BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Monday, June 1, 2009

KOMPLIKADO (Part 2)



From the Part 1 ---continuation...After a Year...




Eto na si Juan...Isa na cia sa mga yan...lam mo na cguro kung ano trabaho nia yung gamit nia sa kanyang mga magulang.., wala daw kc ciang kakayahan para makabili ng sariling ipapamasadang sasakyang ganyan...
Eto na si Maria maligaya naman sa bagong responsabilidad na dagdag sa buhay nila...bukod pa sa kapatid niang pinapaaral nia...maligaya pa naman daw kahit na ba si Juan eh kumikita pa ng 250 isang araw para iabot sa kanya..Ang supling nila si Basyang Basa...
Ciempre, ang nag-aalaga nanay ni Maria kaya ayun, di nila kasama sa barong-barong nila, para silang laging bagong kasal ni Juan....Kung dalawin at puntahan nila ang anak isang araw isang linggo lang, dalan ng gatas, diaper at iba pang pangangailangan ni Basyang...
Bumilis ang takbo ng taon, lumipas ang dalawang taon, bah ciempre malaki na si Basyang kahit papano...
Maria: Eto Supervisor na, napuno na nia ng gamit ang munting barong-barong nila kumpleto na halos,..mula sa
balkon nila hanggang sa kusina at palikuran nila, pasukin mo bahay nila munti pero wag ka, malinis na
maayos at maaliwalas pa., nakakaya nia kahit trabaho at pagiging kabiyak at ina ang gampanin nia.
Dahilan, kasi Mahal nia si Juan, at ayaw niang magkaron ng pamilyang watak tulad ng ginawa ng tatay
nia noong siya'y maliit pa...bata pa daw cia natuto na rinciang mabuhay ng sarili niang kayod at tumayo
sa sarili niang pagod, at abilidad...(kaya siguro cia pinagpala, bukod pang bread winner cia ng pamilya
nia, hindi daw cia panganay sa kanilang anim, pero daig pa niang panganay sa responsabilidad nia sa
pamilya nia) kaya nga kahit may sariling buhay na sila ni Juan tuloy parin ang pagtulong nia sa nanay
niang labandera at taga alaga ng anak nia at 2 pang kapatid na pinaaaral nia....
Juan: Tinamd naman, mentras 7 araw pumasada isang linggo, aba naging 5 araw na lang, kapag sabado ng gabi
nakaharap sa lamesa niang maliit na may nakaikot na limang upuan at may mga kasamang kainuman...
Minsan daw cia ang gumagawa ng gawaing bahay kapag pagod na si babae...At kailangang kapag araw ng
linggo di dapat tumanggi si Maria sa responsabilidad nito sa kanya bilang asawa sa ayaw at sa gusto ni
Maria...Di namn cia inaasahan sa pamilya nia na katulad ni Maria yun nga lang di rin cia tinutulungan
upang magkaroon pa ng higit na mas malaking pagkakakitaan..Katwiran ng Pamilya nia; maganda raw
naman buhay nila sa sa laki ng kinikita ni Maria...Katwiran ni Juan kahit ganyan siya malabo ciang iwan
ni Maria...Ginagawa naman nia ang lahat ng makakaya nia upang makatulong sa kabiyak.
BASYANG: Nabibili naman nila lahat ng pangangailangan, mula sa pagkain,damit,laruan at iba pang mga
pangangailangan, bongga pa nga kung kaarwan eh.
Ganuon tumakbo ang kanilang buhay sa araw-araw hanggang sa umabot sila ng ikaapat na taong anibersaryo ng kanilang Kasal...Wow, tagal na din nila ah....
Nang ikaapat at kalahating taon nanila ng pagsasama....
Maria: Nagkasakit ang nanay nia, kasabay ng di maaaring makaakyat sa entablado ang isang kapatid na
pinaaral nia dahil may naiwang isang di na ipasa...Nang gumaling ang nanay nia anak naman nia ang
sumunod..Nospital na confine pa...
Juan: Patuloy sa dating gawa nia, pero nagbantay naman ng anak nia nung magkasakit ito....
Nangyari ito sa loob lang ng isang buwan ng Marso...Kaya't ang ipon ni Mariang Basa ubos dahil sa ospital na
ginto ang halaga ng gamot, na kung wala kang pera eh baka namatay na pasyente mo...
Isang buwan bago maglimang taong anibersaryo nila...
Maria: Makikitang umiiyak sa opisina nia, at ng nilapitan ng isang kaibigan, di na nakapagpigil nilabas na lahat
pasan at dalang bagahe nia, napapagod na daw mula daw pagkabata nia kumakayod na cia, hanggang
ngayon may sarili na ciang pamilya at anak para wala daw nagbago sa sitwasyon nia, iyak cia ng iyak...
Di naman daw nia maasahan si Juan dahil pambili lang ulam nila ang natitirang kita...Idagdag pang
bisyong alak at sigarilyo nito...Pero mahal na mahal daw nia kaya kahit ganun para sa anak nia nagtitiis
cia...pag naguusap naman daw silang magasawa ang katwiran ni Juan tumitiempo lang cia ng
pagkakataon para makahanap ng mas malaking pagkakakitaan para sa kanilang mag-ina...
Juan: Yun pinapaniwalaan ni Maria, yun talaga sinasabi nia..., naaawa na rin daw cia kay Maria pero wala daw
cia magawa wala namn daw ciang ibang alam na trabaho, ayaw naman daw niang magkarpinetro dahil
may tinapos naman daw cia...,
3 months after ng 5th anniversary nila....
Maria: Inalok ng kumpanyang ipadala sa ibang bansa, at nalaman niang may iba pang kailangan sila..5 taong
maaaring makapagabroad, bigla niang naicip si Juan...pumayag naman daw kaya naicip nia,
tinanggihan nia ang alok sa kanya. Ayaw na niang umalis pang muli ng bansa dahil naranasan na nia dun
nung sia ay dalaga pa at kasinthan pa lang si Juan....
Juan: Sinabi sa kanya ni Maria ang tungkol sa pangingibang bansa...sa una ang tanong ni Juan.."Bakit
napapagod ka na bang ikaw lang ang malaki ang kita at halos gumagastos dito sa bahay?" Pano naman
ako aalis wala naman akong pera...nagsalita at marami ng sinabi kay Maria...
Maria & Juan: Nagtalo, nagpalitan ng mga ibat-ibang salita, hanggang saumabot sa sumbatan kung
sino ang "mas" at kung sino ang hindi....
After a week....
Maria: Nanghiram ng pera kahit patubuan pa pinaluwas si Juan para magayos ng mga papeles niang gagamitin
sa pagaabroad, ng magtalo sila sa huli pumayag din si Juan...
Juan: Lumuwas ng ciudad, nag-ayos ng mga papeles na kailangan nia pasport, nbi, mariage contract,
etc...etc..ng okey na at kailangan ng mag apir sa interview para sa pag alis nia, lumuwas ulit ng ciudad
may dalang pera, naaya ng pinsan nagawi sa karera si perang pang down sa placement fee
itinaya sa laro, natalo.., nagaalala cia at dahildun di na rin sinipot si interview kailangan makapgisip
kunganong sasabihin kay Maria may naicip namn....,
Maria: Sumakit ang ulo, ang laki na kasi ng utang nia, ang sakit di cia sanay mangutang...nalaman niang bagsak
sa interview si Juan tulad ng pagkakasabi nito, at di pa yun naholdap pa ang aswa nia..awang-awa cia
kay Juan, kasi alam daw niang lahat ginagawa nito para makaahon sila sa hirap...
At sila'y bumalik sa dating gawi, dating routine, pero may isang nabago si Juan madalas ng umuwi ng lasing, at halos sa loob ng isang linggo madalas na silang magtalo, ibat-ibang dahilanibat-ibang katwiran....
5th 1/2 of their marriage...
Maria: nagtetext sa isang old friend nia, kinabisa lang numero at di-nial ito, sent message sabi sa cp nia..
Juliet: Titit-titit sabi ng cp ni Romeo na narinig nia, one message receive, binasa nia nakalagay, musta ka frend.
Nagtaka cia unregistered number, si Romeo nasa cr nila., natempt siya kaya binasa nia..ginawa
nireplayan nia..
Maria: Natuwa ang 2 years na di nakikitang kaibigan nagreply, at ang sabi sa mes. eto okey lang ikaw musta..
Sagot ulit cia, okey lang namn paluwas ako next week kita tayo sa dating place...(buong
akala nia eh si Ploning...)
Juliet: Nagngitngit sa nabsa nia at may tagpuan pa sila ha...sumagot cgeh kita tayo...in short nagpanggap ciang
siya si Romeo na buong akala din eh para kay Romeo nga iyon na asawa nia mag aapat na buwan palang
silang kasal, apat na taon niang kasintahan si Romeo bago sila nagpakasal...May trabaho cia encoder sa
isang kumpanya....
Romeo: Nagulat bigla ng lumabas sa cr at pagpasok sa kwarto nila eh biglang tinanong ni Juliet sino ang
katagpo mo ngayong araw na ito.., sagot nia wala, may tinpos, may magandang trabaho sa isang
telekomunikasyong kumpanya..ng ipakita ni Juliet sa kanya ang celpne niang 5110 pa eh binasa
nia ang sinasabing mga text dito, sabi lang nia kay Juliet cno ba kausap, di ba ikaw, eh ikaw ang kakilala
nian kayo nagpalitan text...
Juliet: galit na galit nung araw na yun...
Maria: walang kaalam-alam sa nanagyari sa tinext nia....
After 3 days of that incident...
Romeo: Tumawag kay Maria....nagtanong kung cno ito at nagsabi pa ng name ng dating ex nia na wala naman
silang closure kaya inicip niang ito yun., pero mali...ang sabi ng kausap nia cia si Maria at may isang
anak na...pero humanga si romeo sa boses ni Maria...
Maria: nagulat sa tumawag sa kanya, unregisterd number kc, ngtanong sa kanya sinagot namn nia kung ano
totoo. Medyo badtrip pa nga dahil nagaway sila ni Juan bago sia pumasok sa opisina, paluwas pa
naman cia next week..Pero humanga cia sa boses ni Romeo...
the next day...
Romeo: tumawag ulit kay Maria pero para lang makipahkwentuhan...nababadtrip na kasi cia sa ugali daw ng
asawa nia simulanun kinasal sila nagbago trato nito sa kanya pati sa pamilya nia..kaya kung tutusin
dapat nasa honeymoon stage pa sila pero nawawalan na daw sia ng gana...eto na nararamdaman nia
bago pa daw makilala si maria.
Maria: nakatanggap ulit ng tawag mula kay Romeo nalaman nia mula dito kung ano estado nito sa buhay, atbp.
inintertain nia si Romeo pero naiicp nia kelangan di dapat pa...
Juan: walang kaalam-alam sa bagong kakilala ni Maria...
Juliet: Kagaya ni Juan wala rin kaalam-alam tinitingnan namn lagi cp ni Romeo pero walng kakaibang mes.
dun, kaya inicip nia cguro "wrong send" lang yun....
Romeo & Maria: Simula nun nakapag-usap sila araw-araw na silang nagpapalitan ng mensahe sa text,
nagpapadala pa nga load card si Romeo kay Maria, C babae txt, c lalaki tawag...until
umabot sila ng one month pero nakapg-isip si Romeo hindi dapat may asawa silang pareho
may anak pa si Maria. Nagpaalam siya nitong tigilan na nila ang komunikasyon alam na nila
lahat kung ano kwento ng buhay ng isat-isa, ng kalagayan nila sa mga kabiyak nila pero alam
din nilang mali ang ginagawa nila...pumayag si Maria...then the next day they started not to
communicate with each other..kahit pareho sila ng nararamdaman daw na masaya kapag
magkausap sila.
Juan: Nagpaalam ulit kay Maria magaabroad na daw cia tulungan daw ulit cia ni Mari na makahagilap ng pera.
Maria: Manibuting tulungan si Juan..., humagilapmuli ng perang magagamit ni Juan. nakakita namn cia sa
isang kaibigan ciempre, utang ulit....
Basyang: ganun pa rin lumaki na sa aruga ng lola nia...pinupuntahan ng mga magulang nia tuwing araw ng
linggo.
Juan: Naloko ng recruiter, di na naman natuloy magabroad....kaya ayun naginom-ng naginom. malas daw siya
sa buhay pero mahal na mahal daw nia si Maria pero ano daw ba magagawa ginawa nadaw nialahat ng
kaya nia pero ganun parin ang bagsak pa din magpasada ng tricycle...may bukid cila pero ayaw namn
daw nia dun, kahitpa nga binibigay na sa kanya ng mga magulang niaang parte nia. Sa huli nauwi na
naman sila sa away ni Maria, dahil nakipagtalo si Maria ayun di naiwasan napagbuhatan nia ng kamay.
Maria: Di na daw niya kayang tiisin pero ciempre di siya nagsasabi sa kanyang pamilya lalo na sa nanay nia,
kilala kasi siyang matagtag ng mga kapatid at nanay nia, kaya ayun sinasarili lang lahat, dindaan sa iyak
pero may naalala ciang isang tao ng araw na ito..c Romeo...sinubukan nia sa isang mensaheng kumusta,
at mula dun nagpalitan na sila ng text..
Romeo: Nagalala cia ng malaman ang tungkol kay Maria...yun pala tulad nila Juliet nagkakalabuan na rin sila.,
Dahil pinatulan daw nito ang lola niang may ari mismo ng bahay na tinitirhan nila..Hinigh blood ang
matanda at muntik nitong ikamatay, dahil dun di na cia umuwi pa kay Juliet at balaklang sana ay mag
palipas ng galit..dahil muling natagpuan niang masaya palang kausap si Maria at nagalala sa nanyari
dito, napaicp cia bakit kaya ganun ang nararamdaman nia...
Maria: Pakiramdam nia nakatagpo cia ng kakampi sa pamamagitan ni Romeo, at mula natagpuan na lang nilang
muli silang nagpapalitan ng mensahe sa text nagtatawagan..
At matapos ang anim na Buwan naging sila kahit di pa sila nagkikita....
Juliet & Juan: Silang mga walang kaalam-alam...pero ang mga ugaling ayaw sa kanila yun pa rin sila...kahit
alam nila ito at sinasabi namn ng mga kabiyak nila, di parin sila nagbabago.
Makaraan muli ang 3 Buwan
Juan: Pinauwi na muna ni Maria sa bahay nila pansamantala daw muna silang maghiwalay at magkaron space
sa isat-isa upang mapaglimi nila kung bakit? at san nga ba sila nagkamali? nung una ayaw niya pero
sa huli pumayag na din cia dahil wala namn daw siyang magagawa at tuwina ang sagot nia kay Maria
bahala ka na...
Maria: Umuwi na sa bahay nila hinakot lahat ng gamit nia at iniwan na ang bahay nainuuphan nia ng kung ilang
taon na siyang rin bahay na pinagsamahan nila ni Juan.., patuloy na nagtrabaho at binuhay ang anak nia
Hindi naman inalis ang karapatan ni Juan bilang ama ni Basyang..
Basyang: Sa murang edad walng kaalam-alam na hiwalay na pala mga magulang kaya lagi ng kapiling ang ina
at dinadalaw-dalaw na lang ng ama..
Juan:Bago cia pumupunta pag linggo kila Maria nagtetext muna, nung pauwi na cia may natanggap namensahe
mula kay Maria, ganito po ang nakalagay ...(Mahal, pasencia na di agad ako nakapagreply kasi dumating
si Juan, kelangan ko makausap at kung makikita kong textng text kung ano pa maicip, mahal na mhal kita.
ingat ka..mwaaah) nabigla cia., at mabilis na pnihit pabalik ang minamanehong sasakyan pabalik...
ng dumating bahay nila Maria..agad na tinanong si Maria at narinig ng nanay nito...dun na lumabas ang
totoo at nagpagalaman niang matagal na pala ito at magiisang taon ng may karelasyon bukod pa dun.,
nabigla cia ng umamin si Mariang nagkita na pala ito at si Romeo..pinilit niang tanungin kung ano ang
tunay na pangalan ng lalaki pero si Maria di napaamin sa puntong yun...sabi nia palalampasin nia ang
lahat ng ginawa ni Maria tigilan lang at ptulin na ang komunikasyon kay Romeo, pero dun din nia napag
tanto kaya na pala ciang palitan ni Maria at iwan nito, napagtanto din niang hindi pala nia kayang mawala
ito...kaya't nakiusap cia muli silang magsama..
