BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Monday, August 17, 2009

MAGPANGGAP O MAGPAKAPRAKTIKAL?

Mga ilang linggo na rin po akong nawala sa sirkulasyon ng blogsperyo marahil sa busy po at marami po akong gawa ng mga nagdaang mga araw na iyon at ngayon araw na ito ay nagkaroon akong muli ng pagkakataon sa pagsulat...

Pansin ko lang kasi sa mga nakakahalubilo pag nag-kwekwentuhan sila tungkol sa mga ilang bagay tulad ng mga ito at naisip ko lang maari naman siguro na ganito na lang di ba?

1. Kung ayaw sa iyo ng mahal mo wag mong ipagpilitan ang sarili mo, dahil di ka rin namn nia pinilt na pakamahalin mo cia..Ikaw ang may gusto kaya wag kang magreklamo kung nasasaktan ka nia ng di nia nalalaman lalo at di ka naman talga nia mahal.

2. Wag mong pakiaalaman ang bagay na hindi mo naman dapat pakiaalaman lalo pa at wala naman kapahintulutan ito sa mga taong nais pakiaalaman. Buhay nila yun hindi sa iyo.

3. Kung may gusto kang gawin at di mo alam lalo na sa trabaho, magtanong ka sa may alam mainam na yung nagtatanong kesa sa nag-aalam-alaman lalo lang maraming nadadamay.

4. Kung alin lang kaya yun lang gawin at pagkasyahin dahil mahirap ipilit ang wala at di puede, o di maari.

5. Wag kang magpretend na alam mo ang isang bagay kung di naman kasi the more na nagmamagaling ka lalo lang lumalabas na ignorante ka sa harap nila.

6. Ngumiti ka naman kahit paminsan-minsan, siguraduhin mo lang na may nginingitian baka kasi mag-isa ka lang mapagkamalan ka pang kulang-kulang.

7. Ang pagkalungkot, pagsaya, pagluha at pagtawa ay mga parte ng ating buhay wag mong ikahiya kung ano man ang iyong nararamdaman, mas masama kasi pag wala ka ng pangdama o pakiramdam.

8. Di masamang maging mahilig sa gwapo wag lang barumbadong gwapo, bugbugero at walang trabaho dahil di ka mabubuhay ng panlabas na anyo lang ng isang tao.

9. Kung di ka naman simpatiko wag ka na lang magpaka-antipatiko.

10. Di bale raw na walang permanenteng trabaho basta ba sangkaterba ang raket mo, sa abilidad minsan daig mo pa ang pumapasok sa opisina araw-araw, basta siguraduhin lang legal ang raket na yan.

11. Kayod ng kayod wala namang ipon, ipon ng ipon wala namang pinaglalaanan.

12. Kung may nagsabi sa iyo na ang ganda/gwapo mo, magpasalamat ka nalang wag ng makunwari na dedma pero ang totoo eh pumapalakpak naman ang tenga mo.

13. Kung inalok kang kumain sa bahay na iyong pinuntahan dumulog sa hapag kainan kung gutom ka man wag mong sabihing okey lang pero ang totoo eh kumakalam na ang tiyan, sino niloko mo sarili mo?(Basta magtira lang para sa may-ari ng bahay)

14. Kung iibig sa taong alam mong may nagmamay-ari na, wag kalimutang nakikiamot ka lang sa lahat ng meron cia, kasi baka isipin mong sa iyo na cia eh maloka/maloko ka.

15. Kung magdadamit man ng seksi siguraduhin kaya niong panindigan ang sagwa kasi na kung kelan ka nasa sasakyan panay naman ang batak mo sa mga laylayan.

16. Kapag ikaw ay nangutang, dapat lang na alam mong obligasyon mong magbayad, kung wala ka man balak ng bayaran sa simula palang sabihin mong pahingi na lang.

17. Wag mong ikahiya kung anu ka pa man dahil lahat ng nilalang may kanya-kanyang dahilan at karakter dito sa mundong ibabaw.

18. Ang pagnanakaw di lang sa materyal na bagay kahit sa oras nangyayari yan, tulad nila naka-time in pero nagchachat hehehe,(ooopppps, tabi-tabi po...) Akala mo lang di alam ng Boss mo yan yun pala gawain din nia yan dati.

