BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Thursday, September 17, 2009

TADHANA

Minahal kita sa paraang alam ko, hindi mo ko pinilit walang nag-utos sa akin.
Minahal kita dahil iyon ang naramdaman ko, walang pasubali, walang pag-aagam-agam.
Tulad ko ganun din ang ginawa mo, alam ko, naramdaman ko.


Pero makalipas ang ilang taon, asan na yung pagmamahal mo?
Asan ka na? Bakit bigla kang nawala, naglaho na lang bigla na parang bula?
Inasam kong nanduon ka sa tabi sa araw ng pagtatapos ko.
Ninais kong ikaw ang bahaginan ko sa pagkakaroon ko ng unang trabaho ng di na nag-aaral.


Ang dami kong pangarap na binuo na ikaw ang kasama ko.
Kasing dami ng pangrap ko't at dalangin na sana sa muli nating pagtatagpo
ay naruruon ka pa rin upang muli kong makapiling.


Bawat araw na dumaan sa buhay ko na di kita kapiling,
na wala akong alam sa kung ano na ang nangyayari sa iyo.
Pinanghawakan ko pa rin ang pagmamahal ko para sa iyo.
Alam ko balang araw muli tayong pagtatagpuin ng tadhana.


Tadhana nga ba ang may gawa o tayo lang ang nagkulang?
Tadhana nga ba ang nagtatakda o di ba at nasa atin ang pag-dedesisyon at pagpili?
Tadhana nga ba ang may alam o maaari naman nating malaman
kung gumawa lang tayo nuon ng paraan?
Sadyang sa tadhana ko nga lang ba inilaan o kahit ako'y wala rin naman ginawa?


Sino nga ba si Tadhana kung bakit sa twina'y cia ang nasisisi kapag
ang dalawang puso'y pinagtagpo at pinagwalay din naman?
Ano nga ba ang papel ni Tadhana sa naging buhay natin?


Sa mahabang panahong ginugol ko para mahalin ka, kahit di man kita nakikita.
Wala akong pinagsisihan, wala akong pinanghihinayangan.
Bagkus, pinagpapasalamat ko pa nga iyon dahil sa pag-aaruga ko
sa nilaan kong pagamahal sa iyo, di ko natutunan magmahal agad ng iba.
At naabot ko ang pangarap ko di man isang daang porsiyento,
pasalamat na din akong naging maayos ang buhay ko.



Mananatili kang espesyal sa aking puso, kaylanman.
At sakaling muli tayong pagtagpu-in ni Tadhana,
kung cia man nga ang may gawa, ipagpapasalamat kong nuon ay minahal mo ako.


Masarap magmahal kahit may pagluha, may galak,
may lungkot, kaylanman ay di ko kalilimutan ang magmahal.
Minahal kita nuon sa paraang ako ang namili, at gayun ka din naman.

7 comments:

Life Moto said...

i just bhing's article the other day, well almost you have the same feeling these day.

Pasalamat tayo at marunong tayong magmahal. sabi nga mas mabuti pa ung nagmahal ka at ito'y nawala. kung sya mean for you he will come back again another day.

One best thing u can do. Ask for a sign from big Bro and move one.

pamatayhomesick said...

hmmmm! teka, pansamantagal mo munang kalimutan...

may punto si life moto sa kanyang comment.:)

Mike Avenue said...

Inilalagay natin ang papuri sa TADHANA kung matagpuan na natin ang taong sa palagay natin ay magiging kabiyak ng ating puso at diwa. Gaya din namang ikinakabit natin sa TADHANA ang sisi kapag ang taong ito ang siyang naging dahilan ng pagkawasak ng ating buong pag-ibig. Maaaring tunay ngang nangyayari ngunit pakaisiping mabuti na ang TADHANA'y hindi kikilos kung hindi natin pakikilusin, nasa ating mga kamay ang katuparan ng mga pangyayari.

Kung "naiwala" man ng TADHANA ang sinasabing pag-big, hindi pa katapusan ng mundo. May iba pang TADHANAng nakaukit sa palad, kailangan lamang ang tamang pagkakilala.

A-Z-3-L said...

para sa tatay mo? (sana tama ako)

wow! mabigat to sobra...

pero always have a heart for yor dad. kahit wala sya sa tabi mo... kahit hindi na nya nasubaybayan ang buhay mo... and forgive... kahit nasaktan ka ng sobra sa paglayo nya.

hindi mapapalitan ang isang ama sa puso ng anak nya! kaya naniniwala akong you just wanted a moment with him... dahil miss mo na! (again, sana tama ako)

Superjaid said...

Tama si life moto, its better to love and lost than to never love at all..Ü kaya mo yan sis, cheer up!Ü

ROM CALPITO said...

nice post seaquest

kung ano ang natangap mo or kung ano ang dumating sa buhay yon ang itinadhana sa iyo.

dumarating sa buhay natin ang isang bagay na kahit hindi mo gawin
kusang darating nang hindi mo namamalayan dahil siya ang itinakda para sa iyo.

hindi tayo ang gumagawa kundi yung nasa itaas. nakaplano ang lahat.

SEAQUEST said...

@ Life Moto
Thanks for the inspiring comment.

@Ever
Actually kuya napansamantagal ko na din ciang nakalimutan..thanks

@Kuya Mike
Salamat sapagbisita mo at komento yah, sinabi mo pa nakita ko na yata eh hhehehe...

@AZEL
natuwa ako sa hula mga 50% tama ka, pero di lang para sa knya may isang tao pa kong naiisip while typing this post..anyway salamat

@superjaid
thank you

@ Kuya Jet
Oo nga eh kaso nagtagpo kami di na puede, pero maaari kung pagpupuedihin ko waaahhhh, wag nalang hehehe...thanks