BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Monday, August 24, 2009

BUTI PA ANG ANSEL_MO, EH AKO?



Buti pa ang cel mo lagi mong katabi,
pero ako hindi.

Buti pa ang cel mo pag may mensahe agad mong binabasa,
pero ako madalang mong basahin.

Buti pa ang cel mo kapag naiwan alam mo kung san mo nilagay,
pero ako hindi mo matandaan kung san mo naiwanan.

Buti pa ang cel mo bawat mensahe pinahahalagahan,
pero ako kaya gano kahalaga sa iyo.

Buti pa ang cel mo lagi mong pinapalitan ng casing, ng keypad, ng lalagyan,
pero ako kahit cover ng pabalat hindi mo man mapalitan.

Buti pa ang cel mo laging up-dated,
pero ako di mo man lang masilip sa araw-araw.

Buti pa ang cel mo di mo kayang nabuhay ng wala,
pero ako kaya kahit wala okey lang.

Buti pa ang cel mo lagi mong nahahawakan,
pero ako madalang.

Buti pa ang cel mo kabisado mo na ang bawat nilalaman,
pero ako kahit unang pahina ata di momatandaan.

Buti pa ang cel mo lagi puno ang memory,
pero ako di mo man lang mapunuan.

Buti pa ang cel mo lagi mong sinisilip,
pero ako kahit agaw tingin di mo magawa.

Buti pa ang cel mo mas komportable mong kasama, pero ako hindi.

Buti pa talaga ang cel mo mas maraming nagagawa at napapaligaya ka ata,
pero ako kaya napapasaya ba kita?

Buti ang cel mo nauunawaan mo ang bawat tunog,
pero bakit ako di mo maintindihan ang bawat nialalaman ko.

Buti pa ang cel mo lagi mong bitbit,
ako eto laging naiiwan sa isang tabi.
Buti pa ang cel ng magkaron sumikat,
pero ako matagal ng meron pero eto di masyadong pinapansin...
Cel mo pa lang yan, pano pa yung computer mo, yung lap top mo, yung psp mo, yung ps2, ps3,
at ngayon may bago ka pa....
Buti pa yung i-phone mo pinagipunan at inukulan mo ng panahong mapasa iyo,
sana isang araw dumating yung oras na maging katulad ako ng sel_mo...

Buti pa ang Ansel_mo...

THE HOLY BIBLE





Ang sulat patula na ito ay binahagi ng isa sa mga aktibong komunidad pangsimbahan, matagal ko na ciang narinig 5110 pa lang ata yung uso nun, binasa cia ng isa sa mga representative of the said community after the mass na dinaluhan ko..Yung iba di ko na matandaan, at yung iba jan edit ko na din lang, but one thing i'm sure, marami ang tinamaan at nagnilay-nilay that time..Even me, i admit na totoo minsan makikita nating yung mga bagay na dis-advantage ng makabagong teknolohiya, sana lang kahit ano pa mang bagay ang lumabas na makabago, nawa'y di natin makalimutang ang isang bagay at pinakaimportante sa ating buhay...




12 comments:

ACRYLIQUE said...

Mabuti pa ng si Anselmo. :(


********************************

I am just super depress. :(

=supergulaman= said...

buti pa ang selfon...haayyys... ;)

2ngaw said...

Minsan ko nang sinabi yan, pero sinarili ko na lang...

pamatayhomesick said...

pati ang compu lagi mong tinitignan,hinahanap at binabalik balikan!

hector said...

comic ang dating.

pero totoo.

sana maliwanagan tayo na importante ring basahin ang salita ng Diyos.

ROM CALPITO said...

hi ate seaquest
kaya ayaw kong humawak ng cel
para sa kanya lang ang atensyon ko

ferrylicious said...

ay how sad..ang teknolohiya nga naman..nakakapagpabago ng tao.. :(

Dhianz said...

sad but true... we waste so much times doin' a lot of those other things... pero kahit few seconds lang na mabasa kahit isang verse lang nang love letter Nyah sa aten eh di naten minsan magawa...

Godbless! -di

gege said...

tama!

kaya hindi ako madalas magload, naiisip ko lang na kung hindi ako magttxt, sayang naman.
dati guilty ako dito!
pero hindi na ngayun...
maraming MAS WORTH the TIME and ATTENTION.

pero buti pa nga ang selfon...
haist.

:(

The Pope said...

Nakakalungkot tanggapin ang katotohanan, mas mahaba ang panahon na ginugugol ng nakararami sa mga materyal na bagay tulad ng selpon, computer, gaming console, at mga home theaters kaysa sa mga bagay na magbibigay kabanalan sa ating kaluluwa.

Nawa'y makapagbahagi tayo ng sapat na panahon para makapagpasalamat sa bawa't biyayang natatanggap natin sa Panginoon.

God bless you and your family.

Goryo said...

madalas nga sabihin ng mga totoong Kristyiano:

Kung wala kang Bibliya, ibenta mo ang bahay mo para makabili ka...

Patunay lamang na ganun kahalaga ang Salita ng Diyos..

nice post

Louie said...

nice post dapat maraming tao ang makaramdam nito