BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Thursday, December 3, 2009

VA

It was a week ago, kala ko din ko mulipang makakaharap sa computer upang gawin ang post na ito... 5:45 pm last wednesday nov.25, 2009. Galing ako sa isang mall malapit dito sa amin ng pauwi n ko mganap ang isang pangyayari na sa hingap eh di kop inasahang magaganap, binangga lang nman po ng isang revo ang motor kong minamaneho sadto say is talagang nbigla ako, kasi ang bagal ko na ngang magpatakbo dahil plabas pa lang ng parking area neh sukat b naman at bigla n lang bumangga ang sasakyan ng isang mama nayu sa gawing hulihan ng motor ko, ano nangyari eto po isang kamay lang ako ngayon dahil nagkadamage ang kaliwa kong braso sa may gawing balikat nabalian po ng buto kaya eto naktali cia for almost 3 months...At first gusto kong mgalit sa bumangga pero nun makita ko yung mukha nung mama na tashimik lang hababg ako'y namimilipit sa sakit sa pagkakabaligtad ng motor ko eh hindi n lang ako ngsalita lalo pa he was admit n kasalanan nia dahil di daw nia ko napansin. After the incident pinatsek up ako xray etttttc..etc. ctscan blah, blah... eh nakalimang libo ang mama ng walang kalaban -laban at dahil hawak pa ng trafic enforcer ang lisenceat rehistro ko pati cia ay kelangan pa namin bumalik sa pinangyarihan.. marami ang nagsabi sa akin n pabyaran ko daw yung damage ng motor which konting galos sa may gawing hulihan at na dis-align lang ng konti, dagdag pang basag ang side mirror ko, basag ang left head light ko and basag din yung sa may park light pero honestly di ko n pinabyaran lalo pa ta nung nasa hospital pa lang kami eh humingi na yung mama sa akin ng pandagdag dahil kinapos na daw ng pera nia,/ BAkit di ko pinabyaran, una - hindi dahil sa intension ko lang magyabang o dahil mapera ako wahahaha, hindi po ganun yun. Kasi laking pasalamat ko na dahil sa kabila ng nangyari eto at nakakapagtype pa naman ako ng posted ko nagyon, hindi kasi cia naging arogante tulad ng iba na naka perwisyo na eh matapang pa at makikipagtalo pa yun lang inasal nia sa akin paghingin agad ng pasencia at kusang pag-amin ng pagkukulang nia plus tne fact na cia na ang kusang nagsabi na sasagutin nia lahat ng pagamotsa akin eh malaki ng tulong yun para sa akin...Why,? ang motor maaari ko pang palitan pero ang buhay at pakikipagkapawa mahirap ng bayaran...at ng malaman kng okey naman aside lang talaga sa nabaling buto sa may gawing balikat ko wala na kong ibang pinsala pa maliban ciemnpre sa mga galos ko sa braso..After na sabihin sa akin ng doktor na okey naman at hindi naman ciakelangan operahan eh laking pasasalamat ko na..Nagaalala ang mama kasi daw baka di nia makuha ang lisencia nia at rehistro ng ssakyan so, bumalik kami sa pinangyarihan, unang blessing na natanggap ko agad yung pong trafic enforcer kakilala ko at dahil sinabi ko na nag kaayos na kami at okey na sa akin kahit di na nia sagutin ang damage ng motor eh pinabigay ko na ang aming mga lisencia, in short naging maayos kami ng nakaaksidente sa akin...

The next day one friend text me this, " Do you know why GOd keeps on xtending your life up to this far? its not because you need it, but because someone else needs you...OO nga naman di ba??? kasi alam ko di naman ako nabubuhay para sa sarili ko eh, para sa akineverything was plan by God for me at nagpapasalamat ako dun dahil kunin man nia ko ng oras na yun, alam dahil hanggang duon na lang pero hinDi pa eh....

The next other day dahil sa sobrang kirot ng braso ko hinimatay ako for almost 3 mins lang naman po, pero natakot ang kasama ko para sa akinng magising ako sabi ko sa kanya alam ko nawala ako, pano ba naman bago ko hinimatay nasa sala ko nagising ako nasa kwarto na ko hehehe...

Then sumunod n araw eh, may ngpadala sa akin ng gift a book with the title "THe Purpose Driven of Life" natuwa ako hindi dahil saregalo nila kundi dahil until now, i know there are lot of persons who knows me and love me for hu really i am, tama nga hindi ko p oras nun kaya di p nia ko kinuha, maiksi lang ang buhay ng tao, palgi nating isiping pahiram lang ang buhay natin sa mundo at di ito sa atin mas mbuti ng pabalik natin sa knya eh may maisasagot tayo sa knyang tanong na, "what did you do with what i gave you?

Salamt kay dok jules n npakabait, sa mga nurse na nag-aassist sa akin until kangina sa tsek-up ko at ciempr e sa tagapag-ala and above all sa nagbigay ng life sa akin....THanks be to Bro....

NOTE: Pagpaumanhin po ang maraming typo error isang kamay nga lng kasi ako wehehehe...Smile^_^

Sunday, November 22, 2009

TARA NA, SALI NA





Sa bawat pagsubok ng buhay may pag-asa, sa bawat pagluha may saya, sa kahit anu pa mang pangyayari sa ating pang araw-araw na pamumuhay dito sa mundo hindi kaylanman tayo padadaig, sapagka't hanggat may pag-ibig, may BRO at hanggang anjan si BRO sa ating puso, hindi kaylanman mapapawi ng anumang pagsubok ang ating ISANG NGITI.....


Thursday, November 19, 2009

Its my Day!!!!!

Yesterday, is my day...alam nio na ibig sabihin nadagdagn na naman ang taon kong ipananatili sa mundong ito..Ciempre, una sa lahat nagsimba, nagpasalamat sa lahat ng mga nangyari sa buhay, masama man, nakakaiyak man, nakaktuwa man, sang damakmak na sakit man ng ulo mula sa mga tao sa trabaho at minsan sa bf na pasaway, problemang pang tahanan man o hindi......Pero i'm glad dahil kung hindi dahil sa lahat ng mga yan dagdag pa tong mundo ko sa blogsperyo eh, baka hindi umunlad ang pagkatao ko. Para sa akin, yung __ taon kong pinamalagi na sa mundong ito hopefully naging makabuluhan. Hindi ko naman itinatatwa na minsan, medyo may mga gawa akong sablay heheheh, pero still nakakraos naman..

Anyways, at night gumimik ng konti este magdamag pala yun halos from 8 pm to 4am. bakit di ko sulitin ang bayad o di ba, nagpunta kami ng ilang frendz sa comedy bar...hindi po sa klawns ha.... malayo dito sa amin yun eh, dito lang kami sa malapit sa sitcom, hindi ako mahilig sa ganun pero to be honest...grabeeeeeee, natuwa ako sa kanila gagaling ng umawit, gagaling pang mang daut...heheheh, wag kang magaabot ng 100pesos para sa request sa pagkanta patay ka, sang damakmak na daut at okray ang aabutin mo. Totoo naman magaling talaga magbigay ng kasiyahan ng mga bading kung seryoso kang tao wag kang papaasok dun tiyak na sasama lang ang loob kapag inokray ka nila pero kung alam mo naman ang ibig nilang ipakahulugan sa kanilang trabaho aba!!!, masisisyahan ka...ciempre habng naunuod ka sa kanila kting tsika-tsika inom-inom ayun, buti na lang nakapg drive pa ko pauwi...kasi walng tarpik pag ganung oras pa lang o di ba...

It was a great day for me sa mga friends kong kasama thanks for the time, for the gift & for the greet sa mga lumang tao ng buhay ko na alam naman ang bday kopero di ako binati cgeh forgive na kau, ganyan talga pag tumatanda na nagiging makakalimutin buti na lang ako hindi pah....


Thank you very much sa lahat.....lahat..BRo..


TEka sino ba kausap ko, ako b kausap mo????

Thursday, November 12, 2009

KAHAPON, NGAYON at BUKAS

Kahapon lang, magkasama pa tayo..
Magkahawak kamay habang naglalakad dun sa (oooppsss wag na yung lugar)
Nangarap ng sabay, nagsikap ng magkatuwang
Hinayaan natin tangayin ng hangin ang bawat natin naisin
Kasabay sa pagtangay nito ang pagsabay din natin...
Bawat hampas ng tubig sa dalampasigan ay kasabay ng ating pagpapagal
Upang sabay nating mapagtagumpayan ang malayong mithiing matagal nating inasam.
Kahapon ang naging daan upang ang sumunod na araw para sa atin ay walng kasing sayang tunay...

Ang ngayon ang pinakamasayang araw para sa atin.
Ngayon ko lubusang naunawaan ang tunay na bunga ng bawat nating pagpapagal.
Ngayon ko nadama na masayang makita ang bawat galaw nia,
Ngayon ang simula ng araw na sabay nating tatahakin ang landas para sa pagpapatuloy sa kinabukasan...

Bukas ang siyang magiging dahilan kung bakit ang ngayon ay atin patuloy na pinalalago.
Bukas ang dahilan kung bakit kahit anong mangyari, di natin kakalimutan ang kahapon.

Sapagkat dahil sa kahapon, kaya tayo narito ngayon at ang ngayon ang magiging dahilan ng ating bukas upang magpatuloy......

Monday, October 19, 2009

SIYA

Bihira man akong gumawa ngayon na publish post ko ditosa aking blog site pero sasamantalahin ko na po ang pagkakataon sa minsang pagkabaduy, jologs pr whatever pang itawag nio..


Masaya ako dahil masaya ka,
Maligaya ako dahil maligaya ka, kapag nasaktan ka
Ako ang unang-unang magdaramdam sa kung sinuman silang nanakit sa iyo.


Hindi ko inakala makakatagpo pa akong muli ng isang katulad mo,
pero sabi ko sa iyo palagi, pinagpapasalamat ko
na pinagtagpo tayo ng panahon, pagkakataon o kung si Bro man ang may kagagawan.


Hindi ako ang tipo ng taong gingawang sentro ng buhay ko ang ibang tao.
Kahit pa sabihing mahal na mahal ko ito, alam ko, alam mo yan.

At dahil lumipas ang iyong kaarawan ng di kita man lang nagawan ng panulat dito.
O cia, eto na hinahabol ko na po...
Alam na natin kung bakit tayo ang magkasama ngayon at sabi mo nga...
Hangga't may isang ako para sa iyo, mananatili ka rin naman isang ikaw para sa akin...

Salamat sa lahat at maligayang nahuling pagbati ko ng kaarawan sa iyo..,
Aking Mahal.




"IKAW"

Ikaw ang bigay ng Maykapal
Tugon sa aking dasal
Upang sa lahat ng panahon
Bawat pagkakataon
Ang mahalin ko'y ikaw..

Ikaw ang tanglaw sa aking mundo
Kabiyak nitong puso ko
Wala ni kahati mang saglit
Na sa yo'y maipapalit
Ngayo't kaylan ma'y ikaw...

Ang lahat ng aking galaw
Ang sanhi ay ikaw
Kung may bukas mang tinatanaw
Dahil may isang ikaw
Kulang ang magpa kailan pa man..
Upang bawat sandali ay...
Upang muli't muli ay....
Ang mahalin ay IKAW.

Sunday, October 11, 2009

BOSO

Matagl man di nadalaw
Hindi ito nangangahulugan na ika'y akin ng nakalimutan.

Bihira man kitang mapasyalan
Di ibig sabihing di ko na alam ang daan patungo sa tahanan.

Na miss kita, kala mo ba,
Ipagpaumanhin mo lang minsan sadyang busy lang.

Hayaan mo sa mga darating na araw ako'y babawi rin sa iyo.
Sana'y di ka mapagod na mag-antay,
Nawa'y manatili ka rin lang lagi d'yan.

Asahan mong sa dami ko mang bagong pinagkakaabalahan,
sa tuwina'y naaalala pa rin kita,
sinisilip-silip at pinupuntahan ka.

Kung gano man kadalas ang minsan
di ko na alam pa, basta't ang mahalaga
sa bawat minsang puntahan kita,
Yun ang minsang isa para sa iyo ay pinakamahalaga.

Salamat sa iyo, at gayun din sa kanila,
dahil alam ko nawawala man ako sa maikling panahon,
na hindi ko kayo nakikita, kayo'y nanatili pa rin dumadalaw sa aking dampa..