Maria: Ng mangyari na ma-"wrong send" cia alam na niang babalikan at kokomprontahin cia ni Juan pero wala
wala na ciang magagawa huli na cia..., subalit ng alukin siya ni Juan na tatanggapin nito ang lahat, at
kakalimutan na lang lahat muli silang magsimula at magsamang muli, subali't pagod na daw cia ayaw na
raw nia kaya't ng araw na yun..humingi cia ng tawad kay Juan kung nakalimot man daw cia, pero
Mahal na daw nia si Romeo..Tinawagan nia ito at sinubukan na magpaalam na putulin nila ang
anumang namamagitan sa kanila..subalit iyak cia ng iyak habang namamaalam...
Romeo: habang narirrinig niang umiiyak si Maria di na nia na iwasang umiyak na rin, hindi daw nia
pababayaan si Maria at iiwan ito sa gitna ng laban...kya di cia pumayag na putulin pa ang kung
anumang meron cila...
Juliet: umuwi na sa kanila mulang may mangyari sa lola ni Romeo., habang si Romeo tumira na lang kasama
ng mga kapatid nia dahil alam niang wala na rin naman itong mga magulang na matatakbuhan di tulad
nia, pero di cia pumayag na may makuhang kahit ano pang gamit nila si Romeo kinuha niang lahat,
magmula sa mga regalo nila sa kasal hanggang sa mga bagay at gamit na naipundar nilang 2..nagresign
nagresign cia sa trabaho bago pa man mangyari yung insidente sa lola ni Romeo dahil si Romeo eh
nagresign din di namn pumayag na cia ang bubuhay sa kanilang 2 kaya kahit matagal na cia sa trabaho
nia nagresign pa din cia...
After a Year
Juan: Tinulungan ng mga magulang na makaalis ng bansa, umalis cia papauntang Saudi..until now andun pa din
cia...nagpaalam kay Maria na magbabalik cia para sa kanilang magina subali't sinabihan cia ni Maria na
wag ng umasa pa, pero kung para sa anak nia malugod at nasa sa kanya kung nais niang magbigay pa..
Hindi naman nakalimot si Juan, buwan-buwan siyang nagpapadala kay Maria ng allowance sa anak nila,
may kamunikasyon pa rin sila pero di na sa text lang nageemail na sila ni Maria pero di sila nagcha-chat
sa YM, maglilimang taon na cia sa ibang bansang pinuntahan pero di pa cia umuuwi umaasa pa rin na
muling may babalikang Maria..Subalit...Si..
Maria: After ng makaalis si Juan 5 buwan makalipas lumuwas ng ciudad, nagpasyang magtrabaho, at ng
maglaon nagsama na sila ni Romeo.., kasabay ng unang taong pagsasama nila nabuntis si Maria at
nagkaron muli ng isang supling...C Banong Bakya...hindi nia sinasabi sa pamilya nia at nanay nia kung
anuman ang kalagayan nia sa ciudad pinapadalan lang nia ng pangastos at pangtustos ang mga ito..dahil
bgla din nagasawa ang kuya niang wala rin naman trabaho ayun may pamangkin pa ciang nadagdag
na namn sa responsabilidad, may komunikasyon pa rin cila ni Juan, ginagawa lang daw nia ito alang-
alang sa kanyang anak.., para sa kanyang anak na lang ang kung anuman komunikasyon meron
sila ni Juan, inamin niang may BF cia pero di nia inaming may anak na cia hanggang ngayon lihim ito sa
dati niang asawa, pero palagi niang sinasabi na wag ng umasa si Juan na may Maria paciang babalikan.
Romeo: Hindi na nakibalita pa kay Juliet basta ang alam lang nia umuwi ito sa nanay nia at walng iniwan sa
kanya kahit na isang gamit o saplot man nia, hinayaan na lang nia dahil isa nga ang pagiging madamot
nito ang ayaw na ayaw nia..,Nakisama na kay Maria kahit wala namn ciang permanenteng trabaho,
nagsama pa rin sila at nagkasupling cia dito sa loob ng isang taon pagsasama nila, pero maabilidad cia
kahit walng opisinang pinapasukan pa araw-araw, madami namang raket gumawa ng kotse, jip, motor,
computer, marunong magmaneho, etc. etc..., dahil ang katwiran nia ayaw niang maransan pa ni
Maria ang naransan nitong hirap kay Juan, sinuwerte namn kasabay ng pagkakaron nia ng anak,
nagkaron din cia ng permanenteng trabaho....di na pinasasabi at hanggang maari ayaw niang
makakarating ito kay Juliet dahil tiyak magkukumahog na namn yung makausap cia dahil alam nia
mukha itong pera...
