BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Monday, September 28, 2009

LANGOY


Sa tanang buhay ko di ko naransan sa probinsya namin ang ganitong sitwasyon. Kuha ko ang larawan sa labas ng bahay namin ganyan tubig sa bakuran namin na tinitirahan ko dito sa ciudad ng maynila ang kotse kong ginagamit na karag karag na nga eh, yan pa ang nangyari gusto kong maiyak pero naisip ko pasalamat pa rin ako dahil pag tumayo ka sa bahang yan mga lampas tuhod lang at sa loob ng mismong bahay namin (sencia na di ko nakunan dahil lowbat na digicam ko nawalan naman ng koryente kaya di ko nakuhanan ang loob mismo ng bahay namin at ang motor kong sa unang pagkakataon nakapasok hanggang sa kwarto hehehe)..

Pero ng makita ko ang mga bahay malapit sa amin sa may tawid ilog na bubong na lang bahay ang kita gusto ko man maiyak pinigilan ko na lang, sabi ko mawala lang ang tubig at tutulong talaga ako, at yung sa may likod ng yerong bakod na yan may mga bahay pa pero wala na din, yung iba pinatuloy ko dito sa haus namin, nakakalungkot man pero mas inuna ko ng tumulong at matapos halos ang 2 oras humupa din naman ang bahang yan bandang alas 5 ng hapon nalinis namin ang bahay loob lang pero sa bakuran until now maputik pa po, kasi i was been busy to help at the church sa mga nandun pa nakituloy at nagevacuate.

Nuon ko narealized kahit pano mapalad pa din ako kasi kahit pano ang tubig na pumasok sa loob ng bahay namin ay hanggang binti lang samantalang ang mga taong sadyang malubhang naapektuhan ay labis-labis na nahirapan, please include them on your prayers, na sanay maging matatag pa at ptuloy na magtiwala sa Maykapal....

7 comments:

pamatayhomesick said...

atleast ligtas ikaw at iyong pamilya. pasalamat pa rin tayo.

A-Z-3-L said...

good to hear you're ok, safe and well. and thanks for reaching out and for helping other people.

we need each other more this time. walang tutulong sa pilipino kundi kapwa pilipino.

May God Bless you.

and yes, we're praying here in Dubai.

PABLONG PABLING said...

mapalad pa rin tayo at dapat mag pasalamat kay Papa Jesus dahil hindi natin dinaranas ang pinag dadaanan ng ibang tao.

buti at ganyan lang ang nangyari sa tsekot mo. :)

ROM CALPITO said...

huwag magsawang tumulong ate seaquest ang nasa itaas ang magreregalo sa iyo. bait mo nman
sana makarekober kyo agad jan
god bless sa inyo jan ate seaquest.

The Pope said...

Panalangin ang handog namin sa mga naging biktima ng bagyong Ondoy, nawa'y magwakas na ang kanilang paghihirap at may bagong pagasang naghihintay sa kanila.

Mabuti na lang at lagpas tuhod lang ang inabot ng tubig sa inyo, at ang mahalaga ay ligtas kayo sa kapahamakan.

A blessed holy week for you and your family.

Goryo said...

SAlamat at ligtas ka kahit dko nabibisita ang tabayan mo the past days..

zencya na sobrang naging hectic ang schedule ng lolo Goryo.. tumakbo, lumangoy, nagpa-spah, nagtanggal ng tinga, etzetera etzetera.. salamat at di kayo nagsawang dumalaw at bumisita sa aking mumunting tambayan.

diko maipapangako na hindi ako magiging busy sa mga darating na araw subalit pipilitin kong bumisita sa mga tambayan once in a while..

mabuhay kayo!!! =)

wait said...

yeah prayers, is the best thing we could do.