BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Sunday, April 19, 2009

Sa Puso ng Dagat


Bago ko simulan ito nakagawa na ko ng isang blog entry, na sa kasawiang palad ang swerte ko, akalaing niong di ko pala na-save...Hirap ko pa naman ginawa noon pero okey lang para rin naman kasing pinagtinghap ng pagkakataong na ang ibabahagi ko ay related din sa nangyari sa akin a while ago.



Bakasyon na naman,(Abril 2009) ang panahon din kung san mahal na araw or (Holy Week) sa banyagang salita. Ang unang sumasagi sa isip natin masarap magbakasyon, sa beach, sa falls, sa mga resorts @ ciempre pati na rin sa province.

Pagkakaton para makauwi tayo sa ating mga mahal na lugar kung san man tayo halos buong buhay eh hinubog ang pagkatao at pakikisalamuha sa buhay. Pero habang nasa sasakyan ako nun pauwi na ko sa aming province....(9 hrs from here in manila)....Naicip ko ano ba ang gagawin ko sa ilang araw na bakasyon ko? Mula sa 8oras sa buong araw, minsan sampu pa nga, at 6 na araw sa isang linggong pagtratrabaho...Unang sumagi sa isip ko ang dalawin ang beach sa lugar namin. Dati kasi iyon ang lugar na paborito ko, tahimik, nakakapag icip ng mahusay, at higit sa lahat sariwang hangin na nalalanghap ko @ nagpapaalalang ang buhay ko @ puso ay mahalaga.

Masarap lumangoy sa dagat, masarap sa
sa tubig. @ habang ako ay naliligo bigla napatingin ako sa malawak na karagatn sa
paligid ko, @ aking naisip ang lalim nia....hindi ko itatanong pa kung may hangganan ba cia? Pero di ko naiwasang sumagi pa rin sa aking pag iicip @ tuloy masagot ko ring sa dulo nia andun ang sanga sangang daloy ng tubig mula sa karagatang maringal. Pinagmasdan ko ang tubig malinaw, malinis, kaaya -aya, lalo pa @ ganitong umaga. Karagatang minsan tahimik, minsan naman kahalintulad cia ng taong maligalig. Sabi nga ng mga nagmamarunong daw" ayon sa aking isang kaibigan, kapag daw ang dagat ay tahimik @ malalim, mahirap din malirip kung anong dalang panganib. Na sa tao daw, kapag tahimik may tagong ugaling di mo agad masisilip,... "(Natural kaya nga tago eh)... Subalit, magkaganun pa man nanatili ciang mapagbigay sa biyayang kanyang laan.

@ mula sa tanong ko sa sasakyan nun pauwi, Isang tanong muli ang sa akin ay sumagi. Bakit ngayong bakasyon ang una nating naicip san tayo magpapalipas ng Holy Week? tayo nga ba? o baka ako lang yun...? Anyway, dahil ba sa dahilang pagod na tayo sa araw araw nating ginagawa sa pagtratrabaho? Na kailangan din naman para tayo ay mabuhay @ mabuhay ang kung cnuman na sa atin ay nakasandal @ nangangailangan. Nakakapgod daw ang buhay, paikot - ikot na problema, iba't ibang rason, kaso, kwento, at solusyon na din para sa mga ito.8 oras isang araw, 6 na araw isang linggo, sa iba ay sampu @ pito. Dun sa anim may isang araw pang laan para dumalaw man lang, magpasalamat @ magbigay...Pero araw yun ng paglalaba, ng pamamahinga, na may kasama pang gala sa mall, outing kung minsan, night life sa gabi, motorcycle riding etc...di ko sinasabi ito dahil di ako kasali, sabi ko nuon okey lang tutal marami naman kami hehehe, pano ba mga tropa troops, kita kits na lang ha, kaya nga ata naiibahagi ko dahil minsan di man lagi pero maging ako nagkakaganito....Pero pano pala kung yung tropa ko ngayon iba na pala anng tropa bukas, pano pala kung yung isang pniwala namin mag- kaiba na pala sa bukas...kung puede naman maging isang buo bakit hindi di ba?

@ habang ako nun ay nakatunghay sa karagatan naicip kong bigla ang dami nating daing sa buhay, halos wala nga ata sa ating kontento sa kung ano meron tayo...ewan ko lang ikaw ngayon na nagbabasa nito...? Tulad ng minsan isang ale na nakausap ko sabi nia nakakapagod na daw mabuhay pa, hindi na raw kasi cia nakatikim ng ginhawa. Minsan daw para ayaw na niang huminga para lang makalimutang hindi pa tapos ang problema. Totoo, cguro, baka nga, maari...na minsan nakakapgod ang buhay. Pero naicip ko that time, cia kaya napagod nun? Kung dagat kapag malalim @ tahimik @ walang imik na parang sa tao na sinansabi nila...."CIA" kaya umingay nuon habang nasa malalim rin na pagbata ng pasakit.? Kasing dalas din ba natin ciang dumaing..

Lahat tayo may kanya kanyang bagahe sa buhay. Isip man daw ang madalas na gumagana @ nagtratrabaho para sa atin puso namn natin ang imbakan ng lahat ng pangyayari sa ating buhay..Puso ang daan para tayo mabuhay. "CIA" ni minsan di ata dumaing, bumata man hirap @ pasakit habang naglalakad ng may pasang mabigat sa balikat @ dibdib, dagdag mo pang mapanlait @ hampas sa kanyang paligid...Hindi cia napagod...Sasabihin natin "sencia na po "TAO lng AKO", Cia ba hindi naging tao, cia ba naramdaman din lahat ng naramdaman ko? Dinanas din kaya nia ang lahat ng pagod ko?...Di ba't parang mas mabuti kung tanggalin ko ang salitang "lang" @ ang sabihin ko eh, TAO AKO...handang magbata ng hirap, madapa, mapagod @ masaktan kung yun ang magiging daan para sa king paglago @ pagkatuto, kung yun ang maaaring dahilan para masabi kong NAWa, hindi ako isa sa mga naghatid sa kanya patungo sa taas ng bundok ng sakripisyo...@ sa huli nuon ko na realize sa sarili kong wala talagang dahilan para mapagod ang puso.....

Katulad ng una kong ginawa @ di ko agad naisalba ang pahina...eto @ muli akong nakabuo
dahil na rin sa hindi ako sumuko @ di pa rin napagod na maibahagi ko sa inyo ang munting laman ng aking puso...@ least sabi ko nga sa sarili ko, nagakaron din ng saysay ang bakasyong sa una'y pinag alinlangan ko...Bawat pag alon ng dagat masarap sabayan, tulad nia walang pusong dapat ay mapagod gaano man kalalim ang pagbata sa masalimuot nating buhay..



Nawa bukas tayo pa rin ang tropa., @ magkikita, upang sabay natin masdan ang bagong bukang liwayway na biyaya ng buhay sa ibabaw ng malagintong kulay ng karagatan....MALIGAYANG PAGBABAKASYON SA INYO AKING MGA KAIBIGANG BADIK..

0 comments: