BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Sunday, May 10, 2009

Ikaw ang Lahat sa Akin



Araw mo po ngayon, alam ko po sa inaraw-araw ng buhay ko nandiyan ka palagi mula pa nuon hanggang ngayon, sanay ka na sa akin we're being closed not just being mother-daughter pero higit sa lahat mag best friend tayo, magkapatid, magkatropa....At di ako palaging magsasawa sa iyong sabihin na salamat dahil kaw yung binigay nia sa akin para maging ina ko, salamat sa pagmamahal mo, salamat sa lahat-lahat at NEVER ko din pag-sasawaang sabihin sa iyo na mahal na mahal kita..kahit na ba halos araw-araw mo yang nababasa sa txt ko, naririnig sa tawag ko alam ko po walang kasing wagas na pagmamahal at pag ibig ang meron ka para sa akin.

Taon-taon kong binabalikan kung pano mo kami naitaguyod sa lahat ng mga
pangangailangan namin. Imagine we're 4 pero good thing is eto kami malalaki
na matatanda na rin, lumaki ako sa probincia pero di ka marunong magbukid
dati pa nga di kami marunong kumain ng gulay, lalo na kapg mga talbos-talbos,
pero ciempre napagaralan din, I was 5 years old then nun malipat tayo sa prov.
naalala ko pa nun ayoko dun kasi walng koryente, gasera lang, taz tahimik para
bang any moment gusto kong umiyak, gusto kong magalit dahil ang layo nun buhay
natin dati sa buhay natin that time...Perodahil sa nakita kong mong tiyaga at pag
pupursige sa buhay natahimik din ako,di kona po uungkatin pang muli kung bakit
kelangan natin mapadpad sa lugar na yun, kasi alam ko na ang sagot at dahilan.






Those years of my life nandun ka palagi, hanggang sa murang edad ko natuto na rin
akong tumayo sa sarili kong mga paa cno ba magaakalang nuon kakayaninko paa
ang makitinda ng kakanin at gulay, pati ice candy kinareer ko na nun bago pumasok
ng skul at ciempre pag recess..., naalala ko pa nga nun yung 25 cents malaki ko ng kita
yun para ipambaon ko sa next day kung umabot ng piso may pambili na ko ng papel
at iba pang gamit, sa madali't salita nuon pa alam ko hindi na ko naging pabigat sa iyo,
alam ko din hindi mo ko pinabayaan kundi tinuruan mo lang ako kung pano maging
matatag, matibay, tumayo sa sarili at maging responsable sa buhay. Nadala ko yun mula
grade2 hanggang sa mag-college ako...






Minsan ng makita kitang umiiyak, pero di mo na naitago pa kahit alam kong pilit mong
ikinukubli. Tinanong kita sa unang pagkakataon, ano po ang problema.? Di ko na napi
gilan umiyak na rin ako, umamin kang may problema, at alam ko cia na namn ang cmula
ng problema dahil bago ang araw na mkita kitang may luha sa mga mata naramdaman
ko nang may nangyari sa loob ng bahay at sa paligid ko..Cguro nga tahimik ako, cguro
nga wala kayong naging sakit ng ulo sa akin mula nuon maliit pa ko ayon na rin sa sabi mo.
Pero tahimik man ako nagoobserba lang po naman ako, di man ako nagsasalita pero
alam ko pong nakita nio yun sa mga gawa ko..Hanggang sa binuhos mong lahat sa akin,
ang alam kong matagal mo ng kinikimkim, lahat, halos lahat, nakinig lang ako sa iyo at
siniguro kong lahat ay mailalabas mo nagawa ko yun, NAY.... Alam ko po yun na yung
pinakakaantay mo ang magkaron ng karamay, massandalan, at higit sa lahat gusto kong
madama mo nung mga oras na yun kung gano kita kamahal.Yun man ang araw ng kabanatang
cia ay umalis sa atin pero di ko makakalimutan na iyon yung araw na mas lumalim ang
ating bonding sa isat-isa nasa hanggang ngayon hindi alam ng mga kuya ko kung bakit?
Ang hindi nila alam eh ako ang pumapel sa dapat ay sila dahil wala din sila nun sa ating
bahay at maagang nakaipagsapalaran dito sa maynila para mabuhay....





Cguro po kung isa-isahin kong lahat ng pinagdaanan ko kulang sa hirap ng pinagdaanan
mo...Ikaw yung taong di susuko hanggat kaya basta para sa mga anak.., Sabi nila mga
nakakilala sa atin paborito mo daw ako, tulad ng di lang miminsang pinanaghilian ng
kapatid kong bunso..Pero alam ko naman po sa Puso mo di uso ang Paborito
ngkataon lang cguro na mas lumamang na mas nagmana ko ng paguugali
sa iyo. Talagang pinili kong magiging matatag din at siguraduhing lahat
pagsubok sa buhay ko ay mapagtatagumpayan ko..Pero di ko
kaylanman makakalimutan na ang dahilan ay IKAW..






Ako man ang halos tumayong panganay ng pamilya natin, ikalulugod ko po

iyon, Nay..Dahil sa lahat ng yun kaya ako matatag ngayon

kaya nga tropa tayo ngayon at madir ha ako nanenermon sa iyo ngayon.hahaha

Pero alam ko po kahit matagal nakong nagsarili sa buhay nandiyan ka pa rin lagi..

Nakabantay, nakatunghay, nakaagapay, nakaalalay, ng buong puso at

walang kondisyong pagmamahal.....at ang mga kapatid kong pasaway alam nio

din po ang ako minsan nagagalit kunwari pero wag ka isang tawag lang nila sa

akin nagkukumahog na ko sa pag-aalala, ciempre tulad mo...

Basta we're the best friend, best buddy, and of course best duet singer hehehe..

Nanay ko talaga, ma-emote pero walang katulad san panig man ako ng mundo mapunta.





I love you always until the last breath of my life., dahil IKAW ANG LAHAT SA AKIN....








0 comments: