BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Tuesday, February 23, 2010

SIRA-SIRA

Matatapos na ang Pebrero at dahil naghihingalo na itong aking blogsite, subukan ko pang i-revive hehehe...Isa ang buwang ito sa mga good moments of my life..yung pang personal na kwento wag na..hehehe,,kailangan ko kasing stealth eh..la lang for privacy. Si madir nagbirthday last Feb. 15, ciempre nagtext, tumawag naka-unli col kaya si cp ko at tenga ko hangga't di nag-iinit at na lobat di ako tinigilan..tanong ko what do you want na gift, sagot naman nia gift is good but i need cash. Haaay, ang nanay ko tlaga mapa-pasko, kaarawan o kahit ata anong okasyon eh, still mas type ang cash kesa gift. Pero ciempre, charotela din yun noh! kaya ayun humirit ciempre ng gift pero up to now di ko pa nabili kasi may usapan kami about that gift...sabi ko ako na magdadala pa LBC ko pa eh mahal ng bayad dun, Kuripot nga ako di ba??? (di naman masyado sakto lang, nagbubudget lang). At the age of 60 ayun kengkay pa rin pag kaming dalawa magkausap, emote-emote sa una pag nasermunan ko na yun na..tawanan na kaming dalawa. I can't imagine kung panong tatakbo ang buhay ko pag wala na cia, di man kasi kami magkasama sa araw-araw pero feeling ko isa cia sa mga paa ko, at aaminin kong isa cia sa maaaring ikahina ko at ikapilay pag nawala sa buhay namin..Palagi kong sinasabi sa kanya salamat, kasi sa lahat-laht na ata ng paghihirap nia mula pa nuon at hanggang ngayon eh, wala na akong masabi taas ang mga kamay ko sa pagiging matiyaga at maaruga mula pa sa aming apat at ngayon sa apo nia..at kung muli akong mabubuhay siya pa rin ang pipiliin kong maging nanay. Yun nga at dahil valentine din halos ang kanyang kaarawan eh wala man ako sa tabi nia nagbatian naman kami ng bonggang-bongga.


Ako naman, ayun inimbita ko ng mga frendz na mag-trek daw kami at zambales. Unang linggo palang ng buwan sinabihan na ko at dahil nga sa nag-esep-esep pa ko sasama ba o hindi, (mini my nimo ang drama ko) ayun napasama rin at the end...ang balak po talaga eh at 5am aakyat na kami so, lumarga kami from here in alabang at 12 midnight ng feb.13 kasi nga tema-temahan ng aming paglarga eh (Climb for the Love), since valentines day nga at ciempre wag na magtaka kung ang mga frend eh may kasamang partner hehehehe...Ako!!?? (secret walang clue) hehehehe...
Sa kasamaang palad ang subic ang isa sa mahigpit na dinaraanan papunta sa lugar at ayun po si driver po nahuli...(achuchu blah, blah)....Sa madali't salita nakarating kami 6am na, nag- breakfast, nag-prepare for the trek, nag-pray, nag- counting, then we're going na...At past 8am..
















so we expect na aabutin kami ng lunch sa taas ng summit...pero ciempre ang bitbit lang eh mainam pang-tawid ng gutom, kasi po yung mga mabibigat na gamit para sa pagkain etc, blah,blah...eh pinabangka na namin kay manong tony na ciang kontak namin, at alam na rin naman ni manong bernie na ciang katiwala sa island na darating ang grupo namin kaya well prepare na ang space for us, maari sana na magbangka na lang din kami papunta sa island pero yun nga lang sadyang trek ang aming trip. Susme, hiningal ako, hilahod sa pag-akyat at ciempre po ang init grabe, unang dahilan halos wala ng puno ang bundok na aming nadaanan dulot daw ni Mt. Pinatubo pa yun nung pumutok ang hinto at pahinga namin eh isang punong mabibilang mo ang dahon pero ciempre acknowledge pa rin ang puno na yun dahil dun kahit pano may konting lilim, pero halos madaraanan mo eh puro talahib na yung paakyat na ng bundok pero sa paanan may mga madaraanan kayong mga ilog na wala na ring tubig..Nakarating kami sa taas ng summit matapos ang halos 10 hintong pahinga ata o higit pa, makalipas ang halos 3 oras na mahigit...@ dun mawawala lahat ng pagod mo...





Ang sarap sa pakiramdam, ang sarap humiyaw, ang sarap damahin ng dampi ng hangin, ang sarap na nalagpasan mo yun hirap sa pag-akyat, ang motivation nga di ba?, pag narating mo ang tuktok nun mo rin malalaman na may saysay naman ang iyong pinagpaguran..Yah, right..tulad ng buhay kailangan mo munang dumaan sa maraming pagsubok ng buhay, huminto at magpahinga kung kinakailngan pero di yun nangangahulugan na sumusuko ka na sa pag-abot ng naisin mong marating..At last i survive...Now, here is the summit...at kailangan po naming bumaba naman muli para sa isang nagtatagong island sa kabila ng bundok na ito..The Anawangin Cove..



Isang lugar kung san may pine tree, may white sand, walng elektrisidad, walng signal para sa mga gadget, tahimik at tanging maririnig mo lang ay alon ng dagat, pag-ihip ng hangin...Masarap nakakapag pahinga ng maayos, nakakrelax ng isip at pagal sa sangdamakmak na trabaho, sa ingay ng ciudad.. mag bon fire sa gabi, magswimming sa takipsilim ng hapon, sa umaga...mag two piece ka, mag no piece ka kung carry mo wa kiber ng iba!...basta isa ciang lugar na ika nga nila'y (perfect for a lovers)...nyahahahaha...Just bring your own tent..mas okey may mga kubo pero mas maganda kung tent ang gamit nio, at ciempre isama na rin ang duyan...(para daw mas romantic) Charuuzzzz!!!
Sa pag uwi namin nag bangka na po kami it took 30 minutes bago marating ang pampang ng baryo ng Pundaquit kung san iniiwan ang mga service na sasakyan. Habang nakasakay sa bangka mapapahanga ka talaga sa taglay na ganda ng kalikasan....At dun marerealize lalo kung gaanong ang dami mong dapat talagang ipagpasalmat sa may likha...