Next week, or next Sunday ung araw daw para sa mga tatay....Sa una, ewan ko ba kung pano siniselebra 'to? Paano nga ba? Pasalamatan ang aking ama, dahil ba sa wala ako ngayon sa kinalalagyan ko kung di dahil sa kanya, o pasalamatan ko siya dahil kung hindi dahil sa kanya baka duwag ako ngayon, mahina, malalay, at takot sa pagsubok ng buhay...Pero dahil sa kanya natuto akong lumaban, natuto akong magpakatatag, natuto akong magkaroon ng determinasyon sa buhay, natuto akong bumangong mag-isa sa bawat pagkadapa ko sa buhay, dahil natuto akong buhayin ang sarili ko sa maagang panahon, natuto akong maging matapang sa lahat ng pagsubok na narating sa buhay ko, natuto akong mag-isa ng walang Amang inaasahan sa araw-araw kong buhay.....Cguro nga, oo, salamat sa kanya dahil sa mga ito.....
Pero di talaga maalis sa isip ko nuon, kung bakit??? Kung bakit iba ka kesa kanilang mga nakikita ko? Kung bakit di ko nakita sa iyo yung pagmamahal at pagkalingang hinahanap ko sa isang katulad mo...Ayoko na sanang maalala pa lahat, dahil minsan di ko talaga maiwasan na ang pilat ay muling manariwa...Naipakita ko na sa iyo nuon kung gano kita kamahal, infact sa iyo na rin nagmula ako ang paborito mong anak, at di rin naman nabago yun dahil sa tingin ng mga kapatid ko hanggang sa nanay ko ako pa rin ang naging paborito, pero para sa akin marahil ay sanhi lang iyon ng pagiging sakitin ko nun bata pa ko at nasanay lang silang ako yun tinututukan dahil sa aking kalusugan.....Na siya atang naging dahilan upang ipanghingi ako ng abuloy at sabihing patay na ko gayung buhay na buhay pa ko...Hindi ko makalimutan yan ng malaman ko mismo sa bibig ng taong hiningan mo ng pera, isang itunuring ng nanay kong pangalawang ina, pero dahil sa iyo sinira mo...hindi na ko magtatanong kung san mo dinala ang abuloy na para sa akin, alam ko na sa sugal....Pero bakit nga ba at bigla na lng naglaho ka, kung ang iba'y alam na ang kanilang Ama ay sumakabilang buhay, ikaw? kakaiba, sumakabilang bahay o bayan o lugar, na di ko malaman hanggang ngayon kung san nakatayo ang nasabing iyong nilipatan, subali't ganun pa man di na ko interesado pa....
Aaminin ko, magiging impokrita ko kung sasabihin kong hindi ako nagalit sa iyo, bakit? ang sarap ng buhay natin nun, okey naman trabaho mo, pati nanay ko, kaya nio kaming buhayin na magkakapatid, nun una di ko nauunawaan, hanggang sa akin matuklasan, kung bakit nawala ang lahat....dahil sa sugal, sugal na pinagkalulungan mo, isama mo pang barkada mong wala sa lugar na pakikisama mo isusubo na lang namin pamimigay mo pa, okey lang sana eh kung kaibigang totoo pero ng mawalan ka, asan na cila? nawalang isa-isa, hindi ko malaman kung san mo dinadala ang pera yun pala marunong kang mambabae, uminom, manigarilyo, at natuto ka pa ata manggancho....Ewan ko pa kung anong iba basta ilan lang yan sa mga nalamn ko....
Awang-awa ako sa nanay ko habang nagkukuwento sa lahat ng hirap na dinanas nia sa iyo, dapat pala nuon pa cia humiwalay sa iyo pero di nia magawa dahil sa amin mga anak nio, isa lang pinagpasalamat ko di ka nananakit ng asawa mo, aside from that, hindi ko na po alam kung may kabutihan pang nanalaytay sa iyo para sa aming pamilya mo.., iniwan mo kami, iniwan mo ko sa obligasyong dapat ay sa iyo pangatlo ako, pero pakiramdam ko ako yung naging panganay...nakapagaral ako sa sarili kong kayod, napagtapos ko bunso kong kapatid sa sarili kong sikap.., natakot sa relasyon, oo, totoo, ayoko kasing makatagpo ng katulad mo, minsan na kong naging man hater, buti na lang may isang taong dumating sa buhay ko nagtiyaga at nagpabago ng pananaw ko bukod pa sa 2 kuya ko...Lahat ng hirap dinanas ko sa hina ng katawan ko pero pinilit ko, kung nangibang bansa man ako at sikreto yun sa kapamilya mo dahil kahit silang mga kaptid mo nagalit ako??? Bakit? dahil isa man sa kanila walang tumulong sa amin minsan may kusang nagbibigay, isusumbat pa, yun tipong kailangan may kapalit, ng makita mong nagbubunga na pagsisikap ko, minsan nagulat ako sa iyo after 10 years nagpakita ka, bumabalik ka...???