Juliet: Umuwi na sa nanay nia, mahal na mahal daw nia si Romeo, nalaman niang babae ito gali na galit siya
pilit nanakipagkita kay Romeo pero ng magkita sila isang salita lang ang iniwan ni Romeo sa kanya,
may makilala man akong bagong babae o wala, may pakisamahan man ako o wala, di pa rin kita
babalikan, dahil ayoko ng mga ugaling pinakita mo lang ng maksal tayo....iyak ng iyak pero wala namn
dawcia mgagawa mahirap namng ipilit pa sarili nia..saka katwiran nia wala din naman trabaho ito,
kaya magdusa ang kung sino mang makakasama ni Romeo yun ang sabi nia....
Basyang: Mas naging malapit kay Maria kesa sa ama kasi kahit wala si Maria sa tabi nia, araw-araw naman siya
na kinakamusta at sinisiguro napapadala lahat ng pangangailangan nito, malapit din sa lola niang
siyang nagaaruga sa kanya. Nag-aaral na, sunod sa luho lahat ng usong teki meron cia...pero di namn
nakakapanghinayang dahil sa taon-taon siyang may unang karangalan..yun nga lang pano pag
nalaman nia ang sitwasyon ni Maria, dahil ang alam lang nia nagtratrabaho lang ito sa ciudad..
Sa kasalukuyan....
Juan:Nasa ibang bansa pa rin pero sabi uuwi na daw this year, at ang sabi daw nia kay Maria hahantingin nia
kung san nakatira sila Romeo, dahil galit cia kay Romeo para kasi sa kanya inagaw nito ang asawa nia..
Romeo & Maria: Maglilimang taon na silang nagsasama at kahit minsan di pa sila nagtalo ng matindi puro
tampuhan lang daw at tanggap ni Romeo lahat ng obligasyon ni Maria sa pamilya nito pati
ang anak nito, balak na nilang kunin sa susunod na taon ang anak ni Maria upang makasama
na, sabi ni Romeo lucky charm daw ng buhay nia si Maria, nagsimula ang pagsasama nila sa
isang plato, isang kutsara't tinidor, isang unan, isang kumot, at umuupalang sa isang maliit
na paupahang kwarto,,,sa ngayon kompleto na sila sa gamit nakatira sa isang subdibisyon at
malawak na bahay, at higit sa lhat isa ng Manager si Romeo ng isang kumpanya...,
nagpursige namn siyamula ng si Maria ang nakasama nia, Si Maria naman isa ng may
posisyon sa Marketing Dept. nila ang gamit nilang status.., separated, pag ininterview cila
di nila itinatatwang may ka-live in sila pero di yun naging sagabal sa reputasyon ng trabaho
nila, alam na rin ng nanay ni Maria ang totoong ctwasyon nia pero ang inaalala daw ng
nanay nia ay si juan, kung ano gagawin nito pagbalik ng bansa...Pero aminado ang dalawa
masaya sila kumpara sa mga dati nilang kasamasa buhay..mali pero kuntento daw sila sa
isat-isa...
Juliet: Balak daw mag-ipon para idemanda si Romeo nakarating sa kanya na maganda na daw ang buhay nito,
at may anak na pero sabi nia di daw ganun lang yun kadaling magmove-on, matapos ang apat na taon
pananahimik mukhang bigla ata ciang nagkaron muli ng interes kay Romeo..(dahil ba lamniang malaki
na kita nito?) Wala daw trabaho sa kasalukuyan naninindahan lang...
Basyang: ayun, gusto ng tumira kay Maria pero alam niang darating this year ang ama kaya di pa cia sinama
ng kanyang ina, pero sa makaalis lang muli si Juan, nais na niyang kay Maria tumira at nun pa lang
matutuklasan na may kapatid na cia...at may bago ng tito...
Banong: Mag-3 o apat na taon na ata., this year...matalino din bata..eligitimate man pero swerteng bata..
paborito ng lahat sa pamilya nila Romeo..at ciempre tulad ng kuya nia kumpleto rin sa
pangangilangan....