19. Being a Leader is not just being a Boss, Being a Boss is being a good leader. Kaya kung gusto mong maging Boss manguna ka na, on-line ka na, tingnan mo sila lahat bz sa cubicle nila...

20. Anumang mga bagay na napasama sa lista eh di po intensyong magpatama mga bagay-bagay na nakita ko lang at totoo na nangyayari naman....(ATA!)

8 comments:

A-Z-E-L said...

11. Kayod ng kayod wala namang ipon, ipon ng ipon wala namang pinaglalaanan.

sapul! hehehehe!

congrats pala sa award ng "BADIK" from Kablogs...

punta ka sa site ni LordCM... andun ang lists ng winners! sana magustuhan mo ung badge... ;)

SuperGulaman said...

ahehehe...ayuz ang kukulet... ;)

16. Kapag ikaw ay nangutang, dapat lang na alam mong obligasyon mong magbayad, kung wala ka man balak ng bayaran sa simula palang sabihin mong pahingi na lang.

pero kung ako yan...
inutangan ka na nga...gusto mo bayaran pa kita...aba aba! umaabuso ka na!...

aheheheh... :D

chikletz said...

14. Kung iibig sa taong alam mong may nagmamay-ari na, wag kalimutang nakikiamot ka lang sa lahat ng meron cia, kasi baka isipin mong sa iyo na cia eh maloka/maloko ka.

hayyy..minsan na kong nagkamali. di ako nakaiwas dito ah. haha!

13. Kung inalok kang kumain sa bahay na iyong pinuntahan dumulog sa hapag kainan kung gutom ka man wag mong sabihing okey lang pero ang totoo eh kumakalam na ang tiyan, sino niloko mo sarili mo?(Basta magtira lang para sa may-ari ng bahay)

dito naman natawa ako. bakit ka nga naman tatanggi kung gutom na gutom ka na.. haha!

gege said...

1. Kung ayaw sa iyo ng mahal mo wag mong ipagpilitan ang sarili mo, dahil di ka rin namn nia pinilt na pakamahalin mo cia..Ikaw ang may gusto kaya wag kang magreklamo kung nasasaktan ka nia ng di nia nalalaman lalo at di ka naman talga nia mahal.

dugz!!!!

:))

Everlito (ever) Villacruz said...

"Wag kang magpretend na alam mo ang isang bagay kung di naman kasi the more na nagmamagaling ka lalo lang lumalabas na ignorante ka sa harap nila."

ok toh..aproved ako dito..he he he

SEAQUEST said...

Salamat sa lahat ng dumaan at nagkomento sa iyo naman ...

ARVIN;
Wag ka rin magagalit ha pero puede ba wag mo ditong idaan sa blog ko yang mga hinaing mo sa buhay na ewan ko kung gawa-gawa mo lang kung may nasabi man sa iyo na di mo matanggap ang ibang tao ang pagsasalita ng di magaganda sa taong yun ay di rin mainam...bakit? pansin ko lang di mo ata matanngap pag may mga komentaryo kang di maganda, dapat siguro you should learn first to accept those comments and opinions are just their opinion pero ang magkomentaryo ka ng sobra pati ang pamilya dinadamay mo kahit ako ang gawan mo at pagsabihan nia, kahit tigre ka pang nakakulong jan sa kweba mo baka mauna pa kong sumila kesa sa iyo...di lahat kaya ng tigre tandaan mo hindi sa may kinakampihan ako sa kung sino man ang nais mong awayin ang sa akin awag ka ditong magkalat o sa kung san san man na blog dun ka sa blog mo magaantay kang puntahan at basahin nila kung magkokomentaryo ka man siguraduhin mong related sa sinulat ng may aksa yun lang, Peace & sana matauhan ka na....

JETTRO said...

galing mo nman seaquest totoo yang mga sinulat mo haha

ok din ito parehas kami ni everlito maraming ganito na tao

"Wag kang magpretend na alam mo ang isang bagay kung di naman kasi the more na nagmamagaling ka lalo lang lumalabas na ignorante ka sa harap nila."

mArNeLLe said...

add mo ako sa link mo
http://techiesandnewbies.blogspot.com

salamat po!