Hindi ko masisisi ang kapatid ko kung tumakbo cia sa akin pabalik at tanungin kung sino yung napabuksan nia dahil alam ko maliit pa cia ng umalis ka, kaya ayun di ka nia nakilala, at dahil halos ako ang tumayong panganay sa bahay sapagkat ng ikaw ay lumisan, ako ang naiwan wala mga kuya ko kundi kaming tatlo na mga babae lang sa bahay, nuon ko unang nakita ang sarili ko kung panong makipagsagutan sa isang magulang, nasambit ko pa nga nun, "patawarin ako ng Diyos" kung sa paningin nia ay nawala ang aking respeto sa iyo sa oras na iyon, pero sabihin mang mali, lahat ng hirap ko wala kang alam, lahat ng pagpapagal ko hindi mo alam, pero anong sinabi mo sa akin, mentras humingi ka ng tawad sinumbat mo pa lahat ng naibigay mo nun araw, tinawag mo pa kong mayabang porke't nakatapos lang ng pag-aaral, kakaiba ka talaga!!! hindi mo pa pinagpasalamat na sa kabila ng kawalan mo natutunan kong igapang ang pamilyang ito.....Hindi ako nagmalaki kaylanman alam ng lahat ng nakakikilala sa akin yan. Anuman meron ako ngayon pinagsumikapan ko...alam mo yun bata pa ko lahat na ata ng ilalako nalako ko buti na lng hindi ang katawan ko, siguro dahil na rin sa may determinasyon akong makabangon sa hirap na iniwan mo....
Palagi sa akin sinasabi ng ibang tao, anuman ang klase ng pagkatao mo, ama pa rin kita, cguro nga tama rin sila dahil di ako tatatag ng ganito kung di dahil sa paglisan mo, subali't di maalis ang tanong ko at agam-agam sa isang amang tulad mo, "Pag ba nagtanim ng buto, di ba dapat, inaalagaan, iaaruga, kinakalinga, minamahal, at dinidiligan katulad ng sa isang halaman upang lumago ng maayos at makabuluhan"...nangyari ba sa atin ito?, pakiramdam ko kasi tinanim mo lang ako pero pinabayaan mo kong magpalago ng sarili ko, buti na nga lang ng iwan mo ko umulan, at dun kahit pano sumibol ako...hindi ko maiwasan umiyak habang sinusulat ko ito, gustong-gusto kitang sumbatan, gustong-gusto kong ilabas lahat ng pagpapakasakit ko sa iyo, pero para ano pa?? Kung di man kita tinanggap nun at sinang ayunan ako ng mga kapatid ko at nanay ko, hindi mo rin ako masisisi, dahil kahit minsan hindi ko naramdaman may "TATAY" ako, buti na lang may "NATAY" ako...kahit pano nabuhayan ako ng loob para magpatuloy sa mundong ito.
Sa ngayon, nabawasan na galit ko sa iyo pero hindi ko pa alam kung lubos na ba pagpapatawad na naibigay ang alam ko lang kahit pano nabawasan na pait ng nararamdaman ko pag Ama ang topic sa paligid ko, ang palagian ko lang na dinarasal, kahit alam ko anjan ka lang sa tabi-tabi, nawa" yung ginawa mo sa amin, wag mo ng ulitin sa pamilya mong ninais mo uling buuin..Kung magkita man tayong muli yan pa rin ang sasabihin ko sa iyo..Marami ang nagtatanong ano raw ang gagawin ko pag namatay ka na?, simple lang muna ang sagot ko, "hindi pa ako cgurado" ano bang malay ko baka mauna pa ko sa iyo...Magkaganun man gusto ko pa rin magpasalamt dahil kahit muntik ng mamatay ang butong itinanim mo, eto' buhay pa rin ako...Minsan naiicip ko kaya cguro sa 2 beses na muntik akong mahulog sa kamatayan pero nabuhay pa rin ako, dahil hindi pa tapos ang misyon ko...Misyon ko para sa iyo at para sa pamilya ko....Aaminin ko rin sa iyo, nasasabik ako sa mga yakap ng AMA, Amang mabuti at nakkaunawa, yung hindi lasing, yung hindi sugarol, yung hindi ikaw na bumalik sa pagkabinata kung hindi yung Amang katulad nun nagaalaga at umaakap sa akin nun ako'y limang taon pa habang palaging hinihika at dinadala sa hospital.....minsan bumibigay din ako sa pagsubok pero di ko kailangan ipakita sa kanila lalo na sa nanay ko...Kailangan eh... Pero kung nandito ka, ano kaya ako?? Para sa mga di pa nakkaalm isa ka sa mga dahilan kung bakit ayoko ng anumang larong tinatayaan ng pera...Sa totoo lang ang laki mong phobia sa pagkatao ko....San ka man naroroon ngayon, nawa nagpapaka-AMA ka na!!!....tunay...
RD
13 years ago
8 comments:
wow una ako
Nakakalungkot nama ng storya ng buhay mo seaquest hanga parin ako dahil nagpakatatag ka. nandiyan na yanharapin nalang natin ang panibagong bukas. naging ganon man si padir mo kahit papaano sabi nga sa kasabihan ama parin silang maituturing. Kahit cguro ako ganyan din ang mararamdaman ko, mag enjoy nalang tayo kung ano ang narating natin ngayon. hairap din talaga ng mga ganyang buhay. masarap magbasa pag mga totoong buhay na ang binabasa thanks for sharing miss seaquest.
@ Jettro
Salamat din sa pagbasa & encouragement, yah, mahirap pero kailangan ko ng tanggapin ang katotohanan na isa ako sa mga taong di pinalad ng magkaroon ng isang Amang mahusay, pero tulad nga ng sabi niong marami He's still my father....Thanks..Godbless
when is father's day really? im confused!
love,
nobe
www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com
ayos ang story pwede padala mo sa maalala mo kaya hehehe.
great! matapang at may determinasyon... saludo ako sa iyo.
tumulo na sipon ko hehehe.. nice post.
ching
Hindi talaga madaling tanggapin ang isang katotohanan lalo't na't ang taong dapat na magtaguyod sa inyong pamilya ang syang naging dahilan upang sumira sa pinapangarap na pamilya, dahilan upang kamuhian sya tulad ng iyong ama.
Subalit, sa paglipas ng panahon, anumang hapdi ng sugat na nilikha nito, nawa'y maramdaman natin ang haplos ng pagpapatawad.
Let us not dwell on our past, but rather face today with pride and move forward for a better tomorrow.
Katulad ko na maagang namatay ang aking ama, ialay natin ang Father's Day sa mga tatay na minsan ay naging bahagi ng ating pamilya, mga taya na umunawa sa atin kahit hindi natin sila kapamilya o kamag-anak.
A blessed Wednesday to you.
SEAQUEST * You must be proud of what you achieve. despite of the hard ship that you have thru.
Forgiveness is a hardest thing to do. I hope na pagnagkita kayo mabuhos mo ang naramdaman mo. let your feeling go. Empty you hatred heart and fill it with love.
God has a plan for you kaya nya pinahintulatan na mangyari ang mga problema na ito. To teach you how to pray & trust for Him.
Nobe * on the 3rd sunday of June,
JETTRO * Totoo ngang masarap mabasa ang true to live story parang maalala mo kaya.
Pope * I agree with you.
ate,
at least po naging matatag ka sa mga nangyari at nakayanan mo lahat.Ü
plus the fact na you still thanking him even hindi siya naging mabuting ama sayo.
ayos yun .Ü
Yah, i agree to all what you said...kahit anu paman ang nangyari sa akin nagpapasalamat pa rin talga ako kc natuto rin namn ako dahil sa kanya..., hindi naman kasi tayo puedeng mamili ng magiging magulang natin what important is i thank for him kc kung di dahil sa genes nia wala ako ngayon hehehehe...thanks sa inyong pagpunta sa aking dampa...
Post a Comment