Naalala ko siya kasi nakakita ko kangina ng matndang lalaki...Si Mang Tantul kung tawagin nuon sa aming lugar, hindi ko lang alam kung siya ay buhay pa o pumanaw na, ang tangi ko lang naaalala kung nuong panahon ng kastila eh may pilosopong Tasyo siya raw ang katumbas nito....
Sa eskuwela...Ang sabi ng teacher class lahat kayo kumuha ng tig-iisang buong bond paper at ballpen or lapis, sa papel na yan gumuhit kayo o magdrawing ng mga tao, bagay o anumang naisin nio na ciang magrereplika sa inyong pag-katao..., ang ginawa ni Tantul...
Sinulat ang kanyang pangalan sa gawing kaliwa sa itaas na bahagi ng papel at sa gitna ay isang tuldok mula sa lapis nia...Ipinasa at nag-antay para sa pagbabahaginan nila..Sa bahaginan, ng cia na ang tanong ni teacher, Tantul, asan ang iyong ginawa, itinuro ang maliit na tuldok..ang sabi ng guro, bakit halos wala akong makita at bakit yan ang yung ginwa,,,ang sagot ni Tantul kaya nga Tungaw eh, alangan makita....
Sa paglalakad pag nakita ciang naka-bike wag mong sasabihin, Bah san ang lakad, sasagutin ka nia, "nakita mong nakabike..."
Pag-sinabi mo namang okey ah, may service tayo ngayon san ang punta? sasagutin ka nia, alangan namn magpagulong-gulong ako....
Minsan nagpatulong magtulak ng sasakyan niang medyo kakarag-karag, aba'y ang layo ng narating ng may magtanong sa mga nagtutulak bakit di ata nag-iistart, baka namn di naka susi...alam niosinagot nia..., di nio naman kasi sinabing isusi eh bago itulak...
It must be corny,,, pero isang bagay ang nakatawag sa akin ng pansin ang pagiging Tungaw, tulad ng mga taong wala "raw" sinabi sa buhay at walang kakayahang makipagsabayan sa maraming atik..., di sila napapansin dahil ba sila'y tungaw lang? Sa ospital kapag wala kang pera sa huli ka na, sila ba'y tungaw para di makita? Sa lipunan kung mapapansin natin may diskriminasyon ang bawat indibidwal, di ko tuloy minsan maialis na mag-isip kung pano, kung ako'y naging tulad nila, di marinig kahit nagsasalita, di mapansin kahit nangangagat na, dinidedma dahil ba sa wala naman importancia, eh bakit nilikha pa sila?...Sila'y Tungaw nga bang tunay o nagakataong dinidedma lang....????
Ang hirap nga naman pag masydo kang maliit, di ka makita kahit may nagawa ka na...pero kung malaki ka at maimpluwencia, baka pa!!!...sakaling may "say" sila...o minsan naman mapapansin ka dahil kailangan lang nilang mapag-aralan at may malaman...
Si Mang Tantul, tungaw man daw pero kapansin-pansin naman, yun nga lang sa pilosopong pamamaraan....
RD
13 years ago
0 comments:
Post a Comment