blogsite, subukan ko pang i-revive hehehe...Isa ang buwang ito sa mga good moments of my life..yung pang personal na kwento wag na..hehehe,,kailangan ko kasing stealth eh..la lang for privacy. Si madir nagbirthday last Feb. 15, ciempre nagtext, tumawag naka-unli col kaya si cp ko at tenga ko hangga't di nag-iinit at na lobat di ako tinigilan..tanong ko what do you want na gift, sagot naman nia gift is good but i need cash. Haaay, ang nanay ko tlaga mapa-pasko, kaarawan o kahit ata anong okasyon eh, still mas type ang cash kesa gift. Pero ciempre, charotela din yun noh! kaya ayun humirit ciempre ng gift pero up to now di ko pa nabili kasi may usapan kami about that gift...sabi ko ako na magdadala pa LBC ko pa eh mahal ng bayad dun, Kuripot nga ako di ba??? (di naman masyado sakto lang, nagbubudget lang). At the age of 60 ayun kengkay pa rin pag kaming dalawa magkausap, emote-emote sa una pag nasermunan ko na yun na..tawanan na kaming dalawa. I can't imagine kung panong tatakbo ang buhay ko pag wala na cia, di man kasi kami magkasama sa araw-araw pero feeling ko isa cia sa mga paa ko, at aaminin kong isa cia sa maaaring ikahina ko at ikapilay pag nawala sa buhay namin..Palagi kong sinasabi sa kanya salamat, kasi sa lahat-laht na ata ng paghihirap nia mula pa nuon at hanggang ngayon eh, wala na akong masabi taas ang mga kamay ko sa pagiging matiyaga at maaruga mula pa sa aming apat at ngayon sa apo nia..at kung muli akong mabubuhay siya pa rin ang pipiliin kong maging nanay. Yun nga at dahil valentine din halos ang kanyang kaarawan eh wala man ako sa tabi nia nagbatian naman kami ng bonggang-bongga.


Ako naman, ayun inimbita ko ng mga frendz na mag-trek daw kami at zambales. Unang linggo palang ng buwan sinabihan na ko at dahil nga sa nag-esep-esep pa ko sasama ba o hindi, (mini my nimo ang drama ko) ayun napasama rin at the end...ang balak po talaga eh at 5am aakyat na kami so, lumarga kami from here in alabang at 12 midnight ng feb.13 kasi nga tema-temahan ng aming paglarga eh (Climb for the Love), since valentines day nga at ciempre wag na magtaka kung ang mga frend eh may kasamang partner hehehehe...Ako!!?? (secret walang clue) hehehehe...
Sa kasamaang palad ang subic ang isa sa mahigpit na dinaraanan papunta sa lugar at ayun po si driver po nahuli...(achuchu blah, blah)....Sa madali't salita nakarating kami 6am na, nag- breakfast, nag-prepare for the trek, nag-pray, nag- counting, then we're going na...At past 8am..
















so we expect na aabutin kami ng lunch sa taas ng summit...pero ciempre ang bitbit lang eh mainam pang-tawid ng gutom, kasi po yung mga mabibigat na gamit para sa pagkain etc, blah,blah...eh pinabangka na namin kay manong tony na ciang kontak namin, at alam na rin naman ni manong bernie na ciang katiwala sa island na darating ang grupo namin kaya well prepare na ang space for us, maari sana na magbangka na lang din kami papunta sa island pero yun nga lang sadyang trek ang aming trip. Susme, hiningal ako, hilahod sa pag-akyat at ciempre po ang init grabe, unang dahilan halos wala ng puno ang bundok na aming nadaanan dulot daw ni Mt. Pinatubo pa yun nung pumutok ang hinto at pahinga namin eh isang punong mabibilang mo ang dahon pero ciempre acknowledge pa rin ang puno na yun dahil dun kahit pano may konting lilim, pero halos madaraanan mo eh puro talahib na yung paakyat na ng bundok pero sa paanan may mga madaraanan kayong mga ilog na wala na ring tubig..Nakarating kami sa taas ng summit matapos ang halos 10 hintong pahinga ata o higit pa, makalipas ang halos 3 oras na mahigit...@ dun mawawala lahat ng pagod mo...





Ang sarap sa pakiramdam, ang sarap humiyaw, ang sarap damahin ng dampi ng hangin, ang sarap na nalagpasan mo yun hirap sa pag-akyat, ang motivation nga di ba?, pag narating mo ang tuktok nun mo rin malalaman na may saysay naman ang iyong pinagpaguran..Yah, right..tulad ng buhay kailangan mo munang dumaan sa maraming pagsubok ng buhay, huminto at magpahinga kung kinakailngan pero di yun nangangahulugan na sumusuko ka na sa pag-abot ng naisin mong marating..At last i survive...Now, here is the summit...at kailangan po naming bumaba naman muli para sa isang nagtatagong island sa kabila ng bundok na ito..The Anawangin Cove..



Isang lugar kung san may pine tree, may white sand, walng elektrisidad, walng signal para sa mga gadget, tahimik at tanging maririnig mo lang ay alon ng dagat, pag-ihip ng hangin...Masarap nakakapag pahinga ng maayos, nakakrelax ng isip at pagal sa sangdamakmak na trabaho, sa ingay ng ciudad.. mag bon fire sa gabi, magswimming sa takipsilim ng hapon, sa umaga...mag two piece ka, mag no piece ka kung carry mo wa kiber ng iba!...basta isa ciang lugar na ika nga nila'y (perfect for a lovers)...nyahahahaha...Just bring your own tent..mas okey may mga kubo pero mas maganda kung tent ang gamit nio, at ciempre isama na rin ang duyan...(para daw mas romantic) Charuuzzzz!!!
Sa pag uwi namin nag bangka na po kami it took 30 minutes bago marating ang pampang ng baryo ng Pundaquit kung san iniiwan ang mga service na sasakyan. Habang nakasakay sa bangka mapapahanga ka talaga sa taglay na ganda ng kalikasan....At dun marerealize lalo kung gaanong ang dami mong dapat talagang ipagpasalmat sa may likha...

Saturday, January 23, 2010

KAMUSTA KA NAMAN

Pasensiya na kung ako ay di na-kakadalaw..ano yun kanta? Ano ba itits?, anyways, superhighways, kasi marami lang gawa kaya ayun di kita mapuntahan, di na rin kita madagdagan, taz yung iba nating tropa dito di ko na din madalas madalaw, kaya pag may magagawi dito sa ating tambayan pakisabi mo na lang pasensiya na rin, saka kamusta naman.
Una, salamat finally the theraphy is finished. Nakapag pa xray na rin ako at salamt po dahil okey na muli ang kaliwang balikat ko, meaning hala ready to ride on a bike again...Cia, seaquest wag kang tumigil hanggang may braso ka pa at binti wag kang madala, buhay ka pa ha!!!! wahahahaha... actually, hinay hinay pa lang naman po muli ang aking paggamit ng motorcycle sayang naman yung motor ko kung itetengga ko lang dito sa bahay di ba? ikot-ikot lang muna dito sa loob ng village di pa ko ulit lumalabas ng highway using that motorcycle kasi ipaparehistro ko pa the last digit number of my plate is one kaya every january ang renewal ng registration ng chammy ko..
Second, sinong mag-aakala na matatagpuan ang ilan sa mga cousin ko dito sa net thru my FB accounts, anyways puede na kaming gumawa ng web site namin puersang Y_ _ _ _ _ ciempre kukunin kong mga sponsor yung mga nasa ibang bansa kong cousin wehehehehe...kala nio ligtas kayo sa akin ha..."just kidding"...isa yun sa ipnagpapasalamat ko this year...
The last is ayan nagkwentong wenta muna kong konti sa iyo kasi baka naman magtampo ka na, at one day paggawi kong muli dito eh halos this site is trying to revive...hahahaha...wag naman kahit papano malaking tulong ka rin sa akin kaya pinagpapasalamat ko yun sa iyo di pa kita iiwan don't wori. Jan ka lang ha, babalik ako....

dapat sa unahan, dearest my blog...your loving author, seaquest (para sa hulihan)

Saturday, January 2, 2010

OGAB's

From 2009, now we were in 2010..Resolution? wala po ako na yan, but it doesn't mean na wala akong mga plano for this year, i just love to do it in stealth..Pero one thing im sure, nagpapasalamat ako sa bagong taon dumating, una for my life after the VA eto okey na npinsala sa akin nakakapgtype na ulit ako using my two hand at least may magagawa na kong mabuti sa ofis, hehehe..At saka i thank God dahil yung kaisa-isang hiling ko nung bday ko at for this xmas eh nangyari.., kaya masasabi kong this last christmas & new year is one of the happiest moment of my life...Thank you talaga BRo.., thank you, thank you.. sa mga friends ko yung mga true ha, hindi yung tupperware at hindi yung mga tig tatlo sampu ang halaga, bagkus yung mga naksama ko for the whole year na tlaga naman di ako iniwan kahit pa ano mangyari, hindi ako tinalikuran, at sinamahan ako sa lahat ng pagkakataon na alam nilang kailangan ko ng isang matapat na kaibigan, maybe i can't please everyone but im thankful to know na mas marami sa kanila ang nakaunawa at nagmahal sa akin at sa aking pamilya, special thanks to my mother na talagang wala na kong ma-say, my best frend, my tropa, my inspiration at lahat na...To claratot, frend thank you, thank you..alam mo n yun kung bakit hehehe, sabi mo nga ikaw ang kamag-anak ko dito di ba?,,, buti na lang di tayo natuloy sa HK noh napainam pa wehehehe. To DM na halos ata sa inaraw araw na ginawa ng Diyos eh my text quotes sa akin salamat wish ko lang magka love life ka na this year at sa buong tropang mga adik hehehehe...salamat, wla eh tayo pa rin this year puera na lang dun sa isa jan lalarga kasi sa next week, PASALUBONG daw...hahaha...SA mga utol ko Happy new Year..Yun na, basta thanks at Nawa'y ang patuloy na pagpapala ni BRo eh suma-ating lahat...Peace of mind to everyone.. see yah again..
H A P P Y N E W Y E A R!!


The people who find life to be good and who live with joy and confidence are not necessarily the ones who are favored by luck and easy life. In fact, often quite the opposite is true; those who have had to struggle against the winds of misfortune, sorrow, and defeat often emerge with a strengthened character and faith. This happens if we live from day to day with a deep trust in the goodness of the creator and the world He has given us...