Kapag Bata pa....Gusto ko paglaki ko...
...Maging Doktor, para makatulong ako sa mahihirap at magamot ko ang may mga sakit.
...Maging Pulis, para mahuli yung mga may ginagawang masama at maparusahan.
...Maging Presidente, para makatulong ako sa pag-unlad ng Bansa.
...Maging Artista, para (magkaron ng exposure) hehehe, para makapamahagi ng aking talento.
...Maging Abogado, para maipagtanggol ko yung mga naaapi na walang kasalanan.
...Maging Teacher, para matulungan ko yung mga batang di makapag-aral.
...Maging Mayaman, kasi para maiahon ko sa hirap ang pamilya ko at matulungan ang mga katulad namin.
...Maging Manager, para makapgtayo ako ng sarili kong negosyo.
...Makarating sa ibang Bansa, para maiahon ko sa hirap ang pamilya ko.
...Maging Boksingero, Basketaball o anu pa mang larangan sports naako'y makikilala sa ibat-ibang bansa..
(para makapagbigay ako ng karangalan sa ating bayan)
Kapag Matanda na.....Gusto ko...
...Dahil Doktor ako, dun ako sa pribado magtratrabaho kasi mas malaki ang kita kesa sa pang publiko.
...Dahil Pulis ako, sa ciudad ako magpapaasign kasi malakas daw ang raket dun, kesa dito sa probincia, halata..
...Dahil ako'y Presidente, samantalahin ko na ang pagkakataon para makarating ako sa iba't-ibang bansa wala naman magagawa ang mga kinasasakupan kasi lakad ng panggobyerno ang gagawin ko, at kailangan mas maraming proyekto para mas malaki ang kat-kung ko...at ciempre may ambon na din kayong mga katulong ko.
Basta quiet lang kayo..
...Dahil artista ako, at magnda kahit pa ano ang gawin ko, magpalit-palit ng gf or bf, magsuot ng halos litaw na buong katawan tiyak hahangaan pa rin ako ng tao...
...Dahil ako'y abogado, mga prominenteng tao ang dapat na kliyente ko, para mas malaki ang kita, yun mga walng pambayad sa public attorney na lang cila, mahina ang kabig pag sila.
...Dahil ako'y Teacher, aba, tagal ng sahod namin dito sa pampubliko kaya kelangan ng sideline, ice candy, kakanin o anu pa kayang maitinda sa mga estudyante.
...Ngayong Mayaman na ko, makaganti sa mga nangapi sa akin nun araw, at kaylanman di na bumalik sa aking pinanggalingan.
...Dahil Manager ako, pano ko kaya mapapatalsik tong presidente ng kompanyang to, para namn ako ng pumalit at di mahalata ang ilegal na ginagwa ko.
...Dahil nakapangibang bansa na ko, kailngan pagbalik ko di na ko katulad ng dati...ciempre mas malaki na kita ko kesa sa dati.
...Sana, ngayon bilang kilala na ko sa larangan ng sports sa ibat-ibang bansa eh,mabigyan man lang kami ng pansin ng gobyerno sa tuwing may laban ako at ang mga katulad ko..Pra naman ang buhay namin ay magbago..
Ilan lamang po ang mga ito sa mga nalaman ko sa pagoobserba sa aking paligid na ginagalawan, parang ang pangarap kasi ng pagkabata nagiiba na kapag nasa kanila na...Hindi ko po nilalahat ang mga propesyong napili at nabanggit, ilan lamang po iyan at sila sa mga taong nakasalamuha ko sa mga nakalipas na pag-agos ng aking pamumuhay, obserbasyon, may mangi-ngilan na tinanong at nagbigay ng mga opinyon, kung ang ilan sa propesyon ay "ikaw" na siyang nagbabasa hindi naman po nangangahulugan na isa ka rin sa kanila ng tumanda na kung magkagayon man, di po sinasadya nagkataon lang, (ipagpaumanhin kung sakali man nakasagasa), nais ko lang pong ibahagi upang ating malimi, kung bakit nga ba at ang ating bansa ay hirap makipagsabayan at umangat...Maaring hindi ito ang literal na dahilan subali't para sa kanilang mga walang sinabi sa buhay tulad ng aking pinagmulan maari rin namn maging sanhi ang ngayon ng kinabukasan...Ikaw ano ang ginusto mo? ang gusto mo? at gugustuhin mo pa?
RD
13 years ago
4 comments:
tsk! tsk! tsk!
totoo yang mga sinabi mo, mentras kasing tinutubuan ng utak ang tao natututo na rin syang manlamang sa ka kapwa, kaya doon sya sa alam nyang mas makakapanlamang pa sya. ang masama pa, walang kasiyahan ang tao.
Ako gusto ko madaming pera haha!!! para mabigyan ko kayu lahat hehe!!
:)
big tnx to u! ure in my blogroll so im sure i passed by hir to campaign! we won!
@ tonio...
ganun po ata eh.., walngkuntentosa buhay..salamat sa pag komento.
@ Homer..
hmmmp..magbigay ka kaya!!! hehehe..baka magtago ka na pag marami ka ng bread...
Post a Comment