BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Monday, June 1, 2009

KOMPLIKADO (Part 1)

Dami ng nangyayari sa mundo, dami ng uso, dami na ring Badik sa makabagong teknolohiya ng mundo internet---computer, psp, pc games, i-phone, ps2 at iba pang etc. na teki....

Pero eto di na bago o kasabay ng makabagong teki ang sitwasyong uso....

MARIA: Kasalukuyang kolehiyala..isang pribadong paaralan sa lugar nila habang nagaaral nag-
tratrabaho cia dahil wala daw kakayahang magpaaral ang magulang nia...Habang nag-
aaral nagkaron ng kasintahan, c Juan...

JUAN: Kasalukuyang kolehiyolo...kampus mate sila ni Maria na klasmeyt nia sa isang subject..
Nagaaral lang dahil may kakayahan naman ang magulang niang cia ay pagtapusin.,
Nakilala si Maria sa unang semestre pa lang ng taon nila sa pagiging magkaklase, ayun,
natipuhan si Maria, niligawan, niregaluhan, hinarana, umakyat ng ligaw sa bahay kahit na
ba minsan sumisingit sa bising oras ni babae, nagtiyaga pa rin kahit ang layo ng bahay nia
sa bahay ni Maria eh halos 5 burol muna ang tatawarin bago cia makarating, ayun,
matapos ang isang taon sinagot din...Kasintahan na ni Maria...

Maria & Juan: Parehong nagtapos ng pag aaral..., naging inspirasyon ang isat-isa at naging
magkasintahan sa loob ng 5 taong mahigit...Parehong may marangal at
matagumpay na pinagkakakitaan. Makalipas ang 6 taon nilang magkasintahan,
nagpakasal, SAN? ciempre sa simbahan...Di naman daw sila nag commit ng pre-
marital sex..., yun ang sabi ha....? (paniwala ka ba?) Makalipas ang limang buwang
pagsasama bilang magasawa....

Juan: Inalat ata, nawalan ng trabaho....masaklap buntis na pala ang mahal na kabiyak.

Maria: Patuloy sa pagpagaspas ang magandang career sa buhay at tumaas ang sahod..,
nagdadalantao na....

Umabot na ng isang taon, kasabay ng pagkakaroon ng isang supling ang patuloy na sitwasyon nila sa buhay.., nakabukod sila ng bahay mula sa kanilang mga magulang yun nga lang bahay ni Maria ang kanilang tinitirhan...kasi si Juan wala pang kakayahan na magkabahay....pero dahil mahal na mahal ni Maria, yan nakaisang taon na sila may supling pa...

After a year..........(to be continued)



Bukas ulit antok na ko eh....

3 comments:

Hermogenes said...

parang telenobela, kakabitin...

aabangan ko kasunod nito, may similarity kasi sa buhay ko yung kwento... (tambay ako ngayon at si misis ang nagoopisina't nagpapalamon saken ngayon)

SEAQUEST said...

actually telenobela talga cia gusto ko lang pong magbahagi ng isa sa totoong nangyayari sa buhay baka sakaling maksalba ng isang kaluluwa man lang hehehe....Salamt po sa pagsubaybay geh po itutuloy ko yan...

SEAQUEST said...

PAALALA::::LANG PO::::

Anuman pong pagkakahawig ng komplikadong kwentong tinipa kong likha, sa lahat ng makakabasa nito eh hindi ko posinasadya nais ko lang ibahagi ang isang kwentong totoo.....mula sa mga taong nakasalamuha ko at nagbahagi nito na may pahintulot na ibahagi ko rin ito...