ANG MGA PUNTO KONG NATUKLASAN
  1. Hindi pala lahat ng mahabang panahon ng pagigigng magkasintahan, nagtatapos sa happy ending.
  2. Minsan akala nio kilala nio na ang isat-isa sa haba ng inyong pinagsamahan pero makikilala mo lang pala ang isang tao kapag magkasama na kayong namumuhay sa iisang bubong.
  3. Ang pag-aasawa maraming pagsubok hanggat kaya niong lagpasan dapat pagtulungan hindi ng iisa lang.
  4. Mahirap pumasok sa isang sitwasayong walang katiyakan, lalo pa't may mga musmos na involve.
  5. Subali't, hindi kosila kayang husgahan dahil alam kong may mga sarili silang dahilan, di ko masabing tama, pero ayoko din sabihing sila'y mali, ang nalaman ko lang hindi siguro tayo maghahanap kung walang pagkukulang.
  6. Walang naghihiwalay na isa lang ang may kasalanan, parehong may parte ang bawat isa sa kanila.
  7. Anuman ang pasukin natin at pagdesisyunan sa buhay walang ibang dapat sisishin, walang ibang dapat pagtaniman ng galit, dahil napupunta tayo sa kung anuman eron sa tayo sa buhaydahi tayo mismo ang pumili nuon...para sa akin sana lang matutunan natin panindigan kung anuman ang ating piniling tahaking daan..("God, give us a choice to choose")
  8. Wag natin sanang kakalimutan kahit anu pa man anag mangyari ang pamilya pa rin nating pinagmulan ang hindi tayo iiwanan...
  9. Matutong tumanggap at magparaya kung kailangan, dahil mahirap mabuhay sa isang kahon lang..kailangan paminsan-minsan lumabas tayo sa ating pinaniniwalaan bakasakali may mas mainam tayong matuklasan.
  10. Huwag maging mapanghusga sa iba sa kung bakit nila yun nagawa..Pero di rin korin sinasabing sumasang-ayon lang ako ng basta-basta, mabuti ng malaman muna ang panig ng isat-isa....
  11. Lahat tayo may parte sa bawat pangyayari sa mundong ito, magmula sa sarili natin hanggang salahat ng mga taong nakakasalamuha natin araw-araw.
  12. Di natin maiiwasan magtanim ng galit sa mga nanakit pero kung uunahin natin ang galit walng sitwasyong maayos...
  13. Kung may biktima man sa ganitong kakomplikadong sitwasyon, silang mga musmos na walang muang.

Hindi ko pa alam kung san magwawakas ang sitwayong komplikado tulad niyan subukan nio nalang gumawa ng mainam na wakas nian pero kung ako tatanungin mas nais kong matapos at magwakas cia sa matiwasay na pamamaraan, di maaalis na may masaktan....

MGA NAIS KO LANG ITANONG MULA SA KOMPLIKADONG SITWASYON

  1. Kung kayo si Juan sa tingin nio san ka nagkamali?
  2. Ano ang gagawin niong hakbang?
  3. Kay Maria? kay Basyang? kay Romeo?
  4. Kung kayo si Maria sa tingin nio san ka nagkamali?
  5. Pano mo ihahanda ang sarili mo sa gagawin ni Juan?
  6. Sa magiging balak ni Juan kay Basyang at kay Maria?
  7. Kung kayo si Romeo sa tingin nio san ka nagkamali?
  8. Ano gagawin niong hakabang sa balak ni Juliet kapag nalaman mo?
  9. Anong balak mong gawin para kay Banong na iyong anak?
  10. At kay Maria na higit na minahal kesa kay Juliet?
  11. Kung ikaw si Juliet sa tingin nio san ka nagkamali?
  12. Pano gagawin mo kay Romeo? sa anak nito at kay Maria?

Sobrang Komplikado noh, may mga higit pang mas komplikado dito pero eto pang salasalabit na...ang lahat ay nagmua sa makabagong teki, marami tayo nian ngayon...aminin man at hindi kun malaki ang advantage ni teki sa atin malaki din ang dis advantage nito...kaya dapat hinay-hinay lang sa paraan ng paggamit...

0 comments: