BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Sunday, June 21, 2009

UNOS

" Pray and always ask help to God as everything depends upon Him, work hard as everything depends upon you"

Happy Fathers Day sa lahat ng ama para sa araw na ito..sa mga nasa ibang bansa na OFW di nio man sila kapiling ngayon alam kong ginagawa nio ang lahat dahil sa pagiging AMA...

Since today is sunday, ciempre nagsimba ako kangina at ang larawan sa taas ang nagsasaad ng mabuting ebanghelyo sa araw na ito, alam kong alam nio na kung alin sa istorya ng buhay ni Bro ang parteng yan...(Mc 4:35-41) Pakibasa nio na lang po....

Napagtanto ko kasi tamang tema para sa araw ng mga AMA, kasi sa pangkaraniwang buhay natin sila ang unang nagpapatibay ng ating tahanan sa lahat ng unos na dumarating sa ating buhay, bagama't iba ang kwento ko sa karaniwan subali't batid kong marami pa rin naman ang amang dakila para sa kanilang mga pamilya, silang mga pumapawi ng anumang agam-agam ng kanilang mga anak at asawa, silang ginagawang panang-galang ang buhay at sarili kapag nandiyan na ang unos ng buhay...Unos na nasa iba't ibang anyo ng aspeto na ating pamumuhay..

Nariyang si ama at ina nagsusumikap ng mabuti, c anak naman natutong magbisyo di pa nag-aaral ng mabuti, biglaang pagaasawa ng mga anak na inaasahan ng mga magulang, si amang dumapo sa pugad ng iba, c inang nakakita ng ibang papadapuin sa pugad nilang mag-asawa, biglaang aksidente, pagkawala ng mahal sa buhay ng di natin napag-handaan. Magkapatid na nag-iinggitan at nanaghilian at nagiging daan ng di pagkakaunawaan.

Nag-iibigang sa bandang gitna ng relasyon natuklasan nagkakalokohan, nagmahal, minahal, nagmamahal subali't walang inaasahan anu pa man o kasiguraduhan sa inaalay na pag-ibig. Pagkakaibigang nawala at nasayang dahil sa pagkawala ng tiwala, o kakulangan sa komunikasyon.

Lipunang ginagalawan na may makamundong sistema, makabagong teknolohiyang nagdudulot ng pagdagok at pagyurak sa dangal ng kapwa.. Kung isa-isahin natin grabeng dami iba pa ang baha, lindol, giyera etc. etc...

Subali't san ba tayo tumatakbo sa mga panahong ito, hindi ba at kay Bro??? Pero yun ay pag may unos na nakakaramdam tayong takot, pangamba at pangunggulila...

Pero naisip mo ba o ako o sila o nila o tayo? Ilang beses kang humarap sa salamin sa maghapon at pumindot ng celpon o tumipa ng keyboard, maglaro ng psp, ng ps2 at anupa man libangan, kumpara sa pagupo at pagtahimik at pakikipagusap man lang sa kanya...Minsan kasi pag okey tayo, kumpleto ng kailangan, nakangiti at nakatawa nakakalimutan natin tumakbo papunta sa kanya...bakit di na lang din nating gawin katulad ng mga amang dakila na nagsisikap dahil alam nilang nakadepende sa kanila ang buong pamilya, subukan mo rin dumepende sa kanya, sa kahit anong oras, kahit anong okasyon at kahit anong pagkakataon, bago mo sabihin sa iba unahin mo muna ciang bahaginan ng nangyayari sa iyo...isipin mong cia ng iyong site tulad natin dito sa blogsperyo. 24 oras isang araw 8 o 10 para sa trabaho, 3 oras para sa pagkain mo sa tatlong beses maghapon ang onse oras mong gugulin pa, ilan ang sa kanya???? Baka lang kasi sa sobrang mapagpuna natin sa pulitika, sa iba, sa kapawa at sa sistema makalimutan cia wag naman sana...Dahil mas masakit kapag tayo na ang nakalimutan nia, bawat unos ay lumilipas kung may matatag kang pananampalataya sa KANYA...


Naalala ko rin tuloy ang palabas sa TV na may libro na din..Actually, nabasa ko na yung libro nun pang year 2000 sobrang paghanga ko talaga sa kanya dahil sa murang edad grabeng tatag sa unos na dumapo sa kanya. Siguro yun iba napanuod o nabasa na din ang istorya nia "one liter of tears" sino nga ba naman ang di makakabangon sa unos at pagkadapa na halos unti-unti kang pinapatay sa bawat oras na dumarating sa buhay, pero marami ang sa kanya ay humanga at bukod dun alam kong marami ding taong napagpabago cia..., anu nga bang magagawa ang milyong halaga kung kanser na ang sakit at wala pang lunas...Wala...kundi pag-mamahal ng pamilya at pananampalataya upang sa kabila ng lahat manatili ang ngiti at gawing kapaki-pakinabang ang bawat segundo ng buhay...

7 comments:

pamatayhomesick said...

pag may unos, may liwanag na darating..keep the faith!

Ching said...

wala na akong tawagin kundi ang ama sa lahat.... iba't ibang karanasan iisa ang layunin mabuhay sa kahit anong unos...

magpakatatag sa lahat....

ching

ROM CALPITO said...

totoo yan ako ang nakagawian ko tuwing umaga magbubukang liwayway yung bang agaw ang liwanag at dilim don ako lumalabas at tumitingala ako sa taas nagpapasalamat sa lahat ng ntatangap ko at humihiling na huwag akong pababayaan.

Hindi ako nagsisimba pero relihoso akong tao.

gege said...

naniniwala ako na mabait akong bata kahit hindi ako regular na nagsisimba tuwing linggo. at naniniwala rin ako na kapag may unos... may pinapabatid na mensahe. maaring kailangan mung magnilaynilay at tumigil muna sandali sa pagiging ma-inam ng mapansin mong merong kang kakulangan na dapat mong punan. maybe! ;)

SEAQUEST said...

Salamat sa inyong mga komento yah, your all wright, lahat ng unos may dahilan at walang unos na hindi matatapos basta manalig lang tayo palagi sa kanya...

JM Estoque said...

1 liters of tears? pinapanood ko yan ha? Ang cute kaya ng story... pero nakakaawa din sya.

Marahil... ang number one hatak sa manood ay yung dahil sa cute na artistang bida. Dahil, sa ka-cute-tan niya ay nagagawa nating maawa kahit sa pinakasimpleng bagay na nagpapahirap sa kanya.

Try nating si Mr. Bean ang gaganap sa role na 'yon... hindi tayo maaawa kundi... malamang ay maiinis o matatawa pa tayo sa kanya! Hahaha!

Thank you pala sa pag-follow ng blog ko.

... ate? kayo ba yung nasa pics sa may bandang right?
Ang ganda nya... promise!

:)

JM Estoque said...

oops!! sorry... hindi pala ikaw yung nag-follow ng site ko pero... pabati na rin. :)