
Monday, August 24, 2009
BUTI PA ANG ANSEL_MO, EH AKO?

Posted by SEAQUEST at 9:02 PM 12 comments
Friday, August 21, 2009
ISANG PASASALAMAT
Nuong pasukin ko ang mundo ng blog sa totoo lang dahil sa isang lumang tao ng buhay ko at kaibigan ko sa ngayon, sa una blog lang nia ang bianabasa kohanggang sa subukan kong pag-aralan at pasukin ang sinasabing blogsperyo, sa uuna tuwang-tuwa akong magbasa sa lahat ng mga blog na nababasa ko at nakita kong may mga komentaryong bahagi sa ibaba duon naglalabas ako ng mga opinyon sabawat isinusulat nila at aaminin kong sa bawat binabasa ko ang hinahanap ko ay kung anong aral ang mapupulot at di lang basta basa lang ang aking pakay, bukod din eh makapagbahagi ng aking mga opinyon sa bawat kong binabsa...At dahil sa inyong lahat, natutuwa ako dahil natutunan ko rin kahit di naman po talaga ako kagalingan sa pagsulat at pagtipa ng mga katagang pang lathala dito sa mundo ng blogsperyo eh sumubok pa rin ako at makalipas ang apat na buwan, ni sa hinagap di ko po inaakala na mabibigyan ako at mapapansin ito ng Ka-blogs...sa kanila marami pong salamat...Pagpapatuloy ko ang suporta at nawa'y makatulong din ako balang araw sa mga nangangailangan pa...Thanks for this award....Godbless..
Posted by SEAQUEST at 8:03 PM 12 comments
Monday, August 17, 2009
MAGPANGGAP O MAGPAKAPRAKTIKAL?
Mga ilang linggo na rin po akong nawala sa sirkulasyon ng blogsperyo marahil sa busy po at marami po akong gawa ng mga nagdaang mga araw na iyon at ngayon araw na ito ay nagkaroon akong muli ng pagkakataon sa pagsulat...
Pansin ko lang kasi sa mga nakakahalubilo pag nag-kwekwentuhan sila tungkol sa mga ilang bagay tulad ng mga ito at naisip ko lang maari naman siguro na ganito na lang di ba?
1. Kung ayaw sa iyo ng mahal mo wag mong ipagpilitan ang sarili mo, dahil di ka rin namn nia pinilt na pakamahalin mo cia..Ikaw ang may gusto kaya wag kang magreklamo kung nasasaktan ka nia ng di nia nalalaman lalo at di ka naman talga nia mahal.
2. Wag mong pakiaalaman ang bagay na hindi mo naman dapat pakiaalaman lalo pa at wala naman kapahintulutan ito sa mga taong nais pakiaalaman. Buhay nila yun hindi sa iyo.
3. Kung may gusto kang gawin at di mo alam lalo na sa trabaho, magtanong ka sa may alam mainam na yung nagtatanong kesa sa nag-aalam-alaman lalo lang maraming nadadamay.
4. Kung alin lang kaya yun lang gawin at pagkasyahin dahil mahirap ipilit ang wala at di puede, o di maari.
5. Wag kang magpretend na alam mo ang isang bagay kung di naman kasi the more na nagmamagaling ka lalo lang lumalabas na ignorante ka sa harap nila.
6. Ngumiti ka naman kahit paminsan-minsan, siguraduhin mo lang na may nginingitian baka kasi mag-isa ka lang mapagkamalan ka pang kulang-kulang.
7. Ang pagkalungkot, pagsaya, pagluha at pagtawa ay mga parte ng ating buhay wag mong ikahiya kung ano man ang iyong nararamdaman, mas masama kasi pag wala ka ng pangdama o pakiramdam.
8. Di masamang maging mahilig sa gwapo wag lang barumbadong gwapo, bugbugero at walang trabaho dahil di ka mabubuhay ng panlabas na anyo lang ng isang tao.
9. Kung di ka naman simpatiko wag ka na lang magpaka-antipatiko.
10. Di bale raw na walang permanenteng trabaho basta ba sangkaterba ang raket mo, sa abilidad minsan daig mo pa ang pumapasok sa opisina araw-araw, basta siguraduhin lang legal ang raket na yan.
11. Kayod ng kayod wala namang ipon, ipon ng ipon wala namang pinaglalaanan.
12. Kung may nagsabi sa iyo na ang ganda/gwapo mo, magpasalamat ka nalang wag ng makunwari na dedma pero ang totoo eh pumapalakpak naman ang tenga mo.
13. Kung inalok kang kumain sa bahay na iyong pinuntahan dumulog sa hapag kainan kung gutom ka man wag mong sabihing okey lang pero ang totoo eh kumakalam na ang tiyan, sino niloko mo sarili mo?(Basta magtira lang para sa may-ari ng bahay)
14. Kung iibig sa taong alam mong may nagmamay-ari na, wag kalimutang nakikiamot ka lang sa lahat ng meron cia, kasi baka isipin mong sa iyo na cia eh maloka/maloko ka.
15. Kung magdadamit man ng seksi siguraduhin kaya niong panindigan ang sagwa kasi na kung kelan ka nasa sasakyan panay naman ang batak mo sa mga laylayan.
16. Kapag ikaw ay nangutang, dapat lang na alam mong obligasyon mong magbayad, kung wala ka man balak ng bayaran sa simula palang sabihin mong pahingi na lang.
17. Wag mong ikahiya kung anu ka pa man dahil lahat ng nilalang may kanya-kanyang dahilan at karakter dito sa mundong ibabaw.
18. Ang pagnanakaw di lang sa materyal na bagay kahit sa oras nangyayari yan, tulad nila naka-time in pero nagchachat hehehe,(ooopppps, tabi-tabi po...) Akala mo lang di alam ng Boss mo yan yun pala gawain din nia yan dati.
19. Being a Leader is not just being a Boss, Being a Boss is being a good leader. Kaya kung gusto mong maging Boss manguna ka na, on-line ka na, tingnan mo sila lahat bz sa cubicle nila...
20. Anumang mga bagay na napasama sa lista eh di po intensyong magpatama mga bagay-bagay na nakita ko lang at totoo na nangyayari naman....(ATA!)
Posted by SEAQUEST at 3:28 PM 8 comments
Wednesday, August 5, 2009
MAGKAKAIBA MAY NAGKAKAISA
....if we cannot end now our differences, at least we can help make the world safe for diversity..
The first duty of a wise advocate is to convince his opponents that he understands their arguments, and sympathizes with their just feelings. We have no eternal allies, and we have no perpetual enemies. Our interests are eternal and perpetual, and those interests it is our duty to follow.
Posted by SEAQUEST at 7:47 PM 3 comments
Labels: magkaiba pero iisa
Saturday, August 1, 2009
TISSUE & WATER
Wala akong hilig na manuod sa you tube pero wala ako magawa ngayon maaga pa eh, nanuod me at natuwa ako sa 2 ito, panuorin nio....
PASUYO: PAkipatay na lang po muna yung tugtog ko sa bandang kanan...Salamat
Posted by SEAQUEST at 10:08 AM 10 comments
Labels: back up singer, tsikiting roller blade