Monday, September 28, 2009

LANGOY


Sa tanang buhay ko di ko naransan sa probinsya namin ang ganitong sitwasyon. Kuha ko ang larawan sa labas ng bahay namin ganyan tubig sa bakuran namin na tinitirahan ko dito sa ciudad ng maynila ang kotse kong ginagamit na karag karag na nga eh, yan pa ang nangyari gusto kong maiyak pero naisip ko pasalamat pa rin ako dahil pag tumayo ka sa bahang yan mga lampas tuhod lang at sa loob ng mismong bahay namin (sencia na di ko nakunan dahil lowbat na digicam ko nawalan naman ng koryente kaya di ko nakuhanan ang loob mismo ng bahay namin at ang motor kong sa unang pagkakataon nakapasok hanggang sa kwarto hehehe)..

Pero ng makita ko ang mga bahay malapit sa amin sa may tawid ilog na bubong na lang bahay ang kita gusto ko man maiyak pinigilan ko na lang, sabi ko mawala lang ang tubig at tutulong talaga ako, at yung sa may likod ng yerong bakod na yan may mga bahay pa pero wala na din, yung iba pinatuloy ko dito sa haus namin, nakakalungkot man pero mas inuna ko ng tumulong at matapos halos ang 2 oras humupa din naman ang bahang yan bandang alas 5 ng hapon nalinis namin ang bahay loob lang pero sa bakuran until now maputik pa po, kasi i was been busy to help at the church sa mga nandun pa nakituloy at nagevacuate.

Nuon ko narealized kahit pano mapalad pa din ako kasi kahit pano ang tubig na pumasok sa loob ng bahay namin ay hanggang binti lang samantalang ang mga taong sadyang malubhang naapektuhan ay labis-labis na nahirapan, please include them on your prayers, na sanay maging matatag pa at ptuloy na magtiwala sa Maykapal....

Sunday, September 27, 2009

FRIENDSHIP ABC's


Isa sa mga facebook friend ko ang nagbigay sa akin ng letter ng ito, at talagang na-inspire ako, Jaz wanna share to all who read this post...here it goes...
A_always be honest
B_be there when they need you
C_cheer them on
D_don't look for their faults
E_every chance you get, call
F_fiorgice them
G_get together often
H_have faith in them
I_include them
J_just listen
K_know their dreams
L_love them unconditionally
M_make them feel special
N_never forget them
O_offer to help specially when needed
P_praise them honestly
Q_quietly disagree
R_rescue them often
S_say your sorry
T_talk frequently
U_use good judgement
V_vote for them
W_wish them well
X_x-ray yourself first
Y_your word counts
Z_zip your mouth when told a secret

Thursday, September 17, 2009

TADHANA

Minahal kita sa paraang alam ko, hindi mo ko pinilit walang nag-utos sa akin.
Minahal kita dahil iyon ang naramdaman ko, walang pasubali, walang pag-aagam-agam.
Tulad ko ganun din ang ginawa mo, alam ko, naramdaman ko.


Pero makalipas ang ilang taon, asan na yung pagmamahal mo?
Asan ka na? Bakit bigla kang nawala, naglaho na lang bigla na parang bula?
Inasam kong nanduon ka sa tabi sa araw ng pagtatapos ko.
Ninais kong ikaw ang bahaginan ko sa pagkakaroon ko ng unang trabaho ng di na nag-aaral.


Ang dami kong pangarap na binuo na ikaw ang kasama ko.
Kasing dami ng pangrap ko't at dalangin na sana sa muli nating pagtatagpo
ay naruruon ka pa rin upang muli kong makapiling.


Bawat araw na dumaan sa buhay ko na di kita kapiling,
na wala akong alam sa kung ano na ang nangyayari sa iyo.
Pinanghawakan ko pa rin ang pagmamahal ko para sa iyo.
Alam ko balang araw muli tayong pagtatagpuin ng tadhana.


Tadhana nga ba ang may gawa o tayo lang ang nagkulang?
Tadhana nga ba ang nagtatakda o di ba at nasa atin ang pag-dedesisyon at pagpili?
Tadhana nga ba ang may alam o maaari naman nating malaman
kung gumawa lang tayo nuon ng paraan?
Sadyang sa tadhana ko nga lang ba inilaan o kahit ako'y wala rin naman ginawa?


Sino nga ba si Tadhana kung bakit sa twina'y cia ang nasisisi kapag
ang dalawang puso'y pinagtagpo at pinagwalay din naman?
Ano nga ba ang papel ni Tadhana sa naging buhay natin?


Sa mahabang panahong ginugol ko para mahalin ka, kahit di man kita nakikita.
Wala akong pinagsisihan, wala akong pinanghihinayangan.
Bagkus, pinagpapasalamat ko pa nga iyon dahil sa pag-aaruga ko
sa nilaan kong pagamahal sa iyo, di ko natutunan magmahal agad ng iba.
At naabot ko ang pangarap ko di man isang daang porsiyento,
pasalamat na din akong naging maayos ang buhay ko.



Mananatili kang espesyal sa aking puso, kaylanman.
At sakaling muli tayong pagtagpu-in ni Tadhana,
kung cia man nga ang may gawa, ipagpapasalamat kong nuon ay minahal mo ako.


Masarap magmahal kahit may pagluha, may galak,
may lungkot, kaylanman ay di ko kalilimutan ang magmahal.
Minahal kita nuon sa paraang ako ang namili, at gayun ka din naman.

Monday, August 24, 2009

BUTI PA ANG ANSEL_MO, EH AKO?



Buti pa ang cel mo lagi mong katabi,
pero ako hindi.

Buti pa ang cel mo pag may mensahe agad mong binabasa,
pero ako madalang mong basahin.

Buti pa ang cel mo kapag naiwan alam mo kung san mo nilagay,
pero ako hindi mo matandaan kung san mo naiwanan.

Buti pa ang cel mo bawat mensahe pinahahalagahan,
pero ako kaya gano kahalaga sa iyo.

Buti pa ang cel mo lagi mong pinapalitan ng casing, ng keypad, ng lalagyan,
pero ako kahit cover ng pabalat hindi mo man mapalitan.

Buti pa ang cel mo laging up-dated,
pero ako di mo man lang masilip sa araw-araw.

Buti pa ang cel mo di mo kayang nabuhay ng wala,
pero ako kaya kahit wala okey lang.

Buti pa ang cel mo lagi mong nahahawakan,
pero ako madalang.

Buti pa ang cel mo kabisado mo na ang bawat nilalaman,
pero ako kahit unang pahina ata di momatandaan.

Buti pa ang cel mo lagi puno ang memory,
pero ako di mo man lang mapunuan.

Buti pa ang cel mo lagi mong sinisilip,
pero ako kahit agaw tingin di mo magawa.

Buti pa ang cel mo mas komportable mong kasama, pero ako hindi.

Buti pa talaga ang cel mo mas maraming nagagawa at napapaligaya ka ata,
pero ako kaya napapasaya ba kita?

Buti ang cel mo nauunawaan mo ang bawat tunog,
pero bakit ako di mo maintindihan ang bawat nialalaman ko.

Buti pa ang cel mo lagi mong bitbit,
ako eto laging naiiwan sa isang tabi.
Buti pa ang cel ng magkaron sumikat,
pero ako matagal ng meron pero eto di masyadong pinapansin...
Cel mo pa lang yan, pano pa yung computer mo, yung lap top mo, yung psp mo, yung ps2, ps3,
at ngayon may bago ka pa....
Buti pa yung i-phone mo pinagipunan at inukulan mo ng panahong mapasa iyo,
sana isang araw dumating yung oras na maging katulad ako ng sel_mo...

Buti pa ang Ansel_mo...

THE HOLY BIBLE





Ang sulat patula na ito ay binahagi ng isa sa mga aktibong komunidad pangsimbahan, matagal ko na ciang narinig 5110 pa lang ata yung uso nun, binasa cia ng isa sa mga representative of the said community after the mass na dinaluhan ko..Yung iba di ko na matandaan, at yung iba jan edit ko na din lang, but one thing i'm sure, marami ang tinamaan at nagnilay-nilay that time..Even me, i admit na totoo minsan makikita nating yung mga bagay na dis-advantage ng makabagong teknolohiya, sana lang kahit ano pa mang bagay ang lumabas na makabago, nawa'y di natin makalimutang ang isang bagay at pinakaimportante sa ating buhay...




Friday, August 21, 2009

ISANG PASASALAMAT


Nuong pasukin ko ang mundo ng blog sa totoo lang dahil sa isang lumang tao ng buhay ko at kaibigan ko sa ngayon, sa una blog lang nia ang bianabasa kohanggang sa subukan kong pag-aralan at pasukin ang sinasabing blogsperyo, sa uuna tuwang-tuwa akong magbasa sa lahat ng mga blog na nababasa ko at nakita kong may mga komentaryong bahagi sa ibaba duon naglalabas ako ng mga opinyon sabawat isinusulat nila at aaminin kong sa bawat binabasa ko ang hinahanap ko ay kung anong aral ang mapupulot at di lang basta basa lang ang aking pakay, bukod din eh makapagbahagi ng aking mga opinyon sa bawat kong binabsa...At dahil sa inyong lahat, natutuwa ako dahil natutunan ko rin kahit di naman po talaga ako kagalingan sa pagsulat at pagtipa ng mga katagang pang lathala dito sa mundo ng blogsperyo eh sumubok pa rin ako at makalipas ang apat na buwan, ni sa hinagap di ko po inaakala na mabibigyan ako at mapapansin ito ng Ka-blogs...sa kanila marami pong salamat...Pagpapatuloy ko ang suporta at nawa'y makatulong din ako balang araw sa mga nangangailangan pa...Thanks for this award....Godbless..

Monday, August 17, 2009

MAGPANGGAP O MAGPAKAPRAKTIKAL?

Mga ilang linggo na rin po akong nawala sa sirkulasyon ng blogsperyo marahil sa busy po at marami po akong gawa ng mga nagdaang mga araw na iyon at ngayon araw na ito ay nagkaroon akong muli ng pagkakataon sa pagsulat...

Pansin ko lang kasi sa mga nakakahalubilo pag nag-kwekwentuhan sila tungkol sa mga ilang bagay tulad ng mga ito at naisip ko lang maari naman siguro na ganito na lang di ba?

1. Kung ayaw sa iyo ng mahal mo wag mong ipagpilitan ang sarili mo, dahil di ka rin namn nia pinilt na pakamahalin mo cia..Ikaw ang may gusto kaya wag kang magreklamo kung nasasaktan ka nia ng di nia nalalaman lalo at di ka naman talga nia mahal.

2. Wag mong pakiaalaman ang bagay na hindi mo naman dapat pakiaalaman lalo pa at wala naman kapahintulutan ito sa mga taong nais pakiaalaman. Buhay nila yun hindi sa iyo.

3. Kung may gusto kang gawin at di mo alam lalo na sa trabaho, magtanong ka sa may alam mainam na yung nagtatanong kesa sa nag-aalam-alaman lalo lang maraming nadadamay.

4. Kung alin lang kaya yun lang gawin at pagkasyahin dahil mahirap ipilit ang wala at di puede, o di maari.

5. Wag kang magpretend na alam mo ang isang bagay kung di naman kasi the more na nagmamagaling ka lalo lang lumalabas na ignorante ka sa harap nila.

6. Ngumiti ka naman kahit paminsan-minsan, siguraduhin mo lang na may nginingitian baka kasi mag-isa ka lang mapagkamalan ka pang kulang-kulang.

7. Ang pagkalungkot, pagsaya, pagluha at pagtawa ay mga parte ng ating buhay wag mong ikahiya kung ano man ang iyong nararamdaman, mas masama kasi pag wala ka ng pangdama o pakiramdam.

8. Di masamang maging mahilig sa gwapo wag lang barumbadong gwapo, bugbugero at walang trabaho dahil di ka mabubuhay ng panlabas na anyo lang ng isang tao.

9. Kung di ka naman simpatiko wag ka na lang magpaka-antipatiko.

10. Di bale raw na walang permanenteng trabaho basta ba sangkaterba ang raket mo, sa abilidad minsan daig mo pa ang pumapasok sa opisina araw-araw, basta siguraduhin lang legal ang raket na yan.

11. Kayod ng kayod wala namang ipon, ipon ng ipon wala namang pinaglalaanan.

12. Kung may nagsabi sa iyo na ang ganda/gwapo mo, magpasalamat ka nalang wag ng makunwari na dedma pero ang totoo eh pumapalakpak naman ang tenga mo.

13. Kung inalok kang kumain sa bahay na iyong pinuntahan dumulog sa hapag kainan kung gutom ka man wag mong sabihing okey lang pero ang totoo eh kumakalam na ang tiyan, sino niloko mo sarili mo?(Basta magtira lang para sa may-ari ng bahay)

14. Kung iibig sa taong alam mong may nagmamay-ari na, wag kalimutang nakikiamot ka lang sa lahat ng meron cia, kasi baka isipin mong sa iyo na cia eh maloka/maloko ka.

15. Kung magdadamit man ng seksi siguraduhin kaya niong panindigan ang sagwa kasi na kung kelan ka nasa sasakyan panay naman ang batak mo sa mga laylayan.

16. Kapag ikaw ay nangutang, dapat lang na alam mong obligasyon mong magbayad, kung wala ka man balak ng bayaran sa simula palang sabihin mong pahingi na lang.

17. Wag mong ikahiya kung anu ka pa man dahil lahat ng nilalang may kanya-kanyang dahilan at karakter dito sa mundong ibabaw.

18. Ang pagnanakaw di lang sa materyal na bagay kahit sa oras nangyayari yan, tulad nila naka-time in pero nagchachat hehehe,(ooopppps, tabi-tabi po...) Akala mo lang di alam ng Boss mo yan yun pala gawain din nia yan dati.

19. Being a Leader is not just being a Boss, Being a Boss is being a good leader. Kaya kung gusto mong maging Boss manguna ka na, on-line ka na, tingnan mo sila lahat bz sa cubicle nila...

20. Anumang mga bagay na napasama sa lista eh di po intensyong magpatama mga bagay-bagay na nakita ko lang at totoo na nangyayari naman....(ATA!)

Wednesday, August 5, 2009

MAGKAKAIBA MAY NAGKAKAISA


....if we cannot end now our differences, at least we can help make the world safe for diversity..



The first duty of a wise advocate is to convince his opponents that he understands their arguments, and sympathizes with their just feelings. We have no eternal allies, and we have no perpetual enemies. Our interests are eternal and perpetual, and those interests it is our duty to follow.


===Grief is a tree that has tears for its fruit.===

Saturday, August 1, 2009

TISSUE & WATER

Wala akong hilig na manuod sa you tube pero wala ako magawa ngayon maaga pa eh, nanuod me at natuwa ako sa 2 ito, panuorin nio....

PASUYO: PAkipatay na lang po muna yung tugtog ko sa bandang kanan...Salamat







Sunday, July 26, 2009

SAYA MO!

Hindi ko cia kilala, lalong di ko cia na meet pa kahit kailan, actually wala akong alam kung sino cia....Pero minsan sinabi nia ang lungkot daw ng buhay ko hehehe, kasi nga di pa nia ko kilala...Dedma naman ako, "KIBER"! Basta ako akala ng iba malungkuting tao wehehehe., di nio lang alam praning to-its noh, siguro nga kung nakilala lang cia nung 2 kong frend ngayon malamang sa hindi eh pagtawanan cia at sabihin pang waaaahhhh, Eeennk! mali! Cia c len mapapalungkot nio bomalabs...sabi naman ng isa ko pang tropang humihirit, ako nga daw ata ang taong di marunong dapuan ng lungkot kahit na mamatayan na, although, di man ako 'yung tipong ala-timang na nagiikot ng buhok at nagatatawa habng kausap ang sarili eh, cguro sabi ko nga nataon lang dinadala ko lang ang lahat sa magaang paraan. At dahil nawalan ako ng isang kaibigan, kasama sa trabaho eh medyo nabawasan din naman ang saya ko. She was died just a weeks ago dahil sa breast cancer, di nia kasi shinishare sa min eh, pero kapanpansin na sa amin dito sa opisina na bumagsak ang katwan nia buti na lang nasalo, nun lupa...Kidding aside, thankful na rin para sa kanya kasi di cia ganun naghirap, bata pa cia pero ganun talaga ang life, di na cia nag-pachemo theraphy kasi nga ayaw niang malaman ng family nia dahil ayaw na daw nia na maapektuhan pa ang mga ito..Pero sa loob ng mga panahong pinagsamahan namin kahit na nga ba favorite namin ciang tampulan ng tukso eh napansin ko na pareho kami kaya nga siguro nagkasundo kami kahit pano, di mo cia makikitang may dinadalang problema or kahit pa alam niang kanser na, pero nun ask ko cia one time sabi lang nia sa akin, buti n lang cancer hindi ulcer, i know nagpapatawa cia during that time pero ewan ko ba? naramdaman kong may laman ang biro nia.., cnakyan ko lang akala ko kasi libre yun pala may bayad, yun nga wala na cia...Ilang beses ko ciang pinakiusapang magpagamot kahit na pano madagdagan man lang yung panahong makakasama nia kami pero ayaw nia talaga eh, kasi ayaw na daw niang pahirpan pa ang katawan nia, gusto daw nia kung ibabalik nia yun sa nagpahiram yung kumpleto at wala ciang anumang teknolohiyang ginwa, as a good friend of her nirespeto ko ang desisyon nia ang sa akin lang support and suggestion at saka humingi cia ng opinyon ko kaya yun ang try ko bigay sa kanya, actually 2nd frend ko na ciang nawala because of that sickness, naalala ko yung frend kong isa din na nawala 2 years ago, nakita ko talaga kung panong butas at walang laman ang isang parte ng dibdib nia dahil na rin sa sakit na iyon, pero wag kang iiyak pag kaharap mo cila dahil ayaw nila yun, they always wanted to treat them na para wala lang sakit, at silang dalawa ang isa sa mga dahilan ko kung bkit ang kalungkutan ko eh inaayawan ko, dahil ang natutunan ko sa kanila sa bigat ng kanilang dinadala sa sarili di mapapansin yun, ako pa kayang normal na kung ikukumpara sa kanila ang mga pinuproblema eh wala sa hinagap ng sa kanila...kaya kalungkutan, Sori ka na lang....parte ka man ng buhay pero hindi kita kailangan ng habang buhay..Kaya ako po ay nagpahinga ng mga ilang araw to pray and spend my free time para sa aking 2 kaibigang nwala sa aking buhay...But, like the show, life must go on....Thanks be to God,,, for having me a friend like them....

Kaya ciang hindi nakakakilala sa akin bago mo sabihing malungkot ang buhay ng ibang tao kilalanin mo muna, ikaw din baka one of this day bumalik sa iyo yan....pero wag naman sana, ang sa akin lang kung napapansin man nating malungkot ang buhay ng kapwa natin i think we should not be happy for them coz theres always a reason hindi lang love, hindi lang isang lalaki/babae na kanilang minahal ang maging maaring dahilan nito....

Monday, July 13, 2009

LONELINESS

"All this hideous doubt, despair, and dark confusion of the soul a lonely man must know, for he is united to no image save that which he creates himself."

Thomas Wolfe




Sometimes, people are lonely because they build a.......

WALLS
Instead of building a....

BRIDGE

Friday, July 10, 2009

BAKIT NGA BA DI UMUBRA?

Actually, wala sana kong intensyong magsulat ngayon bukod sa dami ko ginawa kangina maghapon sa work eh, nakipag meeting pa ko sa labas to meet some of our clients..Kaya eto, nag-sound trip ako habang di pa ko dinadatnan ni antok. Then habang nagsosounds ako kung bakit ba naman naisipan kong buksan ang aking pinakatago-tagong mga alaala at nakita ko na naman ang mga cards and picture namin nuon...then the rest is history......imagine how it goes...ang mga alaala, momentum namin dati pa. Tropa ko ba cia, kabarkada, pero ang pakilanlanan namin sa isat-isa "Friends" lupeeet pang shobiz ang dating. Oo, naging magkaibigan kami di nia alam na crush ko cia actually tumagal nga feelings ko sa knya eh, pero walang nangyaring ligawan etc. basta pahaging minsan, pati cia ganun din sa akin..Kaso nun umamin, college na ko, ang masama pa, wrong timing na kc my bf na ko.. Si First minamahal ka n nun..At dahil sa mga alaalang ito, may isang awit that reminds me of that thing...Here it is, sabayan nio sa tugtog, puede rin...

WHY CAN'T IT BE?

You came along, unexpectedly
I was doing fine in a little world
Oh baby please don't get me wrong
'Coz I'm not complaining
But you see, you got my mind spinning


(refrain)

Why can't it be
Why can't it be the two of us
Why can't we be lovers
Only friends
You came along
At the wrong place, at the wrong time
Or was it me

Baby i dream of you every minute
You're in my dreams
You're always in it
That's the only place i know
Where you could be mine
And I'm your (Baby I'm yours)
Only till i wake up

Then...Repeat nio na lang

(Refrain 1x)

Why can't it be
Why can't it be the two of us
Why can't we be lovers
Only friends
You came along
At the wrong place (you came along) At the wrong time
You came along at the wrong place
At the wrong time
Or was it me (or was it me)


..Why can't it be.....



Actually appropriate din cia kay first nun muli kaming magtagpo dito sa mundo ng neto, but their all my past, mga lumang tao ng buhay ko, lumang kwento ng buhay ko, subali't, datapwat, marahil ay di ko talaga sila makakalimutan dahil wala ako sa kung anuman ako ngayon kung di sila naging bahagi ng buhay ko...Kaya, even if we can't be before I'm glad for once they been part of my life..and I treasured those memories...

Wednesday, July 8, 2009

"MAYBE"

Maybe good things come to those who wait, but the best things come to those who seize the moment and make it their own. Make the most of every moment.



"Maybe, God wants us to meet a few wrong people before meeting the right one so that when we finally meet the right person, we should know how to grateful for the gift.."




Sunday, July 5, 2009

SAN KA MAN NAROROON NGAYON


Nagsimba ako kangina ciempre linggo nung ibibigay ko na yung listahan ko ng pamisang pasasalamat ko para sa lahat ng meron ako sa buhay ko pati na rin buhay ko, eh bigla naalala kita, kc tommorrow is your birthday. At first nag doubt ako kung isasama ba kita sa listahan ko o hindi, pero ciempre di pa naman ako ganun kasama, (slyt, cguro...hehehe) kaya ayun sinama na rin po kita. Kahit na nga ba di ko alam kung ilang taon ka na bukas kc ang tanging natatandaan ko lang po talga sa iyo ang date ng kaarawan mo, yung year? Di ko na matandaan eh, ipagpatawad pero sanhi na rin siguro yun ng matagl ka nang wala sa aming buhay. Ganun pa man, maligayang kaarawan para sa iyo aking Amang mabait (kuno nung araw hehehe), ooopsss di ko intensyon hanapin ka naalala ko lang talaga..Saan ka man ngayon nandun, nawa matuto ka na po. Nawa po eh, pagpalain pang humaba ang buhay mo, pero naku! tiyak hahaba pa buhay mo di ba sabi pag masamang damo matagl mamatay. Sabi lang naman nila, kaso di ko sila kilala kung sino silang mga nagmamagaling na nila. O ayan, kahit pano naalala kita kahit pa ganun ginawa mo sa akin nun araw, tapos na yun, okey na po ako..Nawa lang po ikaw din okey na jan sa pamilya mong binuong muli wish ko at dalangin ko palagi para sa iyo matuto ka na po sanang maging responsableng ama at yung mga ginawa mo sa aming mag-iina lalo na sa akin wag nio na po sanang gawin sa kanila ngayon. Sana di ka nagsusugal ngayon para naman maging maayos na ho ang buhay mo....Ano man po ang nangyari sa atin nawa'y may natutunan ka na...Saan ka man naroroon ngayon isang maligayang kaarawan po para sa iyo....Salamat po sa iyo dahil wala rin naman siguro ako ngayon sa kinalalagyan ko kung di rin naman nangyari ang lahat ng iyon, its true everything happens for a reason...Just look at the bright side always at tiyak di mo sasabihing unfair si Bro...Dahil para sa akin He's always fair to all have life tao ka man o hindi, bagay ka man o hayop lahat may dahilan kung bakit andito sa mundo..


"May i tell you why it seems to me a good thing for us to remember wrong that has been done us? That we may forgive it..."

Friday, July 3, 2009

MATSALA

"Each day God gives me the gift of 86,400 seconds. May I use a few of them to say thank you forgiving me the gift of knowing someone wonderful as you are..(you, the one who read this post)"

Gratitude is the least of virtues, but ingratitude the worst of vices. (Proverb)

Tuesday, June 30, 2009

FIRST

"Hinanap kita dahil sa kawalan mo sa aking buhay ngunit ika'y di ko nasumpungan, nang ika'y muling matagpuan, meron ng nagpupuno sa iyong naging kawalan"

Walong taon na ang lumipas ni minsan di ko inakalang muli pa kitang matatagpuan, makikita o makakausap. Yah, i'm glad, nakita rin kita. Nalaman ko kung ano ang kalagayn mo ngayon, kung ano estado mo ngayon kahit alam ko naman nuon pa na may mararating ka sa buhay. Sino nga bang magaakala na sa loob ng halos 15 taon kong pagharap-sa computer sa inaraw-araw na ginawa ni Bro eh, ni minsan di ko naisipan nuon na hanapin ka sa paraang ito. Pano ang gawa ko lang nuon kung anong reports lang kelangan kong gawin yun lang gagawin ko, kung anong dapat lang eemail at sagutin sa email yun lang ginagawa, wala akong tiyagang mag frendster o kung anu-ano pa man nuon. Sabi ko kasi may paraan naman para mahanap kita. Alam ko naman puntahan bahay nio, alam ko naman ang address nio. Yah, pinuntahan kita nun time na galing ako ng japan, pero sad to say sabi nung napagtanungan ko wala na daw kayo dun, medyo na sad ako pero di pa rin ako tumigil actually may exam nun ng BFP dahil na iisang rehiyon na yung lugar natin aba eh nakisali ako kasi jan gaganapin sa malapit sa lugar, ciempre sinadya ko ulit bahay nio. Pero di pa rin talaga kita nakita eh, nagpunta pa ko dun sa lugar kung san alam kong madalas kayong tumambay nuon pero wala ka pa rin. Pero di bale worth it pasado naman ako sa exam. Ayun hanggang ngayon credentials kolang cia kasi dipa ko nagwork kahit minsan sa gov't. eh puro private company. Until i'll go again in the other country nun umuwi ako ulit, pumunta ulit ako sa tapat ng bahay nio, di ko lang sinabi ito sa iyo, pero nakita kita yun nga lang may kasama ka nun, di ko na inalam pa kung sino cia basta i found out dun pa rin pala kayo nakatira.

Hanggang sa napagod na ata ako kasi para naman akong tanga di ba? hanap-ng hanap sa wala, umaasa ba ko o ewan ko ba? Basta ang alam ko lang nuon basta na lang huminto ang komunikasyon natin sa isat-isa at kung kelan mas marami ng paraan sa makabagong techki para sa communication saka naman di magtagpo ang landas natin...

Napagod din ako sa wakas, una kitang minahal, oo, una kitang BF - oo, una kitang halik - o cia, oo na nga...Kaso, di yata ikaw ang last ko kasi di na tayo muling magtagpo eh...Sabi ko na lang siguro nga di talaga. Until, dumating cia sa buhay ko wala naman siguro masama kung kalimutan na kita di ba? Yung pagmamahal ko sa iyo yun na yun, di na mababago pa yun..Pero ciempre iba na ngayon.

After i accept him, a year natagpuan naman kita.., saan? dito sa mga mundo ng neto, Waaaaahhhhhhh, status mo, married at may anak ka na????. (huhuhuhu...iiyak ba ko ano ba mararamdaman ko ano? ano? nalito ko dun ah, nabigla ako.) So, ayun na hi, hello, musta, balita, kwento dito, kwento dun achuachuachu, blah, blah,blah.....At the end, eto masaya ka na, nakikita ko naman sa iyo eh, kasi di ka magsisiskap ng mabuti kung di mo sila mahal at Hoi, wag mong sabihing biglaan lang kasi juntis, di mo yan lalagyan ng laman sa tiyan kung di mo mahal noh... Wag ka magalala di ako bitter, medyo naiinggit lang ako sa kanya nun una kong makita kayo sa larawan....hehehe...(charing)!!! Pero nakarecover na ko sa pagkabigla na ayun nga taken ka na..Asus, pero honestly i'm glad for you, kasi natagpuan din kita siguro masyado lang akong nagtuon pansin nuon sa pangrap ko that my first will also be my last. Hindi pala ganun sa pag-ibig nakalimutan ko, tlaga naman noh, wlang matalinong tao sa pagmamahal.

Ngayon, eto na ko mahal na mahal ko na cia..at masaya na ko sa kanya anumang hungkag sa puso ko nuon para sa iyo napunan na nia..at ikaw alam ko naman dinadaan mo lang ako sa kalokohan mo pag nagkakausap tayo kasi alam mong pikonin ako pero alam ko, seryoso ka rin naman pag dating sa pamilya mo...Basta ninang ako sa next baby mo...hehehe...Salamat sa pagiging una mo sa buhay ko, dahil alam kong marami kang naitulong sa akin bilang inspirasyon ko..Salamat dahil magkaibigan tayo ngayon. Salamt my first..


"We all born for love ...It is the principle of existence and its only end..."
Benjamin Disraeli

Thursday, June 25, 2009

STATUS

Wanna be a June Bride/Groom?


Sigurado ka na bang iukit ang pangalan mo sa puso nia at cia sa puso mo? Nakahanda ka na bang magpalit ng status mo from single to in relationship, to engaged and now to married? Handa ka na ba sa panghabang-buhay na pagsasama? Sigurado ka na bang mahal mo siya talaga at mahal ka nia ng walang maliw at walang pagtutumpik-tumpik pa? Handa ka na bang mas matutuklasan mo pa ang ibang ugali nio sa isat-isa kapag kayo'y magkapiling na sa iisang bubong?




Willing ka na ba talaga? Kaya mo na bang bumuhay ng pamilya? Marunong ka na bang magluto, maglaba, mamalantsa, magalaga ng bata, malinis ng bahay at mag-pasencia, as in kelangan mahaba ang sipi mo? Sa biyenan mo, sa in laws, sa anak, sa asawa, sa kapitbahay niong bago at sa lahat ng mga bago mong makakasalamuha na may kinalaman sa buhay mo at sa buhaynia?


Kung sigurado ka na nga, san mo gustong ikasal sa huwes o sa simbahan? Sa Beach or sa garden o sa church or in chapel? Anong motif mo, ang gusto nio paborito niang kulay o paborito mo? Iinvite mo ba cia or siya iinvite kaya nia, ang ex nio?




Nawa'y pagpalain ang inyong pagsasama at tumagal kayo ng habang-buhay. Nawa'y the status you changed from single to in relationship, to engaged, to married could not be in complicated. San man kayo magpunta wag nio kakalimutan ang anumang sinumpaan sa harap man ng pari o judge o kahit ang inyong sinumpaan sa isat-isa, dahil kaya nagtungo at nagpunta jan, iyon ay sinagot mong sigurado ka na. Humayo kayo at magpakarami. "Ang sinumang pinagsama ng maykapal sa sakramento ng kasal ay di dapat paghiwalayin ng tao." Tagubilin sa marami ay bali.?? Nawa sa inyo'y hindi.

Just Married


Question:

Why suddenly the feeling is gone after a year and maybe one of the couple find another one, marriage vows gone, love and faithful?





















Sunday, June 21, 2009

UNOS

" Pray and always ask help to God as everything depends upon Him, work hard as everything depends upon you"

Happy Fathers Day sa lahat ng ama para sa araw na ito..sa mga nasa ibang bansa na OFW di nio man sila kapiling ngayon alam kong ginagawa nio ang lahat dahil sa pagiging AMA...

Since today is sunday, ciempre nagsimba ako kangina at ang larawan sa taas ang nagsasaad ng mabuting ebanghelyo sa araw na ito, alam kong alam nio na kung alin sa istorya ng buhay ni Bro ang parteng yan...(Mc 4:35-41) Pakibasa nio na lang po....

Napagtanto ko kasi tamang tema para sa araw ng mga AMA, kasi sa pangkaraniwang buhay natin sila ang unang nagpapatibay ng ating tahanan sa lahat ng unos na dumarating sa ating buhay, bagama't iba ang kwento ko sa karaniwan subali't batid kong marami pa rin naman ang amang dakila para sa kanilang mga pamilya, silang mga pumapawi ng anumang agam-agam ng kanilang mga anak at asawa, silang ginagawang panang-galang ang buhay at sarili kapag nandiyan na ang unos ng buhay...Unos na nasa iba't ibang anyo ng aspeto na ating pamumuhay..

Nariyang si ama at ina nagsusumikap ng mabuti, c anak naman natutong magbisyo di pa nag-aaral ng mabuti, biglaang pagaasawa ng mga anak na inaasahan ng mga magulang, si amang dumapo sa pugad ng iba, c inang nakakita ng ibang papadapuin sa pugad nilang mag-asawa, biglaang aksidente, pagkawala ng mahal sa buhay ng di natin napag-handaan. Magkapatid na nag-iinggitan at nanaghilian at nagiging daan ng di pagkakaunawaan.

Nag-iibigang sa bandang gitna ng relasyon natuklasan nagkakalokohan, nagmahal, minahal, nagmamahal subali't walang inaasahan anu pa man o kasiguraduhan sa inaalay na pag-ibig. Pagkakaibigang nawala at nasayang dahil sa pagkawala ng tiwala, o kakulangan sa komunikasyon.

Lipunang ginagalawan na may makamundong sistema, makabagong teknolohiyang nagdudulot ng pagdagok at pagyurak sa dangal ng kapwa.. Kung isa-isahin natin grabeng dami iba pa ang baha, lindol, giyera etc. etc...

Subali't san ba tayo tumatakbo sa mga panahong ito, hindi ba at kay Bro??? Pero yun ay pag may unos na nakakaramdam tayong takot, pangamba at pangunggulila...

Pero naisip mo ba o ako o sila o nila o tayo? Ilang beses kang humarap sa salamin sa maghapon at pumindot ng celpon o tumipa ng keyboard, maglaro ng psp, ng ps2 at anupa man libangan, kumpara sa pagupo at pagtahimik at pakikipagusap man lang sa kanya...Minsan kasi pag okey tayo, kumpleto ng kailangan, nakangiti at nakatawa nakakalimutan natin tumakbo papunta sa kanya...bakit di na lang din nating gawin katulad ng mga amang dakila na nagsisikap dahil alam nilang nakadepende sa kanila ang buong pamilya, subukan mo rin dumepende sa kanya, sa kahit anong oras, kahit anong okasyon at kahit anong pagkakataon, bago mo sabihin sa iba unahin mo muna ciang bahaginan ng nangyayari sa iyo...isipin mong cia ng iyong site tulad natin dito sa blogsperyo. 24 oras isang araw 8 o 10 para sa trabaho, 3 oras para sa pagkain mo sa tatlong beses maghapon ang onse oras mong gugulin pa, ilan ang sa kanya???? Baka lang kasi sa sobrang mapagpuna natin sa pulitika, sa iba, sa kapawa at sa sistema makalimutan cia wag naman sana...Dahil mas masakit kapag tayo na ang nakalimutan nia, bawat unos ay lumilipas kung may matatag kang pananampalataya sa KANYA...


Naalala ko rin tuloy ang palabas sa TV na may libro na din..Actually, nabasa ko na yung libro nun pang year 2000 sobrang paghanga ko talaga sa kanya dahil sa murang edad grabeng tatag sa unos na dumapo sa kanya. Siguro yun iba napanuod o nabasa na din ang istorya nia "one liter of tears" sino nga ba naman ang di makakabangon sa unos at pagkadapa na halos unti-unti kang pinapatay sa bawat oras na dumarating sa buhay, pero marami ang sa kanya ay humanga at bukod dun alam kong marami ding taong napagpabago cia..., anu nga bang magagawa ang milyong halaga kung kanser na ang sakit at wala pang lunas...Wala...kundi pag-mamahal ng pamilya at pananampalataya upang sa kabila ng lahat manatili ang ngiti at gawing kapaki-pakinabang ang bawat segundo ng buhay...

Monday, June 15, 2009

BUTO




Next week, or next Sunday ung araw daw para sa mga tatay....Sa una, ewan ko ba kung pano siniselebra 'to? Paano nga ba? Pasalamatan ang aking ama, dahil ba sa wala ako ngayon sa kinalalagyan ko kung di dahil sa kanya, o pasalamatan ko siya dahil kung hindi dahil sa kanya baka duwag ako ngayon, mahina, malalay, at takot sa pagsubok ng buhay...Pero dahil sa kanya natuto akong lumaban, natuto akong magpakatatag, natuto akong magkaroon ng determinasyon sa buhay, natuto akong bumangong mag-isa sa bawat pagkadapa ko sa buhay, dahil natuto akong buhayin ang sarili ko sa maagang panahon, natuto akong maging matapang sa lahat ng pagsubok na narating sa buhay ko, natuto akong mag-isa ng walang Amang inaasahan sa araw-araw kong buhay.....Cguro nga, oo, salamat sa kanya dahil sa mga ito.....

Pero di talaga maalis sa isip ko nuon, kung bakit??? Kung bakit iba ka kesa kanilang mga nakikita ko? Kung bakit di ko nakita sa iyo yung pagmamahal at pagkalingang hinahanap ko sa isang katulad mo...Ayoko na sanang maalala pa lahat, dahil minsan di ko talaga maiwasan na ang pilat ay muling manariwa...Naipakita ko na sa iyo nuon kung gano kita kamahal, infact sa iyo na rin nagmula ako ang paborito mong anak, at di rin naman nabago yun dahil sa tingin ng mga kapatid ko hanggang sa nanay ko ako pa rin ang naging paborito, pero para sa akin marahil ay sanhi lang iyon ng pagiging sakitin ko nun bata pa ko at nasanay lang silang ako yun tinututukan dahil sa aking kalusugan.....Na siya atang naging dahilan upang ipanghingi ako ng abuloy at sabihing patay na ko gayung buhay na buhay pa ko...Hindi ko makalimutan yan ng malaman ko mismo sa bibig ng taong hiningan mo ng pera, isang itunuring ng nanay kong pangalawang ina, pero dahil sa iyo sinira mo...hindi na ko magtatanong kung san mo dinala ang abuloy na para sa akin, alam ko na sa sugal....Pero bakit nga ba at bigla na lng naglaho ka, kung ang iba'y alam na ang kanilang Ama ay sumakabilang buhay, ikaw? kakaiba, sumakabilang bahay o bayan o lugar, na di ko malaman hanggang ngayon kung san nakatayo ang nasabing iyong nilipatan, subali't ganun pa man di na ko interesado pa....

Aaminin ko, magiging impokrita ko kung sasabihin kong hindi ako nagalit sa iyo, bakit? ang sarap ng buhay natin nun, okey naman trabaho mo, pati nanay ko, kaya nio kaming buhayin na magkakapatid, nun una di ko nauunawaan, hanggang sa akin matuklasan, kung bakit nawala ang lahat....dahil sa sugal, sugal na pinagkalulungan mo, isama mo pang barkada mong wala sa lugar na pakikisama mo isusubo na lang namin pamimigay mo pa, okey lang sana eh kung kaibigang totoo pero ng mawalan ka, asan na cila? nawalang isa-isa, hindi ko malaman kung san mo dinadala ang pera yun pala marunong kang mambabae, uminom, manigarilyo, at natuto ka pa ata manggancho....Ewan ko pa kung anong iba basta ilan lang yan sa mga nalamn ko....

Awang-awa ako sa nanay ko habang nagkukuwento sa lahat ng hirap na dinanas nia sa iyo, dapat pala nuon pa cia humiwalay sa iyo pero di nia magawa dahil sa amin mga anak nio, isa lang pinagpasalamat ko di ka nananakit ng asawa mo, aside from that, hindi ko na po alam kung may kabutihan pang nanalaytay sa iyo para sa aming pamilya mo.., iniwan mo kami, iniwan mo ko sa obligasyong dapat ay sa iyo pangatlo ako, pero pakiramdam ko ako yung naging panganay...nakapagaral ako sa sarili kong kayod, napagtapos ko bunso kong kapatid sa sarili kong sikap.., natakot sa relasyon, oo, totoo, ayoko kasing makatagpo ng katulad mo, minsan na kong naging man hater, buti na lang may isang taong dumating sa buhay ko nagtiyaga at nagpabago ng pananaw ko bukod pa sa 2 kuya ko...Lahat ng hirap dinanas ko sa hina ng katawan ko pero pinilit ko, kung nangibang bansa man ako at sikreto yun sa kapamilya mo dahil kahit silang mga kaptid mo nagalit ako??? Bakit? dahil isa man sa kanila walang tumulong sa amin minsan may kusang nagbibigay, isusumbat pa, yun tipong kailangan may kapalit, ng makita mong nagbubunga na pagsisikap ko, minsan nagulat ako sa iyo after 10 years nagpakita ka, bumabalik ka...???

Hindi ko masisisi ang kapatid ko kung tumakbo cia sa akin pabalik at tanungin kung sino yung napabuksan nia dahil alam ko maliit pa cia ng umalis ka, kaya ayun di ka nia nakilala, at dahil halos ako ang tumayong panganay sa bahay sapagkat ng ikaw ay lumisan, ako ang naiwan wala mga kuya ko kundi kaming tatlo na mga babae lang sa bahay, nuon ko unang nakita ang sarili ko kung panong makipagsagutan sa isang magulang, nasambit ko pa nga nun, "patawarin ako ng Diyos" kung sa paningin nia ay nawala ang aking respeto sa iyo sa oras na iyon, pero sabihin mang mali, lahat ng hirap ko wala kang alam, lahat ng pagpapagal ko hindi mo alam, pero anong sinabi mo sa akin, mentras humingi ka ng tawad sinumbat mo pa lahat ng naibigay mo nun araw, tinawag mo pa kong mayabang porke't nakatapos lang ng pag-aaral, kakaiba ka talaga!!! hindi mo pa pinagpasalamat na sa kabila ng kawalan mo natutunan kong igapang ang pamilyang ito.....Hindi ako nagmalaki kaylanman alam ng lahat ng nakakikilala sa akin yan. Anuman meron ako ngayon pinagsumikapan ko...alam mo yun bata pa ko lahat na ata ng ilalako nalako ko buti na lng hindi ang katawan ko, siguro dahil na rin sa may determinasyon akong makabangon sa hirap na iniwan mo....

Palagi sa akin sinasabi ng ibang tao, anuman ang klase ng pagkatao mo, ama pa rin kita, cguro nga tama rin sila dahil di ako tatatag ng ganito kung di dahil sa paglisan mo, subali't di maalis ang tanong ko at agam-agam sa isang amang tulad mo, "Pag ba nagtanim ng buto, di ba dapat, inaalagaan, iaaruga, kinakalinga, minamahal, at dinidiligan katulad ng sa isang halaman upang lumago ng maayos at makabuluhan"...nangyari ba sa atin ito?, pakiramdam ko kasi tinanim mo lang ako pero pinabayaan mo kong magpalago ng sarili ko, buti na nga lang ng iwan mo ko umulan, at dun kahit pano sumibol ako...hindi ko maiwasan umiyak habang sinusulat ko ito, gustong-gusto kitang sumbatan, gustong-gusto kong ilabas lahat ng pagpapakasakit ko sa iyo, pero para ano pa?? Kung di man kita tinanggap nun at sinang ayunan ako ng mga kapatid ko at nanay ko, hindi mo rin ako masisisi, dahil kahit minsan hindi ko naramdaman may "TATAY" ako, buti na lang may "NATAY" ako...kahit pano nabuhayan ako ng loob para magpatuloy sa mundong ito.

Sa ngayon, nabawasan na galit ko sa iyo pero hindi ko pa alam kung lubos na ba pagpapatawad na naibigay ang alam ko lang kahit pano nabawasan na pait ng nararamdaman ko pag Ama ang topic sa paligid ko, ang palagian ko lang na dinarasal, kahit alam ko anjan ka lang sa tabi-tabi, nawa" yung ginawa mo sa amin, wag mo ng ulitin sa pamilya mong ninais mo uling buuin..Kung magkita man tayong muli yan pa rin ang sasabihin ko sa iyo..Marami ang nagtatanong ano raw ang gagawin ko pag namatay ka na?, simple lang muna ang sagot ko, "hindi pa ako cgurado" ano bang malay ko baka mauna pa ko sa iyo...Magkaganun man gusto ko pa rin magpasalamt dahil kahit muntik ng mamatay ang butong itinanim mo, eto' buhay pa rin ako...Minsan naiicip ko kaya cguro sa 2 beses na muntik akong mahulog sa kamatayan pero nabuhay pa rin ako, dahil hindi pa tapos ang misyon ko...Misyon ko para sa iyo at para sa pamilya ko....Aaminin ko rin sa iyo, nasasabik ako sa mga yakap ng AMA, Amang mabuti at nakkaunawa, yung hindi lasing, yung hindi sugarol, yung hindi ikaw na bumalik sa pagkabinata kung hindi yung Amang katulad nun nagaalaga at umaakap sa akin nun ako'y limang taon pa habang palaging hinihika at dinadala sa hospital.....minsan bumibigay din ako sa pagsubok pero di ko kailangan ipakita sa kanila lalo na sa nanay ko...Kailangan eh... Pero kung nandito ka, ano kaya ako?? Para sa mga di pa nakkaalm isa ka sa mga dahilan kung bakit ayoko ng anumang larong tinatayaan ng pera...Sa totoo lang ang laki mong phobia sa pagkatao ko....San ka man naroroon ngayon, nawa nagpapaka-AMA ka na!!!....tunay...

Sunday, June 14, 2009

Gala dito, gala doon...

@ dahil linggo pahinga muna ko at ngarag pa ko sa pagod magmotor ba namn kami mula dito sa alabang hanggang batangas eh, eto sakit na wankata may pasok pa bukas waaaahhhh...lunes na naman ciempre araw mang-asar ng mga client namin., mauurat na namn ako...kaya sinulit ko ang linggo punta batangas, ciempre dumaan na din sa tagaytay...buti na lng ka nio ng mga flat ang motor ko sakto impunto kakagarahe ho sabay psssssss...kala kung ano ang gulong ko flat sa hulihan patay commute ako nito tommorow...hmmmpp...cgeh la pa ko maicip post eh 'to na lang muna hehehe...basta swerte daw ako ngayon araw na 'to, (yun eh kung totoo ang salitang swerte) sa layo ng ginala ko eh tinopak man ang motor ko nandito na ko sa haus, naalala ko bigla solemnity feast day pala ayun cimba muna...buti na lang malapit cmbahan okey lang maglakad....happy sunday...

Wednesday, June 10, 2009

TRIP


B = Be strong and of a good courage.

M= Measure thy life by loss instead of gain;not by the wine drunk, but by the wine poured forth.

W= We often times don't see the reason why we don't always get what we want, but in the end of it all, we realize that what we wanted must not meant for us after all - everything happen for a reason.



Life is a song...sing it.
Life is a game...play it.
Life is a challenge...meet it.
Life is a dream...realize it.
Life is a sacrifice ... offer it.
Life is love...enjoy it.
Life is a colorful...paint it.
Life is a journey...ride on it.
Life is a one-way street. No matter how many detours you take, none of them leads back. So enjoy life every moment as none of them will happen the same way again......



(ang mga larawan po ay lubhang na-ne-ot ko lang sa net....salamat sa kumuha ng larawang ito.)

Sunday, June 7, 2009

AWIT NG PUSO


( Repost)

"Music exalts each joy, allays each grief, expels diseases, softens every pain, subdues the rage of poison, and the plague." (John Armstrong)

I'm your Lady Lucille after Lea. She was the past, a one friend of mine, my long lost friend. We both have different point of views, ti'll i found you yesterday, i just said hello!, a one hello that make me feels like heaven. We've got tonight, forever tonight, you tell me, you are so beautiful, beautiful in my eyes, and you thought, yes, she believes in me..You decorated my life, so slow i'm fallen for you, really, my foolish heart constantly loving you. I fall for you the more the closer i get to you. I think that when a man loves a woman they try always to find 100 ways just to give their girl a glory of Love. You're the inspiration for me, co'z you are one in a million, then later, i dreamed of, i've got to believe in magic that one day in your life, i will be your endless Love. Just once, you say that you love me and this time i feel i'm crazy, half crazy. I remember what Lea said to me, don't fall in love with the dreamers but i don't have a heart not to love somebody, besides, Love moves in mysterious way, then of course, i'd still say Yes....

Through the years i always thought that we will be forevermore, just only between the two of us always paradise. Until one day you look like a coward of the country, i asked you why?. You look into my eyes and say, can we just stop and talk a while?. I feel weak that moment even now, then you say, "naging masaya ako sa piling mo kahit isang saglit, kung malaya lang ako i don't say goodbye. I'm shock, you said i love you but you lied, "kung mahal mo siya" you don't need to this to me. It was almost paradise to us, now, how am i supposed to live without you? How do i keep my music playing? How do you heal a broken heart like mine? You just told me back its really hard to say i'm sorry, but I'm really sorry, after all, what matters most to me is having you in my life is like a beauty and madness, my light and shades but honesty i did to love you....then, you say goodbye...

I cried every night after that incident, when i heard the song there's no easy way to break somebody's heart, it only reminds me of you. I won't hold you back now and if ever your in my arms again, i never let you go again even if i know it can't be happen co'z if the feeling is gone, i should let you go now, but before i let you go, i want you to know, that if love will lead you back, i don't know if we can be like before, besides, i wasn't the one who said goodbye.

Someday, the next time i fall and if i should love again, i'll make sure that i never hurt like that. Make my name tattoed on their mind to remember me this way and i'll be the first one who say, I love you, goodbye...

Maybe it will be until i fall in love again...

Saturday, June 6, 2009

ITO ANG GUSTO KO

Kapag Bata pa....Gusto ko paglaki ko...

...Maging Doktor, para makatulong ako sa mahihirap at magamot ko ang may mga sakit.
...Maging Pulis, para mahuli yung mga may ginagawang masama at maparusahan.
...Maging Presidente, para makatulong ako sa pag-unlad ng Bansa.
...Maging Artista, para (magkaron ng exposure) hehehe, para makapamahagi ng aking talento.
...Maging Abogado, para maipagtanggol ko yung mga naaapi na walang kasalanan.
...Maging Teacher, para matulungan ko yung mga batang di makapag-aral.
...Maging Mayaman, kasi para maiahon ko sa hirap ang pamilya ko at matulungan ang mga katulad namin.
...Maging Manager, para makapgtayo ako ng sarili kong negosyo.
...Makarating sa ibang Bansa, para maiahon ko sa hirap ang pamilya ko.
...Maging Boksingero, Basketaball o anu pa mang larangan sports naako'y makikilala sa ibat-ibang bansa..
(para makapagbigay ako ng karangalan sa ating bayan)


Kapag Matanda na.....Gusto ko...

...Dahil Doktor ako, dun ako sa pribado magtratrabaho kasi mas malaki ang kita kesa sa pang publiko.
...Dahil Pulis ako, sa ciudad ako magpapaasign kasi malakas daw ang raket dun, kesa dito sa probincia, halata..
...Dahil ako'y Presidente, samantalahin ko na ang pagkakataon para makarating ako sa iba't-ibang bansa wala naman magagawa ang mga kinasasakupan kasi lakad ng panggobyerno ang gagawin ko, at kailangan mas maraming proyekto para mas malaki ang kat-kung ko...at ciempre may ambon na din kayong mga katulong ko.
Basta quiet lang kayo..
...Dahil artista ako, at magnda kahit pa ano ang gawin ko, magpalit-palit ng gf or bf, magsuot ng halos litaw na buong katawan tiyak hahangaan pa rin ako ng tao...
...Dahil ako'y abogado, mga prominenteng tao ang dapat na kliyente ko, para mas malaki ang kita, yun mga walng pambayad sa public attorney na lang cila, mahina ang kabig pag sila.
...Dahil ako'y Teacher, aba, tagal ng sahod namin dito sa pampubliko kaya kelangan ng sideline, ice candy, kakanin o anu pa kayang maitinda sa mga estudyante.
...Ngayong Mayaman na ko, makaganti sa mga nangapi sa akin nun araw, at kaylanman di na bumalik sa aking pinanggalingan.
...Dahil Manager ako, pano ko kaya mapapatalsik tong presidente ng kompanyang to, para namn ako ng pumalit at di mahalata ang ilegal na ginagwa ko.
...Dahil nakapangibang bansa na ko, kailngan pagbalik ko di na ko katulad ng dati...ciempre mas malaki na kita ko kesa sa dati.
...Sana, ngayon bilang kilala na ko sa larangan ng sports sa ibat-ibang bansa eh,mabigyan man lang kami ng pansin ng gobyerno sa tuwing may laban ako at ang mga katulad ko..Pra naman ang buhay namin ay magbago..


Ilan lamang po ang mga ito sa mga nalaman ko sa pagoobserba sa aking paligid na ginagalawan, parang ang pangarap kasi ng pagkabata nagiiba na kapag nasa kanila na...Hindi ko po nilalahat ang mga propesyong napili at nabanggit, ilan lamang po iyan at sila sa mga taong nakasalamuha ko sa mga nakalipas na pag-agos ng aking pamumuhay, obserbasyon, may mangi-ngilan na tinanong at nagbigay ng mga opinyon, kung ang ilan sa propesyon ay "ikaw" na siyang nagbabasa hindi naman po nangangahulugan na isa ka rin sa kanila ng tumanda na kung magkagayon man, di po sinasadya nagkataon lang, (ipagpaumanhin kung sakali man nakasagasa), nais ko lang pong ibahagi upang ating malimi, kung bakit nga ba at ang ating bansa ay hirap makipagsabayan at umangat...Maaring hindi ito ang literal na dahilan subali't para sa kanilang mga walang sinabi sa buhay tulad ng aking pinagmulan maari rin namn maging sanhi ang ngayon ng kinabukasan...Ikaw ano ang ginusto mo? ang gusto mo? at gugustuhin mo pa?


Friday, June 5, 2009

TUNGAW

Naalala ko siya kasi nakakita ko kangina ng matndang lalaki...Si Mang Tantul kung tawagin nuon sa aming lugar, hindi ko lang alam kung siya ay buhay pa o pumanaw na, ang tangi ko lang naaalala kung nuong panahon ng kastila eh may pilosopong Tasyo siya raw ang katumbas nito....

Sa eskuwela...Ang sabi ng teacher class lahat kayo kumuha ng tig-iisang buong bond paper at ballpen or lapis, sa papel na yan gumuhit kayo o magdrawing ng mga tao, bagay o anumang naisin nio na ciang magrereplika sa inyong pag-katao..., ang ginawa ni Tantul...

Sinulat ang kanyang pangalan sa gawing kaliwa sa itaas na bahagi ng papel at sa gitna ay isang tuldok mula sa lapis nia...Ipinasa at nag-antay para sa pagbabahaginan nila..Sa bahaginan, ng cia na ang tanong ni teacher, Tantul, asan ang iyong ginawa, itinuro ang maliit na tuldok..ang sabi ng guro, bakit halos wala akong makita at bakit yan ang yung ginwa,,,ang sagot ni Tantul kaya nga Tungaw eh, alangan makita....

Sa paglalakad pag nakita ciang naka-bike wag mong sasabihin, Bah san ang lakad, sasagutin ka nia, "nakita mong nakabike..."

Pag-sinabi mo namang okey ah, may service tayo ngayon san ang punta? sasagutin ka nia, alangan namn magpagulong-gulong ako....

Minsan nagpatulong magtulak ng sasakyan niang medyo kakarag-karag, aba'y ang layo ng narating ng may magtanong sa mga nagtutulak bakit di ata nag-iistart, baka namn di naka susi...alam niosinagot nia..., di nio naman kasi sinabing isusi eh bago itulak...

It must be corny,,, pero isang bagay ang nakatawag sa akin ng pansin ang pagiging Tungaw, tulad ng mga taong wala "raw" sinabi sa buhay at walang kakayahang makipagsabayan sa maraming atik..., di sila napapansin dahil ba sila'y tungaw lang? Sa ospital kapag wala kang pera sa huli ka na, sila ba'y tungaw para di makita? Sa lipunan kung mapapansin natin may diskriminasyon ang bawat indibidwal, di ko tuloy minsan maialis na mag-isip kung pano, kung ako'y naging tulad nila, di marinig kahit nagsasalita, di mapansin kahit nangangagat na, dinidedma dahil ba sa wala naman importancia, eh bakit nilikha pa sila?...Sila'y Tungaw nga bang tunay o nagakataong dinidedma lang....????

Ang hirap nga naman pag masydo kang maliit, di ka makita kahit may nagawa ka na...pero kung malaki ka at maimpluwencia, baka pa!!!...sakaling may "say" sila...o minsan naman mapapansin ka dahil kailangan lang nilang mapag-aralan at may malaman...

Si Mang Tantul, tungaw man daw pero kapansin-pansin naman, yun nga lang sa pilosopong pamamaraan....

Thursday, June 4, 2009

BINTANA

Ang buhay daw ng bawat indibidwal ay may apat na Bintana, subukan mong gumuhit ng kuwadrado, guhitan ng isang pahabang pababa sa gitna at guhitan muli ng isang pahalang sa gitna...pagtiningnan mo yun kuwadradong may guhit na krus sa gitna...

Ang unang bintana ay nagsasabing alam mo at hindi alam ng iyong kapwa o iba mang taong nasa paligid mo. Ibig sabihin eto yung mga sikreto mo sa sarilimo na kahit cno eh ayaw mong may makaalam, usually ginagawa daw ito sa banyo or kwarto mong sarili na ikaw lang nakakapasok hehehe, kayo na bahala kung ano yun...(kidding aside, eto yung mga attitude, ginagawa natin na nais natin walng makaalam na kahit na sinupaman..)

Ang ikalawa, alam mo at alam ng iba..mga uagali, ginagawa, sekreto na pinahahayag mo at nais mong malaman at makilala ka ng ibang tao sa mga ito. (eto yung mga bagay, ugali,ginagawa, at dito samundo ng blogsperyo ay sinusulat natin upang maibahagi sa ting kapwa o mga mambabasa ng ating poste na ginagawa.)


Ang ikatlo, alam ng iba pero hindi mo alam... eto yung minsan may nasasabi tayo, may nagagawa or maaring dito sa blogsperyo eh may naisusulat tayo,nahindi natin naalintanang may natapakan, mas nasaktan at may di nakaunawa sa ating nagawa. (eto yung dapat eh matuto tayong maging mapagpakumbaba sa kapwa at tanggapin ang kanilang bawat salita, opinyon at masasabi sa ating mga nagawa. Sila ang ating salamin ng mga bagay na di natin nakikita sa ating sarili, kaya marapat lang na matutunan natin ang pagtanggap...)


At ang ikaapat, hindi mo alam pero hindi rin alam ng iba...cguro naman alam na natinkung ano, dahil wala nitong cnuman ang nakakaalam sa atin kung kelan, kung saan, at sa kung papanong paraan tayo magpapaalam dito sa mundong ibabaw..

Gusto ko lang pong ibahagi..

Monday, June 1, 2009

KOMPLIKADO (Part 2)



From the Part 1 ---continuation...After a Year...




