BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Thursday, November 12, 2009

KAHAPON, NGAYON at BUKAS

Kahapon lang, magkasama pa tayo..
Magkahawak kamay habang naglalakad dun sa (oooppsss wag na yung lugar)
Nangarap ng sabay, nagsikap ng magkatuwang
Hinayaan natin tangayin ng hangin ang bawat natin naisin
Kasabay sa pagtangay nito ang pagsabay din natin...
Bawat hampas ng tubig sa dalampasigan ay kasabay ng ating pagpapagal
Upang sabay nating mapagtagumpayan ang malayong mithiing matagal nating inasam.
Kahapon ang naging daan upang ang sumunod na araw para sa atin ay walng kasing sayang tunay...

Ang ngayon ang pinakamasayang araw para sa atin.
Ngayon ko lubusang naunawaan ang tunay na bunga ng bawat nating pagpapagal.
Ngayon ko nadama na masayang makita ang bawat galaw nia,
Ngayon ang simula ng araw na sabay nating tatahakin ang landas para sa pagpapatuloy sa kinabukasan...

Bukas ang siyang magiging dahilan kung bakit ang ngayon ay atin patuloy na pinalalago.
Bukas ang dahilan kung bakit kahit anong mangyari, di natin kakalimutan ang kahapon.

Sapagkat dahil sa kahapon, kaya tayo narito ngayon at ang ngayon ang magiging dahilan ng ating bukas upang magpatuloy......

4 comments:

Lord CM said...

Inlove? wow!! :)

Oist!Pix mo para sa Isang Minutong SMILE :)

Alkapon said...

Naks naman, ang lalim...hirap sisirin, masyadong matalinghaga na pangungusap..

haayy! ang pag-ibig nga naman...he he he

A-Z-E-L said...

nararamdaman kong kahapon ay para kang balahibong lumulutang sa alapaap.

ngayon... para kang isang ibong malayang lumilipad.

at bukas... para kang si jollibee! naks! may ngiti sa labi!!!

gege said...

february na ba?
ahaha!
haist...
saya saya naman!!!!

:P