Eto na si Juan...Isa na cia sa mga yan...lam mo na cguro kung ano trabaho nia yung gamit nia sa kanyang mga magulang.., wala daw kc ciang kakayahan para makabili ng sariling ipapamasadang sasakyang ganyan...
Eto na si Maria maligaya naman sa bagong responsabilidad na dagdag sa buhay nila...bukod pa sa kapatid niang pinapaaral nia...maligaya pa naman daw kahit na ba si Juan eh kumikita pa ng 250 isang araw para iabot sa kanya..Ang supling nila si Basyang Basa...
Ciempre, ang nag-aalaga nanay ni Maria kaya ayun, di nila kasama sa barong-barong nila, para silang laging bagong kasal ni Juan....Kung dalawin at puntahan nila ang anak isang araw isang linggo lang, dalan ng gatas, diaper at iba pang pangangailangan ni Basyang...
Bumilis ang takbo ng taon, lumipas ang dalawang taon, bah ciempre malaki na si Basyang kahit papano...
Maria: Eto Supervisor na, napuno na nia ng gamit ang munting barong-barong nila kumpleto na halos,..mula sa
balkon nila hanggang sa kusina at palikuran nila, pasukin mo bahay nila munti pero wag ka, malinis na
maayos at maaliwalas pa., nakakaya nia kahit trabaho at pagiging kabiyak at ina ang gampanin nia.
Dahilan, kasi Mahal nia si Juan, at ayaw niang magkaron ng pamilyang watak tulad ng ginawa ng tatay
nia noong siya'y maliit pa...bata pa daw cia natuto na rinciang mabuhay ng sarili niang kayod at tumayo
sa sarili niang pagod, at abilidad...(kaya siguro cia pinagpala, bukod pang bread winner cia ng pamilya
nia, hindi daw cia panganay sa kanilang anim, pero daig pa niang panganay sa responsabilidad nia sa
pamilya nia) kaya nga kahit may sariling buhay na sila ni Juan tuloy parin ang pagtulong nia sa nanay
niang labandera at taga alaga ng anak nia at 2 pang kapatid na pinaaaral nia....
Juan: Tinamd naman, mentras 7 araw pumasada isang linggo, aba naging 5 araw na lang, kapag sabado ng gabi
nakaharap sa lamesa niang maliit na may nakaikot na limang upuan at may mga kasamang kainuman...
Minsan daw cia ang gumagawa ng gawaing bahay kapag pagod na si babae...At kailangang kapag araw ng
linggo di dapat tumanggi si Maria sa responsabilidad nito sa kanya bilang asawa sa ayaw at sa gusto ni
Maria...Di namn cia inaasahan sa pamilya nia na katulad ni Maria yun nga lang di rin cia tinutulungan
upang magkaroon pa ng higit na mas malaking pagkakakitaan..Katwiran ng Pamilya nia; maganda raw
naman buhay nila sa sa laki ng kinikita ni Maria...Katwiran ni Juan kahit ganyan siya malabo ciang iwan
ni Maria...Ginagawa naman nia ang lahat ng makakaya nia upang makatulong sa kabiyak.
BASYANG: Nabibili naman nila lahat ng pangangailangan, mula sa pagkain,damit,laruan at iba pang mga
pangangailangan, bongga pa nga kung kaarwan eh.
Ganuon tumakbo ang kanilang buhay sa araw-araw hanggang sa umabot sila ng ikaapat na taong anibersaryo ng kanilang Kasal...Wow, tagal na din nila ah....
Nang ikaapat at kalahating taon nanila ng pagsasama....
Maria: Nagkasakit ang nanay nia, kasabay ng di maaaring makaakyat sa entablado ang isang kapatid na
pinaaral nia dahil may naiwang isang di na ipasa...Nang gumaling ang nanay nia anak naman nia ang
sumunod..Nospital na confine pa...
Juan: Patuloy sa dating gawa nia, pero nagbantay naman ng anak nia nung magkasakit ito....
Nangyari ito sa loob lang ng isang buwan ng Marso...Kaya't ang ipon ni Mariang Basa ubos dahil sa ospital na
ginto ang halaga ng gamot, na kung wala kang pera eh baka namatay na pasyente mo...
Isang buwan bago maglimang taong anibersaryo nila...
Maria: Makikitang umiiyak sa opisina nia, at ng nilapitan ng isang kaibigan, di na nakapagpigil nilabas na lahat
pasan at dalang bagahe nia, napapagod na daw mula daw pagkabata nia kumakayod na cia, hanggang
ngayon may sarili na ciang pamilya at anak para wala daw nagbago sa sitwasyon nia, iyak cia ng iyak...
Di naman daw nia maasahan si Juan dahil pambili lang ulam nila ang natitirang kita...Idagdag pang
bisyong alak at sigarilyo nito...Pero mahal na mahal daw nia kaya kahit ganun para sa anak nia nagtitiis
cia...pag naguusap naman daw silang magasawa ang katwiran ni Juan tumitiempo lang cia ng
pagkakataon para makahanap ng mas malaking pagkakakitaan para sa kanilang mag-ina...
Juan: Yun pinapaniwalaan ni Maria, yun talaga sinasabi nia..., naaawa na rin daw cia kay Maria pero wala daw
cia magawa wala namn daw ciang ibang alam na trabaho, ayaw naman daw niang magkarpinetro dahil
may tinapos naman daw cia...,
3 months after ng 5th anniversary nila....
Maria: Inalok ng kumpanyang ipadala sa ibang bansa, at nalaman niang may iba pang kailangan sila..5 taong
maaaring makapagabroad, bigla niang naicip si Juan...pumayag naman daw kaya naicip nia,
tinanggihan nia ang alok sa kanya. Ayaw na niang umalis pang muli ng bansa dahil naranasan na nia dun
nung sia ay dalaga pa at kasinthan pa lang si Juan....
Juan: Sinabi sa kanya ni Maria ang tungkol sa pangingibang bansa...sa una ang tanong ni Juan.."Bakit
napapagod ka na bang ikaw lang ang malaki ang kita at halos gumagastos dito sa bahay?" Pano naman
ako aalis wala naman akong pera...nagsalita at marami ng sinabi kay Maria...
Maria & Juan: Nagtalo, nagpalitan ng mga ibat-ibang salita, hanggang saumabot sa sumbatan kung
sino ang "mas" at kung sino ang hindi....
After a week....
Maria: Nanghiram ng pera kahit patubuan pa pinaluwas si Juan para magayos ng mga papeles niang gagamitin
sa pagaabroad, ng magtalo sila sa huli pumayag din si Juan...
Juan: Lumuwas ng ciudad, nag-ayos ng mga papeles na kailangan nia pasport, nbi, mariage contract,
etc...etc..ng okey na at kailangan ng mag apir sa interview para sa pag alis nia, lumuwas ulit ng ciudad
may dalang pera, naaya ng pinsan nagawi sa karera si perang pang down sa placement fee
itinaya sa laro, natalo.., nagaalala cia at dahildun di na rin sinipot si interview kailangan makapgisip
kunganong sasabihin kay Maria may naicip namn....,
Maria: Sumakit ang ulo, ang laki na kasi ng utang nia, ang sakit di cia sanay mangutang...nalaman niang bagsak
sa interview si Juan tulad ng pagkakasabi nito, at di pa yun naholdap pa ang aswa nia..awang-awa cia
kay Juan, kasi alam daw niang lahat ginagawa nito para makaahon sila sa hirap...
At sila'y bumalik sa dating gawi, dating routine, pero may isang nabago si Juan madalas ng umuwi ng lasing, at halos sa loob ng isang linggo madalas na silang magtalo, ibat-ibang dahilanibat-ibang katwiran....
5th 1/2 of their marriage...
Maria: nagtetext sa isang old friend nia, kinabisa lang numero at di-nial ito, sent message sabi sa cp nia..
Juliet: Titit-titit sabi ng cp ni Romeo na narinig nia, one message receive, binasa nia nakalagay, musta ka frend.
Nagtaka cia unregistered number, si Romeo nasa cr nila., natempt siya kaya binasa nia..ginawa
nireplayan nia..
Maria: Natuwa ang 2 years na di nakikitang kaibigan nagreply, at ang sabi sa mes. eto okey lang ikaw musta..
Sagot ulit cia, okey lang namn paluwas ako next week kita tayo sa dating place...(buong
akala nia eh si Ploning...)
Juliet: Nagngitngit sa nabsa nia at may tagpuan pa sila ha...sumagot cgeh kita tayo...in short nagpanggap ciang
siya si Romeo na buong akala din eh para kay Romeo nga iyon na asawa nia mag aapat na buwan palang
silang kasal, apat na taon niang kasintahan si Romeo bago sila nagpakasal...May trabaho cia encoder sa
isang kumpanya....
Romeo: Nagulat bigla ng lumabas sa cr at pagpasok sa kwarto nila eh biglang tinanong ni Juliet sino ang
katagpo mo ngayong araw na ito.., sagot nia wala, may tinpos, may magandang trabaho sa isang
telekomunikasyong kumpanya..ng ipakita ni Juliet sa kanya ang celpne niang 5110 pa eh binasa
nia ang sinasabing mga text dito, sabi lang nia kay Juliet cno ba kausap, di ba ikaw, eh ikaw ang kakilala
nian kayo nagpalitan text...
Juliet: galit na galit nung araw na yun...
Maria: walang kaalam-alam sa nanagyari sa tinext nia....
After 3 days of that incident...
Romeo: Tumawag kay Maria....nagtanong kung cno ito at nagsabi pa ng name ng dating ex nia na wala naman
silang closure kaya inicip niang ito yun., pero mali...ang sabi ng kausap nia cia si Maria at may isang
anak na...pero humanga si romeo sa boses ni Maria...
Maria: nagulat sa tumawag sa kanya, unregisterd number kc, ngtanong sa kanya sinagot namn nia kung ano
totoo. Medyo badtrip pa nga dahil nagaway sila ni Juan bago sia pumasok sa opisina, paluwas pa
naman cia next week..Pero humanga cia sa boses ni Romeo...
the next day...
Romeo: tumawag ulit kay Maria pero para lang makipahkwentuhan...nababadtrip na kasi cia sa ugali daw ng
asawa nia simulanun kinasal sila nagbago trato nito sa kanya pati sa pamilya nia..kaya kung tutusin
dapat nasa honeymoon stage pa sila pero nawawalan na daw sia ng gana...eto na nararamdaman nia
bago pa daw makilala si maria.
Maria: nakatanggap ulit ng tawag mula kay Romeo nalaman nia mula dito kung ano estado nito sa buhay, atbp.
inintertain nia si Romeo pero naiicp nia kelangan di dapat pa...
Juan: walang kaalam-alam sa bagong kakilala ni Maria...
Juliet: Kagaya ni Juan wala rin kaalam-alam tinitingnan namn lagi cp ni Romeo pero walng kakaibang mes.
dun, kaya inicip nia cguro "wrong send" lang yun....
Romeo & Maria: Simula nun nakapag-usap sila araw-araw na silang nagpapalitan ng mensahe sa text,
nagpapadala pa nga load card si Romeo kay Maria, C babae txt, c lalaki tawag...until
umabot sila ng one month pero nakapg-isip si Romeo hindi dapat may asawa silang pareho
may anak pa si Maria. Nagpaalam siya nitong tigilan na nila ang komunikasyon alam na nila
lahat kung ano kwento ng buhay ng isat-isa, ng kalagayan nila sa mga kabiyak nila pero alam
din nilang mali ang ginagawa nila...pumayag si Maria...then the next day they started not to
communicate with each other..kahit pareho sila ng nararamdaman daw na masaya kapag
magkausap sila.
Juan: Nagpaalam ulit kay Maria magaabroad na daw cia tulungan daw ulit cia ni Mari na makahagilap ng pera.
Maria: Manibuting tulungan si Juan..., humagilapmuli ng perang magagamit ni Juan. nakakita namn cia sa
isang kaibigan ciempre, utang ulit....
Basyang: ganun pa rin lumaki na sa aruga ng lola nia...pinupuntahan ng mga magulang nia tuwing araw ng
linggo.
Juan: Naloko ng recruiter, di na naman natuloy magabroad....kaya ayun naginom-ng naginom. malas daw siya
sa buhay pero mahal na mahal daw nia si Maria pero ano daw ba magagawa ginawa nadaw nialahat ng
kaya nia pero ganun parin ang bagsak pa din magpasada ng tricycle...may bukid cila pero ayaw namn
daw nia dun, kahitpa nga binibigay na sa kanya ng mga magulang niaang parte nia. Sa huli nauwi na
naman sila sa away ni Maria, dahil nakipagtalo si Maria ayun di naiwasan napagbuhatan nia ng kamay.
Maria: Di na daw niya kayang tiisin pero ciempre di siya nagsasabi sa kanyang pamilya lalo na sa nanay nia,
kilala kasi siyang matagtag ng mga kapatid at nanay nia, kaya ayun sinasarili lang lahat, dindaan sa iyak
pero may naalala ciang isang tao ng araw na ito..c Romeo...sinubukan nia sa isang mensaheng kumusta,
at mula dun nagpalitan na sila ng text..
Romeo: Nagalala cia ng malaman ang tungkol kay Maria...yun pala tulad nila Juliet nagkakalabuan na rin sila.,
Dahil pinatulan daw nito ang lola niang may ari mismo ng bahay na tinitirhan nila..Hinigh blood ang
matanda at muntik nitong ikamatay, dahil dun di na cia umuwi pa kay Juliet at balaklang sana ay mag
palipas ng galit..dahil muling natagpuan niang masaya palang kausap si Maria at nagalala sa nanyari
dito, napaicp cia bakit kaya ganun ang nararamdaman nia...
Maria: Pakiramdam nia nakatagpo cia ng kakampi sa pamamagitan ni Romeo, at mula natagpuan na lang nilang
muli silang nagpapalitan ng mensahe sa text nagtatawagan..
At matapos ang anim na Buwan naging sila kahit di pa sila nagkikita....
Juliet & Juan: Silang mga walang kaalam-alam...pero ang mga ugaling ayaw sa kanila yun pa rin sila...kahit
alam nila ito at sinasabi namn ng mga kabiyak nila, di parin sila nagbabago.
Makaraan muli ang 3 Buwan
Juan: Pinauwi na muna ni Maria sa bahay nila pansamantala daw muna silang maghiwalay at magkaron space
sa isat-isa upang mapaglimi nila kung bakit? at san nga ba sila nagkamali? nung una ayaw niya pero
sa huli pumayag na din cia dahil wala namn daw siyang magagawa at tuwina ang sagot nia kay Maria
bahala ka na...
Maria: Umuwi na sa bahay nila hinakot lahat ng gamit nia at iniwan na ang bahay nainuuphan nia ng kung ilang
taon na siyang rin bahay na pinagsamahan nila ni Juan.., patuloy na nagtrabaho at binuhay ang anak nia
Hindi naman inalis ang karapatan ni Juan bilang ama ni Basyang..
Basyang: Sa murang edad walng kaalam-alam na hiwalay na pala mga magulang kaya lagi ng kapiling ang ina
at dinadalaw-dalaw na lang ng ama..
Juan:Bago cia pumupunta pag linggo kila Maria nagtetext muna, nung pauwi na cia may natanggap namensahe
mula kay Maria, ganito po ang nakalagay ...(Mahal, pasencia na di agad ako nakapagreply kasi dumating
si Juan, kelangan ko makausap at kung makikita kong textng text kung ano pa maicip, mahal na mhal kita.
ingat ka..mwaaah) nabigla cia., at mabilis na pnihit pabalik ang minamanehong sasakyan pabalik...
ng dumating bahay nila Maria..agad na tinanong si Maria at narinig ng nanay nito...dun na lumabas ang
totoo at nagpagalaman niang matagal na pala ito at magiisang taon ng may karelasyon bukod pa dun.,
nabigla cia ng umamin si Mariang nagkita na pala ito at si Romeo..pinilit niang tanungin kung ano ang
tunay na pangalan ng lalaki pero si Maria di napaamin sa puntong yun...sabi nia palalampasin nia ang
lahat ng ginawa ni Maria tigilan lang at ptulin na ang komunikasyon kay Romeo, pero dun din nia napag
tanto kaya na pala ciang palitan ni Maria at iwan nito, napagtanto din niang hindi pala nia kayang mawala
ito...kaya't nakiusap cia muli silang magsama..
Maria: Ng mangyari na ma-"wrong send" cia alam na niang babalikan at kokomprontahin cia ni Juan pero wala
wala na ciang magagawa huli na cia..., subalit ng alukin siya ni Juan na tatanggapin nito ang lahat, at
kakalimutan na lang lahat muli silang magsimula at magsamang muli, subali't pagod na daw cia ayaw na
raw nia kaya't ng araw na yun..humingi cia ng tawad kay Juan kung nakalimot man daw cia, pero
Mahal na daw nia si Romeo..Tinawagan nia ito at sinubukan na magpaalam na putulin nila ang
anumang namamagitan sa kanila..subalit iyak cia ng iyak habang namamaalam...
Romeo: habang narirrinig niang umiiyak si Maria di na nia na iwasang umiyak na rin, hindi daw nia
pababayaan si Maria at iiwan ito sa gitna ng laban...kya di cia pumayag na putulin pa ang kung
anumang meron cila...
Juliet: umuwi na sa kanila mulang may mangyari sa lola ni Romeo., habang si Romeo tumira na lang kasama
ng mga kapatid nia dahil alam niang wala na rin naman itong mga magulang na matatakbuhan di tulad
nia, pero di cia pumayag na may makuhang kahit ano pang gamit nila si Romeo kinuha niang lahat,
magmula sa mga regalo nila sa kasal hanggang sa mga bagay at gamit na naipundar nilang 2..nagresign
nagresign cia sa trabaho bago pa man mangyari yung insidente sa lola ni Romeo dahil si Romeo eh
nagresign din di namn pumayag na cia ang bubuhay sa kanilang 2 kaya kahit matagal na cia sa trabaho
nia nagresign pa din cia...
After a Year
Juan: Tinulungan ng mga magulang na makaalis ng bansa, umalis cia papauntang Saudi..until now andun pa din
cia...nagpaalam kay Maria na magbabalik cia para sa kanilang magina subali't sinabihan cia ni Maria na
wag ng umasa pa, pero kung para sa anak nia malugod at nasa sa kanya kung nais niang magbigay pa..
Hindi naman nakalimot si Juan, buwan-buwan siyang nagpapadala kay Maria ng allowance sa anak nila,
may kamunikasyon pa rin sila pero di na sa text lang nageemail na sila ni Maria pero di sila nagcha-chat
sa YM, maglilimang taon na cia sa ibang bansang pinuntahan pero di pa cia umuuwi umaasa pa rin na
muling may babalikang Maria..Subalit...Si..
Maria: After ng makaalis si Juan 5 buwan makalipas lumuwas ng ciudad, nagpasyang magtrabaho, at ng
maglaon nagsama na sila ni Romeo.., kasabay ng unang taong pagsasama nila nabuntis si Maria at
nagkaron muli ng isang supling...C Banong Bakya...hindi nia sinasabi sa pamilya nia at nanay nia kung
anuman ang kalagayan nia sa ciudad pinapadalan lang nia ng pangastos at pangtustos ang mga ito..dahil
bgla din nagasawa ang kuya niang wala rin naman trabaho ayun may pamangkin pa ciang nadagdag
na namn sa responsabilidad, may komunikasyon pa rin cila ni Juan, ginagawa lang daw nia ito alang-
alang sa kanyang anak.., para sa kanyang anak na lang ang kung anuman komunikasyon meron
sila ni Juan, inamin niang may BF cia pero di nia inaming may anak na cia hanggang ngayon lihim ito sa
dati niang asawa, pero palagi niang sinasabi na wag ng umasa si Juan na may Maria paciang babalikan.
Romeo: Hindi na nakibalita pa kay Juliet basta ang alam lang nia umuwi ito sa nanay nia at walng iniwan sa
kanya kahit na isang gamit o saplot man nia, hinayaan na lang nia dahil isa nga ang pagiging madamot
nito ang ayaw na ayaw nia..,Nakisama na kay Maria kahit wala namn ciang permanenteng trabaho,
nagsama pa rin sila at nagkasupling cia dito sa loob ng isang taon pagsasama nila, pero maabilidad cia
kahit walng opisinang pinapasukan pa araw-araw, madami namang raket gumawa ng kotse, jip, motor,
computer, marunong magmaneho, etc. etc..., dahil ang katwiran nia ayaw niang maransan pa ni
Maria ang naransan nitong hirap kay Juan, sinuwerte namn kasabay ng pagkakaron nia ng anak,
nagkaron din cia ng permanenteng trabaho....di na pinasasabi at hanggang maari ayaw niang
makakarating ito kay Juliet dahil tiyak magkukumahog na namn yung makausap cia dahil alam nia
mukha itong pera...
Juliet: Umuwi na sa nanay nia, mahal na mahal daw nia si Romeo, nalaman niang babae ito gali na galit siya
pilit nanakipagkita kay Romeo pero ng magkita sila isang salita lang ang iniwan ni Romeo sa kanya,
may makilala man akong bagong babae o wala, may pakisamahan man ako o wala, di pa rin kita
babalikan, dahil ayoko ng mga ugaling pinakita mo lang ng maksal tayo....iyak ng iyak pero wala namn
dawcia mgagawa mahirap namng ipilit pa sarili nia..saka katwiran nia wala din naman trabaho ito,
kaya magdusa ang kung sino mang makakasama ni Romeo yun ang sabi nia....
Basyang: Mas naging malapit kay Maria kesa sa ama kasi kahit wala si Maria sa tabi nia, araw-araw naman siya
na kinakamusta at sinisiguro napapadala lahat ng pangangailangan nito, malapit din sa lola niang
siyang nagaaruga sa kanya. Nag-aaral na, sunod sa luho lahat ng usong teki meron cia...pero di namn
nakakapanghinayang dahil sa taon-taon siyang may unang karangalan..yun nga lang pano pag
nalaman nia ang sitwasyon ni Maria, dahil ang alam lang nia nagtratrabaho lang ito sa ciudad..
Sa kasalukuyan....
Juan:Nasa ibang bansa pa rin pero sabi uuwi na daw this year, at ang sabi daw nia kay Maria hahantingin nia
kung san nakatira sila Romeo, dahil galit cia kay Romeo para kasi sa kanya inagaw nito ang asawa nia..
Romeo & Maria: Maglilimang taon na silang nagsasama at kahit minsan di pa sila nagtalo ng matindi puro
tampuhan lang daw at tanggap ni Romeo lahat ng obligasyon ni Maria sa pamilya nito pati
ang anak nito, balak na nilang kunin sa susunod na taon ang anak ni Maria upang makasama
na, sabi ni Romeo lucky charm daw ng buhay nia si Maria, nagsimula ang pagsasama nila sa
isang plato, isang kutsara't tinidor, isang unan, isang kumot, at umuupalang sa isang maliit
na paupahang kwarto,,,sa ngayon kompleto na sila sa gamit nakatira sa isang subdibisyon at
malawak na bahay, at higit sa lhat isa ng Manager si Romeo ng isang kumpanya...,
nagpursige namn siyamula ng si Maria ang nakasama nia, Si Maria naman isa ng may
posisyon sa Marketing Dept. nila ang gamit nilang status.., separated, pag ininterview cila
di nila itinatatwang may ka-live in sila pero di yun naging sagabal sa reputasyon ng trabaho
nila, alam na rin ng nanay ni Maria ang totoong ctwasyon nia pero ang inaalala daw ng
nanay nia ay si juan, kung ano gagawin nito pagbalik ng bansa...Pero aminado ang dalawa
masaya sila kumpara sa mga dati nilang kasamasa buhay..mali pero kuntento daw sila sa
isat-isa...
Juliet: Balak daw mag-ipon para idemanda si Romeo nakarating sa kanya na maganda na daw ang buhay nito,
at may anak na pero sabi nia di daw ganun lang yun kadaling magmove-on, matapos ang apat na taon
pananahimik mukhang bigla ata ciang nagkaron muli ng interes kay Romeo..(dahil ba lamniang malaki
na kita nito?) Wala daw trabaho sa kasalukuyan naninindahan lang...
Basyang: ayun, gusto ng tumira kay Maria pero alam niang darating this year ang ama kaya di pa cia sinama
ng kanyang ina, pero sa makaalis lang muli si Juan, nais na niyang kay Maria tumira at nun pa lang
matutuklasan na may kapatid na cia...at may bago ng tito...
Banong: Mag-3 o apat na taon na ata., this year...matalino din bata..eligitimate man pero swerteng bata..
paborito ng lahat sa pamilya nila Romeo..at ciempre tulad ng kuya nia kumpleto rin sa
pangangilangan....
ANG MGA PUNTO KONG NATUKLASAN
  1. Hindi pala lahat ng mahabang panahon ng pagigigng magkasintahan, nagtatapos sa happy ending.
  2. Minsan akala nio kilala nio na ang isat-isa sa haba ng inyong pinagsamahan pero makikilala mo lang pala ang isang tao kapag magkasama na kayong namumuhay sa iisang bubong.
  3. Ang pag-aasawa maraming pagsubok hanggat kaya niong lagpasan dapat pagtulungan hindi ng iisa lang.
  4. Mahirap pumasok sa isang sitwasayong walang katiyakan, lalo pa't may mga musmos na involve.
  5. Subali't, hindi kosila kayang husgahan dahil alam kong may mga sarili silang dahilan, di ko masabing tama, pero ayoko din sabihing sila'y mali, ang nalaman ko lang hindi siguro tayo maghahanap kung walang pagkukulang.
  6. Walang naghihiwalay na isa lang ang may kasalanan, parehong may parte ang bawat isa sa kanila.
  7. Anuman ang pasukin natin at pagdesisyunan sa buhay walang ibang dapat sisishin, walang ibang dapat pagtaniman ng galit, dahil napupunta tayo sa kung anuman eron sa tayo sa buhaydahi tayo mismo ang pumili nuon...para sa akin sana lang matutunan natin panindigan kung anuman ang ating piniling tahaking daan..("God, give us a choice to choose")
  8. Wag natin sanang kakalimutan kahit anu pa man anag mangyari ang pamilya pa rin nating pinagmulan ang hindi tayo iiwanan...
  9. Matutong tumanggap at magparaya kung kailangan, dahil mahirap mabuhay sa isang kahon lang..kailangan paminsan-minsan lumabas tayo sa ating pinaniniwalaan bakasakali may mas mainam tayong matuklasan.
  10. Huwag maging mapanghusga sa iba sa kung bakit nila yun nagawa..Pero di rin korin sinasabing sumasang-ayon lang ako ng basta-basta, mabuti ng malaman muna ang panig ng isat-isa....
  11. Lahat tayo may parte sa bawat pangyayari sa mundong ito, magmula sa sarili natin hanggang salahat ng mga taong nakakasalamuha natin araw-araw.
  12. Di natin maiiwasan magtanim ng galit sa mga nanakit pero kung uunahin natin ang galit walng sitwasyong maayos...
  13. Kung may biktima man sa ganitong kakomplikadong sitwasyon, silang mga musmos na walang muang.

Hindi ko pa alam kung san magwawakas ang sitwayong komplikado tulad niyan subukan nio nalang gumawa ng mainam na wakas nian pero kung ako tatanungin mas nais kong matapos at magwakas cia sa matiwasay na pamamaraan, di maaalis na may masaktan....

MGA NAIS KO LANG ITANONG MULA SA KOMPLIKADONG SITWASYON

  1. Kung kayo si Juan sa tingin nio san ka nagkamali?
  2. Ano ang gagawin niong hakbang?
  3. Kay Maria? kay Basyang? kay Romeo?
  4. Kung kayo si Maria sa tingin nio san ka nagkamali?
  5. Pano mo ihahanda ang sarili mo sa gagawin ni Juan?
  6. Sa magiging balak ni Juan kay Basyang at kay Maria?
  7. Kung kayo si Romeo sa tingin nio san ka nagkamali?
  8. Ano gagawin niong hakabang sa balak ni Juliet kapag nalaman mo?
  9. Anong balak mong gawin para kay Banong na iyong anak?
  10. At kay Maria na higit na minahal kesa kay Juliet?
  11. Kung ikaw si Juliet sa tingin nio san ka nagkamali?
  12. Pano gagawin mo kay Romeo? sa anak nito at kay Maria?

Sobrang Komplikado noh, may mga higit pang mas komplikado dito pero eto pang salasalabit na...ang lahat ay nagmua sa makabagong teki, marami tayo nian ngayon...aminin man at hindi kun malaki ang advantage ni teki sa atin malaki din ang dis advantage nito...kaya dapat hinay-hinay lang sa paraan ng paggamit...